Thirty First Blood : Shivers 2.0

22 2 2
                                    

[Continuation of ]

Vic's Point of View

"Vic!!!  Gising!!"

Nakaramdam ako na parang may umaalog. Nakahiga parin ako sa kama ngunit di ko parin binubuksan ang aking mga mata. Sobrang sakit pa ng ulo ko. Sa mga oras na iyon ay ayaw ko pang magising.

Sobrang napuyat ako kagabi. Kailangan kong bumawi ng lakas.

"Vic! Ano ba! Gumising ka nga!" Narinig ko na naman iyon. Ramdam ko na naman na may nagaalog sa akin.

Ka barda.

Pinilit ko ibukas ang aking mata.

Shit. Ang sakit ng ulo ko.

Pagkabukas ko ng aking mata ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo.at matinding pagkahilo.

"Ano ba yun Plinkie? Bastusan? Natutulog yung tao eh." Sabi ko sa kanya. Naiirita talaga ako. Di kay Plinkie kundi sa pananakit ng aking ulo.

Napansin kong lumuluha si Plinkie.

"Vic. Punta tayo sa kusina. Nandoon ang katawan ni Heizel." Nanumbalik na naman sa aking alaala ang mga nangyari kay Heizel kagabi. Nagkunwari akong di ko alam.

"Oh? Saan?" Kunwaring nagulat kong sabi.

"Sa kusina." Agad kaming tumakbo papunta roon. Nakita kong nagkukumpulan ang mga kaklase ko roon.

Nakisiksik kami para makita ang katawan ng kaklase ko.

Nang makasingit kami ay napatakip ako ng ilong.

Nangangamoy na ang kanyang bangkay. Bakas parin sa kanya ang paghihirap na dinanas niya mula sa kamay ng mga killer.

.....

Matapos naming ilibing ang bangkay ni Heizel ay nagsibalikan na kami sa loob ng villa. May ibang nag iiyakan kagaya nila Lea at Mary Rose.

Pumunta ako ng kusina at nagluto ng pagkain. Nagluto ako ng omelet. Habang nagluluto ako ay nagulat ako ng pagkatalikod ko ay nakita ko si Jhon Kate na nakatayo sa likuran ko. Nanonood siya habang nagluluto ako.

Naiilang ako habang nagluluto ako. Nahuli ko siyang nakatitig siya sa akin.

"Ouch!"

Shit napaso ako.

Mabilis akong linapitan ni Kate.

"Anong nangyari?" Tanong niya sa akin na may pag aalala.

"Napaso ako eh." Sabi ko sa kanya. Hinipan hipan ko ang thumb finger ko na napaso.

"Ayan kasi di nag iingat eh. Akin na nga." Kinuha niya ang kamay ko.at hinawakan ang hinlalaki ko.

Nagulat ako nang sipsip niya ang ano ko....

Daliri.

Masarap iyon at nakakaginhawa.

Nawala ang sakit habang ginagawa niya ang pagsipsip na iyon.

"Masakit pa ba?" Tanong niya sa akin.

"Konti.." Sabi ko nalang sa kanya.

Medyo masakit pa pero sa tingin ko ay kaya ko nang tiisin ang sakit.

Hinango ko na sa kawali ang omelet na niluluto ko kanina at saka inilagay sa plato.

"Mukhang sarap yan ah. Pahingi ako ah." Sabi niya sa akin. Naiilang ako sa mga titig niya.

Titig niyang malagkit.

Tumango ako bilang pag oo sa kanya.

Pinagsilbihan ko siya.

Habang kumakain kami ay halatang nasasarapan siya sa kinakain niya.

"Ummm. Ang sarap. Mainit init pa." Sabi niya sa akin.

Di nalang ako sumagot.

"Kanina ka pa di nagsasalita. An tahimik mo ngayon." Sabi niya sa akin. Di nalang ako sumagot.

"Paano yan kapag mag asawa na tayo. Forever bang tahimik ka nalang?" Nagulat ako sa sinabi ni Kate.

Namula ako sa sinabi niya.

"Yiiee. Kinilig siya. Namumula ka. Hahaha." Tumatawa siya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Di kaya." Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Indenial ka. Halata oh. Namumula ka." Sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Wag kang assuming. Wala akong gusto sa iyo." Sabi ko sa kanya.

"Checkmate!" Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Huli ka. Wala naman akong sinabi na may gusto ka sa akin eh. Sabi ko lang kinikilig ka. Hahaha. Siguro totoo yun?" Pang aasar niya sa akin.

"Lolo mo." Sabi ko sa kanya.

"Hahaha. May gusto ka talaga sa akin no?" Pang aasar niya sa akin.

"Wag kang umasa boy. " sabi ko sa kanya.

Bigla siyang napatahimik nang sabihin ko iyon.

Di narin ako nagsalita habang kumakain kami.

Nang matapos kami ay tumayo ako para magligpit ng pinagkainan.

"Akin na yung plato mo." Sabi ko sa kanya.

"Huwag na. Ako na maghuhugas." Sabi niya sa akin.

"Hindi ako na." Sabi ko sa kanya.

"I insist. Nakakahiya naman ako na nga pinakain mo tapos ikaw pa maghuhugas. " sabi niya sa akin. Parang siyang ewan. Kung makangiti siya parang manggagahasa. Hahaha. Joke.

Stop it Vic.

Kinuha niya ang mga plato at saka naghugas. Nakatitig lang ako sa kanya habang siya'y naghuhugas.

"Wag mo naman akong titigan ng ganyan. Baka matunaw ako niyan. Di ako makakaattend sa kasal natin." Sabi niya sa akin.

Namula ako sa sinabi niya.

Nakakahiya. Nahuli niya yata akong nakatitig sa kanya.

Pagkatapos niya maghugas ay iniligpit niya na ito sa lagayan samantalang ako ay pinupunasan ang lamesa.

Nang matapos kami ay napagpasiyahan na naming umakyat.

"Thanks sa foods. Ang sarap. Thanks ulit. "

Tsup*

Nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi.

Mabilis siyang tumakbo paakyat sa kuwarto niya.

"Manyakis ka Magsacay!!!" Sigaw ko.

Sa lakas ng sigaw ko ay nagtinginan ang mga kaklase ko.

Napayuko ako sa hiya.

Umakyat ako sa taas para maghinga.

Nahiga ako sa kama at nagmuni muni.

Ilang minuto ang lumipas.at nakatulog na ako.

_________________________________


Sana nagustuhan niyo ang JhoVic LoveTeam <3... Whoppps. :))))

May BS daw dapat sabi ng isa diyan. Comment kung gusto.

Please comment and Vote.

~pogingAuthor















The Deleterious Class (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon