Seventh Blood : Beheaded II

19 2 0
                                    

Andrea's Point of View

Isang malagim na balita ang agad kong nabungaran pagpasok ko sa classroom namin nung araw na iyon.

Isang kaklase na naman namin ang nawala.

Nagulat ako nang pagpasok ko ng classroom ay pinalilibutan ng klase si Kyla Jean.

Halos mapaos siya kakaiyak. Namumugto at namamaga ang kanyang mga mata.

Nagulat ako sa ibinalita ng mga kaklase ko.

Patay na daw si JM.

Nakita daw ang ulo ni JM sa freezer ng isang refrigerator sa food lab.

Samantalang ang katawan nito ay nakitang chop chop at nakalagay sa ibabang parte ng ref.

Di ako lubos makapaniwala sa nabalitaan ko.

Di ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga sitwasyong kinahaharap ng seksyon namin.

Linapitan ko si Kyla Jean at nagyakapan kami.

Sobrang lungkot rin ang nadarama ko dahil nawala sa seksyon namin ang tinuturing ng iba na kuya.

Naging mabait si JM sa akin kaya nakapanghihinayang na sa murang edad niya ay nawala sya at dumaan sa ganoong klase ng pagkamatay.

Bakas sa mukha ni Kyla Jean ang panghihinayang.

Di ko sya masisi. Halos ilang buwan narin syang nililigawan ng vocalista ng aming klase. Plano nga nya itong sagutin sa susunod na buwan. Ngunit naudlot pa.

Sobrang nalulungkot ako sa nangyari kay JM. Di ko alam ngunit nakaramdam ako ng matinding galit para sa pumapatay sa aming klase.

Di ko alam ang dahilan nya para pumatay pero di naman sagot ang pagpatay nya sa kung anumang kasalanan ng seksyon naming ito.

Marahil malaki ang galit ng taong ito sa seksyon namin. Nakapagtataka at ang seksyon talaga namin ang puntirya niya.

Maagang dumating ang mga pulis, imbestigador at soco sa school. Dahil may bisita ang school.

Maaga namang nalinis ang krimen. Nag imbestiga na ang mga pulis. At nag interview sa aming lahat.

Napag alaman kong si JM ang pinakahuling umuwi sa kanila. At ang huling kausap ni JM ay si Kyla Jean. Nag kausap daw sila sa Text.

Pagkatapos nun umalis na ang mga pulis.

Nagluksa ang buong klase ng araw na iyon. Halos di na kami makapag focus sa studies dahil sa mga nangyayari.

Pag kauwian nagbigay ng mataimtim na dasal na pinangunahan ng kaklase naming si Shiela. Halos napaiyak na ang iba naming kaklase. Nagluksa kami sa mga sandaling iyon.

Hinihiling na matapos na ang mga nangyayaring kababalaghan.

Sana matapos na nga ito.

Murderer's Point of View

Napangiti nalang ako nang marinig ang mga dasal ng kaklase ko.

Sa tingin niyo ba titigil ako.

Hahahahaha.

Natatawa ako sa loob loob ko.

Ngayon pa ba ako titigil na kung saan nasimulan ko na ang lahat ng plano ko.

Di ako titigil hanggang di ko kayo nauubos lahat.

Someone's Point of View

Pauwi na ako sa amin. Naglalakad ako nang makasalubong ko ang isa kong kaklase.

Di ko sya inaasahan.

"Saan lakad mo?"

Di sya sumagot.

Nanatili lang syang nakatitig sa akin.

"Sige, uwi na ako."

Tumalikod na ako. Dumiretso ako ng lakad.

"Sandali. Wait. May sasabihin lang ako."

May mali sa kanya.

May kakaiba sa kanya.

Maya maya ay may inilabas syang patalim mula sa kanyang likuran.

Di ako.makapaniwala.

Siya siguro ang may pakana ng lahat ng patayan sa room. Ngunit paanong siya. Kahit kailan di sumagi sa isipan kong magagawa niya ang ganoong bagay.

"So, ikaw ang may pakana ng lahat ng nangyayari sa seksyon natin"

Malamig kong tanong sa kanya.

Madilim sa kinalalagyan namin at wala ring masyadong taong dumadaan. Malaya kaming makapag uusap kung sakali.

Yun nga lang. Ay kapag may ginawa syang kakaiba ay di ko sya lubos na malalabanan dahil wala akong kahit anong sandata na magagamit ko laban sa kanya.

"Paano kung sabihin kong oo. May magagawa ka ba?"

"Bakit mo to ginagawa. Anong kailangan mo. Ano bang gusto mong mangyari at kailangan mong pumatay."

Tanong ko sa kanya.

Ewan ko ba. Ngunit di ako nakaramdam ng ano mang takot sa mga oras na yun.

Di ko sya tinitignan as the killer pero tinitignan ko sya bilang kaklase ko lamang.

Kailangan kong magpakatatag. Ayokong magpalukob sa takot at kaba.

Ayokong maging dahilan yun ng ikapapahamak ko.

"Sabihin na nating gusto ko lang gumanti. Yun lang."

"Anong bang kasalanan ng seksyon natin sa yo at ginagawa mo itong bagay na ito."

"Di ko masasagot ang mga katanungang mong iyan. I'm not here to answer all your questions rather I'm here to offer you something. I just want to ask you na kung pwede sana kitang maging kakampi. Yun lang wala ng iba."

"Anong naisip mo at sa tingin mo papayag ako sa inaalok mo?"

"Di ka na madadamay sa paghihiganti ko. I mean you are exempted with my avenge towards our classmates."

"At isa pa. Makapaghihiganti ka na kay... Dahil inagaw niya lahat ng sayo diba?"

Pano niya nalaman yon. Natigilan ako saglit. Iniisip ang lahat ng iyon.

"I have my sources." Sabi niya.

"Pag iisipan ko." Tugon ko sa kanya.

Sya na yata ang magiging sagot sa mga plano kong sa panaginip ko lang matutupad. Matagal ko ng gustong maghiganti kagaya ng ginagawa nya.

"Better say yes. Kapag umoo ka na. Gagawa agad tayo ng pasabog."
Sabi niya.

"Pero kapag hindi. Damay ka sakanila. At kung sakali. Baka ikaw na ang isunod ko."

Napatigil ako sa sinabi niya.

"See you tomorrow." Sabi niya. Kinuha nya ang cellphone niya at may tinawagan.

Ilang sandali lang ay may dumating na black na kotse.

Kumaway pa siya sa akin bago sumakay at tuluyang umalis.

Pag dating ko sa bahay ay agad akong umakyat ng kuwarto. Humiga sa kama at agad inisip ang mga susunod na mangyayari.

Oo ba ako o Hihindi.

Di ko alam.

Maya maya ay nagring ang cp ko.

May nag text.

Unknown Number:

"Better say yes for your safety and protection. Hahaha. "

Ilang minuto pa ako nag isip atsaka di ko namalayang nakatulog na pala ako.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Pls. Vote and Comment.

~pogingAuthor

The Deleterious Class (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon