Sixteenth Blood : Shivers <3

16 1 0
                                    

Author's Point of View (lol :)

Maikling chapter lang to. Hehe.

Basahin niyo ito dahil POV ito ni Lea.

Naaalala niyo pa ba siya?

Siya yung nautusan na humalik kay Bren sa Previous Chapter.

Okay ito na.

Enjoy and Continue Reading.

Lea's Point of View

Pinaikot na uli ang bote.

Sa kasamaang palad.

Sa akin ito tumapat. Naghiyawan ang mga kaklase ko. Kahit kailan talaga, parang nasa palengke o kaya sabungan ang section namin. Pero sobrang saya.

Sa ikalawang ikot naman ay kay Robert ito tumapat. Nakita kong ngumiti sya kay Bren nang Makahulugan.

Nakita kong namutla si Bren nang ngitian sya ni Robert.

"Kiss mo si Bren. " naghiyawan ang buong klase. Alam kasi ng iba kong classmates na crush ko siya.

"Kiss! Kiss! Kiss!" Sigawan nila.

Ayaw ko namang makaltukan nang napakalutong no. Kaya tumayo na ako.

Tinignan ko muna si Mary Rose at ayon ang gaga nakangisi na parang aso na tila nang aasar.

Linapitan ko si Bren. Parang naiilang siyang tignan ako. Kahit ako rin naman eh. Di ko maiwasang di mailang sa pinapagawa sa akin. Kasiyahan man itong maituturing pero kahit na. Nakakahiya parin. Siguro pagkatapos nito maiilang na ito sa akin.

*tsup.

Hinalikan ko siya. Ngunit sa pisngi lang. Naghiyawan uli ang buong klase.

"Yiee~" asar sa amin ng buong section.

"Lumalandi ka na naman beh. Hahaha." Asar sa akin ni Mary Rose.

Kiniliti nya pa ako sa tagiliran ko.

Sinampal ko siya pero mahina lang.

"Aray. Ang sakit nun ah." Niyakap ko lang siya. Ganyan kasi kami maglambingan ng bestfriend ko.

Natapos na ang laro. Nagligpit na kami. Naglinis ng bahay. Nakakahiya namang iwanan naming makalat. Nakikitira na nga lang kami dito eh.

Lumabas kami ni Mary Rose ng villa. At naglakad lakad sa may damuhan.

Nakita rin namin duon si Bren kasama si Robert at si Angel Grace ba pangalan nun?

Nagkatinginan kami ni Bren.

Nginitian ko lang siya.

At nginitian rin niya ako bilang reply.

Kinilig naman ako.

Feeling ko nagbblush ako sa kilig.

Lumakad na kami Mary Rose sa kanila palayo.

Ngumiti ako nang pasimple.

"Kita ko yun. Hahaha. Landi mo talaga. " asar ni Mary Rose sa amin.

"Dang, wag kang bitter." Tawag ko sa palayaw niya.

End of Chapter.

ΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠΠ

Sorry talaga kung corny.

#cornyKoLol

Please Read Vote and Comment.

~poging∆uthor

The Deleterious Class (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon