9

6 1 0
                                    

Tapos na ang Pasko at Bagong Taon pero ganoon pa rin ako, walang nagbago. I mean, taon taon na lang akong member ng SMP (Samahan ng Mga Pandak). Kala nyo, samahan ng malalamig ang pasko no. Hahaha. Sanayan lang yan XD

I still have the message I received from Dereck last January 1. Kahit nakakaasar, nakakatuwa pa rin. Posible pala yun? Asar ka, pero natutuwa ka?

***Text message***

From: Seatmate Dereck
Received: 12:01 a.m

Hui. Tumalon ka ga? Baka tatangkad pa. Hahaha. Happy new year.. ü

***End of text message***

I replied him saying that I dont have to jump para tumangkad ako. Pano kung tumangkad ako, edi hindi na ko kakasya sa puso niya. Haha. Kala niya ha! #gurlbanatera to oi! Mwahaha

Monday na naman bukas at first day of school para sa panibagong taon. Tapos na ang maliligayang araw at kailangan na namang magfocus para hindi magka singko o di kayay mgremoval. Grabe, panay sleepless nights na naman nito lalo na at malapit na ang semis.

At dahil may pasok na nga ulit bukas, naisipan kong mag FB kasi paniguradong pag may pasok na eh madalang ko na naman itong maoopen.

Pag log in ko pa lang sunud sunod na yung pumasok na notifacations. Pero may isang notif na ang nakalagay ay minention daw ni Yda ang name ko so yun ang inuna ko.

When I opened it, picture ni Ren yung nakita ko.

She's smiling so brightly in that picture. Classmate din namin siya, at isa siya sa mga kasundo ko. Mabait kasi siya, madaling kausap atsaka masasabi kong isa siya sa may magagandang face sa klase namin.

Nagpunta na ko dun sa comment section para makita kung bakit na mention ang name ko dito sa photo niya. So hinanap ko para mabasa.

But, i wish i didn't.

Lahat ng ito pala ay nagsimula dahil sa comment ng seatmate ko.

DereckMendez: ang ganda mo talaga Ren!:*

Dahil hindi ko suot ang salamin ko nun, agad ko itong isinuot para basahin ulit. Malay nyo, Den pala yun at hindi Ren. Hahaha. Assumera!

Pero wala eh. Malinaw pa sa tubig na lumalagaslas sa Maria Cristina Falls na hindi talaga pangalan ko ang pinatutungkulan niya. Pero pwede na din, magkatunog naman eh? Hahahaha..

Bwiset. Idinaan ko na lang sa tawa pero talagang naimbiyerna ako. Lalo na nung nabasa ko pa yung ibang comment kung saan na mention nga ang pangalan kong maganda.

FlerydaBasco: Hala ka kay Den, Dereck!

Dereck Mendez: Bakit naman?

Aba't lokong to. Ipangalandakan ba naman na manliligaw daw sa akin tapos iba ang sasabihan ng maganda. Jombagin kita dyan eh! Psh.

FlerydaBasco: Den, oh.

Dereck Mendez: Hayys.. Eh sa maganda naman talaga si Ren eh. :)

Hindi ko na itinuloy ang pagbabasa nung iba pang comments. Hindi ako naiinis kay Ren at hindi ako naiinsecure, unang una dahil magkaibigan kami. Pangalawa, wala naman talaga akong dapat ikainis eh, maganda naman talaga si Ren. At pangatlo, baka isipin niyo, nagseselos ako. Isang malaking HINDI. Asar lang ako, pero hindi ako Selos. Magkaiba yun.

Alam nyo kung ano ang nakakabanas?

Ang landi ng dating sakin ng comment niya. At talagang may kiss emoticon pa sa dulo ha. Oh, cmon! Psh!

Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon