Twenty Second Blood : Third Killer ?

27 2 1
                                    

Murderer's Point of View

Di ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Kita ko nang pumasok si Chael sa kuwarto na kung saan naroon si Vic.

Habang nagkakagulo sa baba dahil sa limang bangkay na nakita ng buong klase na sino pa ba ang may gawa.

Syempre may mas dedemonyo pa ba sa akin? Syempre ako.

Dahil sa kuryosidad ay umakyat ako nang palihim sa kuwartong iyon.

Kakaiba talaga ang kinikilos ni Chael ngayon. Kung titignan mo siya sa mga mata ay makikita mo sa mga mata niya namay gagawin siyang di maganda.

Umakyat ako nang walang ingay sa itaas na bahagi ng villa na kung saan makikita ang kuwarto.

Sumilip ako sa binuksan ko ng bahagya ang pinto dahil nakasara ito. Tama lang na makita ko nang kaunti ang ginagawa ng dalawa.

Nagulat ako nang makita ko kung paano bugbugin ni Chael ang presidente ng klase.

Dahil sa eksenang nasa harap ko ngayon ay di ko maiwasang di mapangiti.

Mas lalo akong natuwa nang marinig ko ang tinuran ni Chael.

Sabi niya, mas okay nang pumatay kaysa mapatay. Hahaha.

Di ko alam ang magiging reaksyon ko. Haha.

Matutuwa ba ako sa inasal ni Chael. Dahil nalaman kong magpapatayan ang mga kaklase ko para lang mabuhay.

O maiinis dahil may bida bida na namang nakikisali sa mga plano ko.

Kitang kita ko kung paano bugbugin at ihambalos ni Chael si Vic. Halos magdugo at manghina na ang katawan ng aming presidente.

Kasalukuyang hawak ni Chael ang isang bangko at akmang ibabato ito kay Vic na kasalukuyan ring nasa sahig dahil sa panghihina.

Ngunit..

Kita ko kung paano nag iba ang takbo ng mga pangyayari.

Mabilis na sinipa ni Vic ang tuhod ni Chael. Napasalmpak si Chael at dahil siguro nakabawi ng tama at sapat na lakas mula sa pagkapa hinga, nagawa ni Chael makatayo at pinaibabawan si Chael. Kinuha ni Vic ang tinatagong kutsilyo mula sa kanyang likuran at isinaksak sa leeg si Chael.

Opps. I didn't see that comin'.

Natawa nalang ako sa aking nasasaksihan.

Maka ilang beses inundayan ng saksak ni Vic ang dugo dugong katawan ni Chael.

Sa huling saksak ay itinarak ni Vic ang punyal sa bunbunan ni Chael.

Dahil nadala na si Vic ng emosyon ay di pa nakuntento. Inihagis ni Vic ang bangkong hawak kanikanila lang ni Chael sa wala ng buhay na katawan nito.

Hahaha. Pinadali mo agad ang trabaho ko Ms. President. Ngunit... Di ka makakaligtas sa akin. Mamamatay karin kasama nila. Ngunit di pa ngayon.

Agad akong umalis sa tapat ng kuwartong iyon at mabilis na bumaba. Mananahimik lang ako sa nasaksihan ko. Di kailangang ipagkalat iyon. Malalaman rin nila iyon sa ibang pang pagkakataon.

End of Murderer's POV

Gail's Point of View

Kasalukuyang naglilinis kami ngayon ng kuwarto na kubg saan namin nakita ang bangkay ni Vic.

Sobrang nakakaawa ang nangyari sa kanya.

Siguro ay sinamantala ng killer na yon ang pagkakataon na kung saan nagkakagulo ang lahat dahil sa nakita naming bangkay nila Michael kasama ang iba pa naming kaklase.

Di talaga ako makapaniwalang ganun lang kabilis kumilos ang murderer na iyon.

Nakakapagtaka talaga.

Lima kaming magkasama ngayon sa loob ng kuwarto. Ako, si Kyla, Reena, Jhon Kate at ang kararating lang na si Vic.

Kanina ko pang napapansin na tahimik ito at di nagsasalita. Karaniwang ito pa ang gumagawa ng topic ng mga convo pero nakapagtataka at tahimik siya ngayon. Di ko nalang ito pinansin at inisip kong marahil nagulat at nalulungkot rin siya sa nangyayari sa section namin.

Kahit ako. Nakakaramdam rin ako ng sobra at labis na takot sa tuwing iisipin kong may mamamatay na naman. Di lang ngayon kundi sa susunod pang mga araw.

Kanina ko pa rin napapansin na balisa at matalim na tingin ni Reena kay Vic. Masama ang tingin nito kay Vic. Na nagparamdam sa akin ng kakaibang pakiramdam.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Sorry guys. Maikli lang muna. Nakakapagod mag isip kapag maraming Proj.

Di ba guys? Busy busihan na naman ako. Hahaha.

Basta mag uuD talaga ako araw araw.

Please Continue Reading, Comment , Vote ang pa follow narin.

Thanks.

~pogingAuthor


The Deleterious Class (HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon