Elevent Blood : Nero's Bridge

25 3 0
                                    

John Rey's Point of View

Ilang oras ang inilagi ng klase sa bus bago kami nakarating sa aming destinasyon.

Bumaba kami sa gilid ng isang kalsada. Batay sa oras ng aming nilakbay malayo layo na kami sa kabihasnan. Base sa hitsura ng lugar mukha na itong probinsya.
Walang masyadong sasakyan doon.

Sa gilid ng kalsada na aming kinatatayuan ngayon ay isang masukal na gubat.

"Guys! Attention! May nakikita ba kayong maliit daan sa may bandang gubat?"

Napatingin kaming lahat sa tinuturong daan ni Ate Ella.

Tama sya. May maliit at makitid na daan sa loob ng gubat.

"Sa daan na yan tayo dadaan bago tayo makarating sa mismong kampo kung saan tayo mag sstay."
Paliwanag niya saamin.

"Sa loob ng gubat may mga pagdadaanan tayo gaya ng mga hanging bridge at pagtawid sa mga ilog."

Mukhang naexcite ang mga kaklase ko sa sinabi ng aming tour guide.

"Okay ba guys?" Tanong ni Ate Ella.

"Opo!" Sabay sabay na sagot ng aming klase.

Nagsimula ng maglakad ang aming seksyon. Pagpasok namin ng gubat ay agad akong nakaramdam ng pagkatakot.

Siguro first time kong magawa ang mga ganitong bagay.

Masukal ang nilalakaran namin ngayon. Halos di maabot ng araw ang lupa dahil masyadong mayabong ang mga puno. Bukod sa malalago ang mga dahon ng puno matataas rin ang mga ito.

Malayo layo na rin ang nilalakad namin. Sa paglalakad namin napansin ko si Craig sa tabi ko.

Wala na namang reaksyon ang mukha niya. Di sya masyadong masalita. Tipong nagtitipid ng kanyang laway.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sakanya.

"Ah. Oo kanina pa ako dito." Malamig nyang sagot. Walang kareareaksyon.

Natatawa ako sa pagmumukha nya. Sa iba nakakatakot iyon para saakin patawa ang pagmumukha niya. No offense. Hahahaha.

Maya maya. Ilang minuto rin ang lumipas di ko namalayan na nasa tapat na kami ng nabanggit na hanging bridge.

Nakaramdam ako ng kaba.

Kung mailalarawan mo ang nasabing tulay. Napakaluma na nito. Di sya gawa sa modernong materyal. Napakaluma. Pero mukha pa naman syang ayos.

Umuuga rin ito dahil sa lakas ng hanging umiihip rito. Sa mukha palang nito matatakot ka na talagang sumubok na tumawid dito.

"Okay guys! Nakikita nyo ba ang tulay na yan? Yan ang tinatawag na Nero's Bridge. Dyan tayo tatawid para makapunta sa kabila. Tapos lalakad tayo ulit ng ilang minuto para makapunta sa ilog." Maraming nagreklamo sa mga kaklase ko.

"Ano ba yan. Kapagod. Haggard na ko pagdating sa camp mamaya." Sabi ni Jhorjie.

"Wag ka ngang maarte" sabi ng kaklase kong si Justin Mae.

"Guys wag na kayong magreklamo. Camping nga eh. Syempre mahirap yun. Dapat di na kayo sumama kung magrereklamo kayo!" Mataray na sabi ni Chloe.

"Oh sige guys tumahimik na kayo. Ipagpapatuloy na natin to. Alam kong napapagod kayo pero sinasabi ko sainyo. Masaya ito" sabi ni Ate Ella.

Ipinagpatuloy na namin ang lakad na ito. Sa unang part palang ng tulay ay nakakatakot na. Andyan yung part na gegewang yung tulay dahil sa hangin.

Di ko maiwasang kabahan dahil sa taas ng tulay na to. Sumilip ako sa gilid ng tulay. Sobrang nalula ako sa taas nito. Sa ilalim ng tulay na to may mga matutulis at malalaking bato na sa tingin ko'y sobrang delikado.

Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ng bigla kaming nakarinig ng saklolo mula sa likod.

"Guys tulong!!" Sabi ni Gerardo saamin. Nasira ang tinapakan nyang kahoy. Kaya lumusot ang isa nyang  paa. Tipong lalapit na kami ng biglang nasira rin ang mga kahoy sa kinalalagyan ni Gerardo. Nahulog na sya ngunit sa kabutihang palad ay nakakapit sya sa isang lubid.

"Guys!!! Tulungan niyo ako. Mangiyak ngiyak na paghingi ng tulong ni Gerardo."

"Kumapit ka lang mabuti. Wag kang bibitaw!" Sigaw ng aming tour guide.

Mayamaya ay humihip na naman ang hangin.

Umaalog na ang tulay pati si Gerardo naalog narin ng hangin.

Dahil sa takot, nagsitakbuhan ang mga kaklase ko. Agad silang tumakbo sa dulo ng tulay. Naiwan kami ni Ate Ella pati narin ang ibang boys para tumulong.

Ngunit di yata nakikisama saamin ang tadhana. Mas umihip ang hangin nang mas malakas kaysa  inaasahan. Tensyonado na kami.
Nagpapanic narin ang iba kong kaklase. Kahit si Gerardo, di nya magawang kumalma dahil sa sitwasyon nya ngayon.

Marahil dito na ang wakas ng buhay ni Gerardo.

Biglang pumasok sa isip ko. Ngunit binalewala ko nalamang iyon. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at napaisip ako ng ganung bagay. Di maari.

Lulang lula na ako.

"Gerardo abutin mo kamay ko!" Sabi ni Ate Ella.

Sinubukang abutin ni Gerardo ang kamay ni Ate ngunit nabigo.

"Ate! Lumapit ka!" Sabi ni Gerardo.

Nagdalawang isip si Ate sa tinuran ng kaklase ko. Di sya maaaring lumapit sa kanya. Masyadong mapanganib para sa kanya ang lumapit.

"Subukan mong sumampa!" Mungkahi ni Micole.

Sinubukan naman nyang gawin ngunit mas pinalala lang nito ang sitwasyon. Nasira ang kahoy na sinampahan niya. Mas naging mapanganib ang kilalagyan niya ngayon.

Napansin kong nagkaroon ng kaunting sugat sa binti ni Gerardo. Kaunti nga ngunit malalim ito. Napansin kong nagduro ito. Tuloy tuloy ang daloy ng dugo.

Nawawalan na kami ng pag asa sa nangyayari kay Gerardo.

Ngunit maya maya ay walang takot na lumapit sa kanya si Craig!

Di mo mababakas na may takot sa kanyang mukha. Walang kaemo emosyon. Lumapit siya kay Gerardo at inabot ang kamay nito sa kanya.

Akala namin ay makakaligtas na sya sa panganib pero nagkamali kami. Dumulas ang kamay nito sa kamay ni Craig at tuluyang nahulog. Kitang kita namin ang tuluyang pagkahulog ni Gerardo hanggang bumagsak sya sa batuhan.

Bugbog ang katawan nito na napuno ng sugat. Tumagos sa katawan nya ang mga matutulis na bato. Kitang kita namin ang kaawa awang kalagayan nito.

At sa muling pagkakataon nagdalam hati kami. Umiiyak ang mga kaklase ko sa lungkot at hilakbot dahil sa sinapit ni Gerardo.

Napansin ko si Craig sa isang tabi. At kahit kailan talaga. Parang wala lang sa kanya ang nangyari kay Craig Samantalang kaibigan nya ng malapit si Gerardo. Kumbaga mag bestfriend sila.

Ipinagpatuloy nalang namin ang paglalakbay. Nakarating kami sa may bandang ilog at buti nalang walang nangyaring kakaiba.

Ipagpapatuloy..

××××××××××××××××××××××××××××××

No. Of Deaths: 11

No. Of exchanged students : 3

Remaining: 31

Please Vote and Comment"

~pogingAuthor

The Deleterious Class (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon