2

17 1 2
                                    

Kasalukuyan kaming nag bobotohan ngayon para sa class officers namin. Tutal, wala na naman akong interes sa mga ganitong bagay, inilabas ko na lang ang fone ko at naglaro ng patago.

Seryosong seryoso akong naglalaro nang parang biglang narinig ko ang pangalan ko.

"I respectfully nominate Denise Pillazar for Sgt. at Arms."

Seriously? Nananahimik na nga ako dito, tapos napa nominate pa din. Tinignan ko kung sino ang nangahas gumawa nun. Tsk. C Vev pala. Binigyan ko na lang siya ng ngising aso. For sure naman hindi ako mananalo kaya deadma na lang ulit. Pinagpatuloy ko ang paglalaro sa cellphone ko. Ni hindi ko na nga ata nagawang bumoto. Hindi ko na rin namalayan kung sinong iba pang nanominate.

"So, our Sgt. at Arms who got the two highest scores are Denise and Derek." announce nung nanalong president namin.

Teka? Denise daw. Ako? Paano? Bakit?

tapos are? Ibig sabihin plural. Sino daw ulit yung isa?

"Ms. Pres, sino ulit yung isa?" takang tanong ko. Busy nga kasi ako sa paglalaro kanina kaya hindi ko narinig. Pramis.

"Ayii. Si Denise!! Gusto lang ipaulit. Nikikilig!! Tignan mo kaya sa white board kung sino ang kasama mo sa pagaawat ng mga nag aaway dito sa room natin." sabi ng kaklase kong si Yda.

Sinunod ko na lang kesa magkahaba pa.

Adjust adjust ulit ng eye glasses, malabo ang mata ng lola nyo. Sa likod pa napaupo. -_-

Gracia- 11
Denise- 17
Dez- 12
Dereck- 20

Ah. Sus. Si Dereck lang pala. Bakit naman ganito makatingin ang mga ito?

Tinignan ko naman ang aking seatmate at partner na rin ngayon sa pagpapanatili ng peace and order sa loob ng room namin pero kagaya ko, mukhang wala din lang naman sa kanya na nanalo kami.

So, seriously, what's the big deal? Ay nako. Kaloka naman tong mga kaklase ko.

"Guys, mali pala tayo ng diskarte. Dapat pala sa muse at escort natin ipinush ang dalawang yan." sabi na naman ni Yda.

Tapos nag ayiiiie na naman ang mga kaklase namin. Nasisiraan na ata tong mga to. Bahala kayo sa trip nyo. Hahaha..

Natapos naman na yung election, ang siste, escort din namin si Dereck, tutal siya lang naman ang kaklase naming lalaki. Astig nga e, dalawa ang position. Hahaha..

Matapos ang 3 minor subjects namin, dali dali na kaming nagpunta nina Shine at Vev sa canteen para makipagsiksikang bumili ng pagkain. Fried noodles at palamig lang ang binili ko, medyo busog pa naman ako since palihim akong kumakain ng skyflakes habang nagtuturo yung prof namin sa Geometry.
Wala eh, pag time na talaga ng Math, hindi na kinakaya ng powers ko.

"Wala ka bang napapansin na kakaiba girl?" tanong ni Vev sakin.

"Kakaiba? Like what?" clueless kong balik-tanong habang pinalalambot yung fried noodles ko.

"Si Derek, yung seatmate mo. Wala kang napapansin?"

Ohmygosh. Tama ba yung iniisip ko?

"Na.. ano siya?" di ko masabi ng eksakto, baka may makarinig. Andito din sa canteen yung mga kaklase nya din dati pa.

"Anung ano ang ibig mong sabihin Den?" biglang tanong naman ni Shine.

"Na anu siya. . Ahm. . Leche. Di ko masabi."

Kaya ibinulong ko nalang sa kanilang dalawa..

"What? Talagang inisip mong ganun siya?" tawang tawa na sabi ni Vev.

Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon