Twenty Seventh Blood : Contriteness

21 1 1
                                    

Cecille's Point of View

Hatinggabi

Kagigising ko palang mula sa pagkakatulog. Nag unat unat ako dahil nakaramdam ako nang pangangalay na nakuha marahil sa aking pagtulog.

Tumayo ako paalis sa kama ng kuwarto. Nakita kong tulog pa ang dalawa kong kaklaseng si Shiela at Justin.

Tumingin ako sa vintage clock na nasa gilid ng aming kuwarto.

Shit. Ang aga pa pala.

12:05 a.m.

Nagulat ako dahil madaling araw palang pala.

Grww...

Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura.

Gutom na ko.

Nakaligtaan ko palang kumain ng hapunan dahil maaga akong nakaidlip kanina.

Dahil sa gutom ay naisipan kong bumaba dahil di ko na matiis. Nakaramdam narin ako ng pagtuyo ng lalamunan dahil sa uhaw kaya di talaga ako nagdalawang isip bumaba para kumain at uminom narin ng tubig.

Ngunit pagkalabas ko ng hallway. Ay parang napaatras ako nang makita kong madilim ang lalakaran kong pasilyo.

Wala talagang liwanag sa daan.

Grww...

Di ko na natiis ang gutom ko kaya wala akong choice kundi ang bumaba sa kusina.

Kinapa kapa ko ang dingding para di ako matalisod o kaya madapa. Di narin ako nahirapan dahil medyo naaninag ko na ang dadaanan ko.

Medyo mahaba ang pasilyo dahil pahaba rin ang villa. Labinlimang kuwarto sa palapag namin. May tatlong palapag sa villa. Ground floor, second floor at attic sa itaas.

Aray ko. Shit.

Di ko alam na may nakaharang sa dadaanan ko kaya natalisod ako.

Tumayo ako at ipinagpatuloy ang paglalakad at sa wakas ay nakarating rin ako sa hagdan.

Medyo madilim rin dito kaya mas delikado kung di ako mag iingat sa pagbaba.

Grww...

Here goes my stomach again.

Kumakalam na talaga siya. Binilisan ko na ang pagbaba.

Sa may kalagitnaan ng hagdan ay muntik na akong madulas pero buti nalang di ako natuluyan.
Patay ako pag nagkataon.

Nakababa rin ako sa wakas. Ang pproblemahin ko nalang ay ang pagbalik sa kuwarto namin.

Nasa baba na ako ng hagdan nang mga oras na iyon.

Nakaramdam ako ng panghihilakbot nang makakita ako ng anino mula sa kusina.

Maliwanag sa may bandang kusina kaya may nagflash na shadow sa pader ng villa.

May ginagawa siyang kakaiba. Di ako makagalaw sa paghihinala kong baka ang killer iyon.

Nakarinig ako ng mumunting ingay mula doon. Nang maisip kong baka makita ako ng killer ay tahimik ngunit mabilis na paggalaw ang ginawa ko.

Nagtago ako sa gilid ng pader papasok sa kusina. Nagsumiksik ako roon para di ako mahalata.

Ilang sandali rin akong nanatili sa kinalalagyan ko. Biglang namatay ang ilaw sa kusina.

Umalis na ata siya.

Naghintay muna ako ng ilang sandali at saka umakyat patungong kuwarto.

Isinawalang bahala ko na muna nararamdaman kong uhaw at gutom sa mga oras na iyon.

Kahit na madilim ay tumakbo ako patungong kuwarto namin.

Habang tumatakbo ay di ko maiwasang di madapa dahil sa mga kung ano anong bagay na nakaharang sa daanan ng pasilyo.

Sa kabutihang palad naman ay nakarating ako sa kuwarto namin nang ligtas.

Agad akong sumampa sa kama na naglikha ng malakas na kalabog. Nagtaklob ako ng kumot dahil sa takot.

Naalimpungatan si Shiela dahil sa nagawa kong kalabog.

"Ano ba. Cess ang ingay mo. Ang aga aga pa eh." Antok na reklamo ni Shiela sa akin.

Tinanggal niya ang nakataklob sa aking kumot.

Tinitigan ko lang siya.

"Shie. Nakita ko yung murderer. Nakita ko." Halatang nagulat si Shiela sa sinabi ko.

"Saan? Nandito ba siya sa kuwarto. Sino? Sino siya Cess?" Inalog alog ako ni Shiela.

"Di ko nakita ang mukha niya. Natiyempuhan ko lang siya sa kusina. May ginagawa siya pero di ko nakita kung ano yun." Kinakabahan kong sabi kay Shiela.

"Sure ka bang siya yun?" Natahimik ako sa tanong ni Shiela.

"Cess matulog nalang tayo. Kung totoo man yun ipagdasal nalang natin ang kaligtasan natin. " nagkumot na si Shiela at natulog ulit.

Di parin mawala sa isipan ko ang nadatnan ko kanina. Ramdam ko parin ang gutom at uhaw ngunit isinawalang bahala ko nalang iyon.

Sa mga oras na iyon ay kung ano ano ang pumasok sa isipan ko.

Isa na roon na sobrang nanganganib na kami sa villa na ito. Wala na kaming kawala. We're trapped.

Natatakot ako sa mga susunod pang mangyayari.

Bukas o sa makalawa ay baka ako na ang isunod ng killer na iyon.

Ilang minuto pa ang ibinukas ng mga mata ko saka di ko namalayang nakatulog na pala ako.

•••••••••••

"Cess. Uy. Gumising ka. Dali!" Gising sa akin ni Shiela.

Nagkamot pa ako ng buhok. Inaantok pa ako.

"Cess. Totoo ang nakita mo kagabing madaling araw." Nagtataka ako. Di ko maintindihan ang pinagsasabi ni Shiela.

"Cess. Yung killer talaga ang nakita mo kagabi." Nanumbalik sa alaala ko ang nasaksihan ko kagabi.

Agad akong bumangon at nag ayos ng aking sarili. Patakbo naming binaba ni Shiela ang hagdan.

Nakita kong nagkukumpulan ang mga kaklase ko sa loob ng kusina.

OmyG.

Lungkot ang nadarama ko sa mga oras na iyon.

Tila isang gripong umaagos ang mga luha ko sa nasaksihan ko sa mga oras na ito.

Kitang kita ko sa aking harapan ang wala ng buhay na tour guide namin.

Kalunos lunos ang sinapit niya.

Nanumbalik sa aking alaala ang sandali na kung saan ay binastos ko siya. Sobrang naguiguilty ako.

Puro masasakit na salita ang ibinato ko sa kanya. Tinawag ko pa siyang walang kwenta.

Sobrang nagsisi ako sa mga oras na iyon.

Sorry ate Ella.

Nag uumapaw sa kalungkutan ang nadarama ng klase namin.

Sorry Ate Ella. Sorry for what I've said.

♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪ ♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪ ♪♪♪♪♪♪

Short Chapter ulit.

Chapter 27 done. Whoopps..

Sabi nga nila. Konting kembot nalang guys.

Malapit ng magbook two.

See the book cover at multimedia section.

Please Vote Comment and continue reading this story.

~pinakapogingAuthor

The Deleterious Class (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon