Twenty Sixth Blood : Remove the Worthless

12 2 0
                                    

Murderer's Point of View

Masyado na akong nababagot sa lugar na ito.

Gusto kong maglaro ulit.

Kailangan ko nang bawasan ulit ang mga walang papel sa plano ko.

Papatayin ko na siya.

Masyado na siyang abala. Wala naman talaga siyang papel kailang an kong gawing plano.

Ginamit ko lang naman siya.

Siya ang ginamit ko para lang naman maidala ang klaseng ito sa lugar na ito.


Goodbye. Miss TG.
~109020..*

Miss Tourguide's Point of View

Nasa labas ako ng villa. Nagmumuni muni. Sobrang nasasaktan ako. Pinapahiya ko ang sarili ko.

Bakit ba kasi nangyayari ang mga ito sa akin. Lagi nalang bang ganito.

Nasaktan ako ng sobra nang ipamukha sa akin ng Cecille na iyon na wala akong kuwenta.

Walang kuwentang tao. Walang kuwenta.

Bakit ba kasi wala akong maisip na paraan upang makaalis kami rito.

Ano ba kasing mayroon sa section na ito.

Aaminin ko na. Takot na takot na talaga ako sa mga nangyayaring kababalaghan..

Di ko alam ang gagawin ko.

My gahd..

Awang awa ako sa mga estudyanteng ito.

Kagaya nga ng sinabi ko kanina nasa labas ako.

Ako lang ang natatanging tao ngayon dito. Nasa loob ang mga estudyante

Nakaupo ako ngayon sa damuhan ng garden ng villa.

Kita ko sa harap ko na may paparating na tao mula sa likuran ko. Kitang kita ko iyon dahil sa anino na nagflash sa harapan ko.

Agad akong lumingon nang makita ko iyon.

"Hi Miss Ella?" Sabi niya sa akin na may suot na matamis na ngiti. Napakaganda ng ngiti niyang iyon.

"Oh. Ikaw pala...anong ginagawa mo dito. Mainit kaya rito. Doon ka na sa loob" Sabi ko sa kanya.

"Ayaw ko po. Nagkakagulo na naman po kasi sila eh." Sabi niya sa akin.

Bigla akong kinilabutan ng bigyan niya ako ng kakaibang titig ngunit benalewala ko lang iyon.

Nagiging paranoid na ako. Shit* stop it ella.

"Bakit sila nagkakagulo. Ano na naman bang nangyayari?" Nag aalala kong tanong sa kanya.

"Nakita po kasi nila ang isang bangkay sa attic." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Kaninong bangkay."tanong ko.

"Kay hannah po." Malamig niyang sagot sa akin. Sabi ko nga ba. May iba sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko. Tumayo ako agad at akmang tatakbo papunta sa loob.

"Wait lang po."napatigil ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at itunusok sa bandang pulso ko ang isang injection. Napa aray ako sa sakit dahil buong karayom ang bumaon sa aking balat.

Ramdam ko ang karayom sa laman ko.

Shit. Ang sakit.

Nakaramdam ako ng pagkahilo.

The Deleterious Class (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon