Twelft Blood : Villa de Luna

48 3 3
                                    

Gail's Point of View

Di parin ako makamove on sa nangyari kay Gerardo. Dati akala ko aksidente lang ang mga nangyayari. Na nagkataon lang ang mga sitwasyon. Ngunit ngayon naniniwala ako na may di maganda sa seksyon namin.

Ang lakas ng kutob ko. Na mayroong kung ano sa seksyon namin kaya nangyayari ang mga bagay bagay kagaya nalang ng pagkamatay ng mga kaklase ko.

Nakarating na kami sa aming destinasyon.

Pagkatapos ng napakalayong lakaran nakarating na kami sa isang villa sa gitna ng gubat.

Kung ilalarawan mo ang villa. Napaka vintage ng hitsura nito ngunit napaka ganda nito. Di mo masasabing pangit ang nasabing lugar kahit halatang luma na ito.

Mukha itong naligaw sa gitna ng gubat. Sa kadahilanang ito lamang ang nakatayong impraktrastura sa gitna ng masukal na gubat.

Natatawa ako sa dahilan ng may ari na naiisip ko. Kaya napangiti ako ng di oras. Nagmukha lang akong baliw.

Ang pangalan pala ng villa ay Villa Peñafrançia. Ang nagmamay ari nito ay mga kastila na matagal ng pumanaw. Pag mamay ari daw ito ni Donya Marionetta at Don Felipe Peñafrançia.

Tago ang nasabing lugar kaya mahirap puntahan. Di madaling mapasok dahil masukal ang gubat na dadaanan mo bago ka makarating dito.

Hangang hanga ako sa taglay nitong ganda. Sa labas ng bahay ay may malaking hardin na may damuhan na maaari kang magpahinga.

Ipinasok na namin sa loob ang gamit namin.

Pagpasok namin ay nakita namin ang mga gamit sa loob nito. Mga antique na ang mga ito. Ayos parin ang pagkakalagay at pagkasalansan nito. Maalikabok na marahil siguro ay matagal ng naabandona.

Nagpahinga kaming saglit. Tunay na nakakapagod ang paglalakad mula sa kalsada patungong villa. Mas napagod kaming lahat nang tumawid kaming lahat sa may part na ilog. Sa sobrang lakas ng agos ng tubig halos mabuwal kaming lahat. Nagpasya kaming maghawak kamay upang hindi kami madaling tangayin ng tubig.

Sa kabutihang palad nama'y nakarating kami sa villa nang hindi na naman nababawasan.

Sobrang lungkot ng klase ngayon dulot ng pagkamatay ng kaklase naming si Gerardo.

Sana masaya na sya kung nasaan man sya ngayon.

Ilang oras rin kami nagpahinga. May iba, umidlip muna. May iba, naglaro nalang. Samantalang yung iba ay lumabas ng villa at naggala.

Sumapit na ang gabi. Sobrang dilim na ng langit. Sobrang itim. Sobrang dilim. Kahit alas siete palang ay mukha ng hating gabi. Ang tanging maliwanag ay ang buwan sa kalangitan.

Nagtipon tipon kaming lahat sa labas ng villa. Pinadala kami ng sarisarili naming flashlights dahil sa sobrang dilim na ng paligid.

"Okay guys! Magsisimula na ang camping. Magtatayo kayo ng sarisarili ninyong tent. Ay! Nga pala. By 5's ang pagtatayo ng tent. Nga pala, sa isang tent 5 tao. At pagkatapos magkakaroon tayo mamaya ng pag uusap at pagkukuwentuhan sa gitna ng bonfire." Paliwanag ni Ate Ella saamin. Natuwa naman ang iba sa sinabi ni Ate Ella.

"Maghati hati kayo sa 3 grupo upang maghanap ng kahoy na gagamitin nating lahat sa bonfire. Okay? Mag ingat kayo guys kase gabi na. Kailangan nyong umayos dahil mahirap maligaw sa lugar na to. Masyadong masukal. Atsaka gabi narin." Paalala saamin ni Ate Ella.

Naghati hati na ang klase sa tatlong grupo. Mga kasama ko si Angel,Craig, Beronica, Vic, Kyla Jean, Jhon Kate, Micole, Justin, Mylor at ang huli ako.

Yung grupo nila John Rey ay may labing isang miyembro. Pati na rin yung isa grupo, na grupo ni Samantha ay may labing isa rin.

Nagsimula nang maglakad ang grupo namin. Nakakapanayo ng balahibo ang aura sa loob ng gubat.

The Deleterious Class (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon