Fifteenth Blood : The Outcasts

23 2 0
                                    

Bren's Point of View

Di ko alam kung bakit lumipat pa ako sa school na ito.

Shitness naman. Impyerno pala ang section na napuntahan namin.

Wala kaming ibang nadatnan dito kundi puro patayan.

Kundi lang dahil sa kanya di ako lilipat dito eh. Desperadong desperado na ako sa kanya.

"Pre anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Robert sa akin.

"Wala. Nagpapahangin lang ako men." Tumango tango lang siya.

"Baka naman iniisip mo lang sya." Napatawa ako sa sinabi niya.

"Hahaha. Huli ka boy." Sabi ni Robert sa akin.

"Pumasok na tayo mamaya mamatay tayo ng wala sa oras nyan. Alam mo na. Killer? Baka patayin tayo. Eh." Sabi ni Robert sa akin.

"Oo nga eh. Masyado nang delikado sa seksyon natin. Marami ng nawawala. Grabe. Ano kayang problema ng killer na yun. Bakit seksyon natin ang pinupuntirya." Sabi ko sa kanya. Napailing lang sya.

"Baliw siguro hahaha. Narinig mo yung sinabi ni Kim kanina? Na isa sa atin ang killer."

"Paano na yan. Mukhang may demonyo sa seksyon natin." Pagpapatuloy niya.

"Sa tingin mo? Sinong isusunod?" Napailing ako sa sinabi ni Robert.

"Sabi ko na eh. Dapat di nalang tayo lumipat dito eh." Sabi ni Robert sa akin.

"Bakit naman? Ayaw mo nun. Exciting. Hahaha." Binatukan ako ni Robert nang sabihin niya sa akin iyon.

"Aray. Gago ka talaga." Binatukan ko rin sya.

"Ikaw kase eh. Anong exciting pinagsasabi mo. Tanga ka ba? Mapapadali buhay natin dito eh." Sabi ni Robert habang hinihimas niya yung ulo nya kung saan ko sya binatukan.

"Hahaha. Tama naman ah. Mas exciting ang buhay kung may trill. Yung alam mo na may nag aantay lang na killer na nag aabang ng tiyempo para mapatay ka. At ikaw naman, hahanap ng paraan para makaligtas." Sabi ko naman sa kanya.

"Loko ka talaga Bren. Sabagay kasi demonyo ka. Kaya ka ganyan. Kung ikaw gusto mo ng ganoon. Ako mas gusto ko pang mabuhay." Sabi sa akin ni Robert.

"Sabagay. Hahaha. Mabubuhay ka naman kung magiging madiskarte ka eh. Dapat mautak ka dito men. Para lang tong computer games. Kung gusto mong mabuhay, dapat maging wise ka dito." Sabi ko sa kanya.

"Wow Bren. Bigword. Coming from you ah. Kilala kita Bren. Isa kang malaking gago. Pero tama ka naman eh, kailangan lang nating maging madiskarte." Tumayo na siya at pumasok na sa loob ng vila.

Masyado ng madilim. Mapanganib pa kung mananatili ako rito sa labas.

Kinabukasan

Maagang nagising ang buong klase. Naghanda sila ng agahan para sa lahat. Yung iba naghuhugas ng pinagkainan yung iba naman na nakatoka sa pagluluto.

Buti nalang sobrang daming naka stock na pagkain dito sa villa.

Tumulong na ako sa pagluluto ng pagkain.

Nang matapos ang pagluluto ay natulungan kami sa pag aayos ng aming pinagkainan.

Inayos nila ang mahabang lamesa sa kusina ng villa. Ang ganda tignan. Parang naninirahan lang kami sa iisang bahay. Parang sa PBB.

Nagdasal muna kami bago kumain.

Habang kumakain ay napalingon ako sa may bandang dulo ng mesa.

Nahuli kong nakatitig sa akin si Chael. Ngitian ko lang sya. Ngunit sa di ko inaasahang pagkakataon ay inirapan nya ako.

The Deleterious Class (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon