6

7 1 0
                                    

DERECK

Denise: Ngek. Sino ka ba? Di nga kita kilala tas manliligaw ka?

Hindi naman ako torpe. Kaya lang hindi kaya magalit sakin ito? Ilang bwan na naman din silang break ng ex niyang kulugo eh. Wala naman siguro masama kung subukan ko di ba mga pre?

Me: Wag kng mgglit ah., Dereck 2.

Sending. . . .

Message not sent.
Check operator services.

Langya naman din! Pag sineswerte ka nga naman o. Kung kelan handa ka na, saka hindi pa nakisama hinayupak na cp to.

Heto nga ako at nagtitiis dito sa labas ng bahay para lang makpagsend sa sobrang hirap ng signal tapos kakainin lang ang load ko. Naman o!

Tooot. Toot. Toot.

Aba. May naka alala.

From: Wapakels
Kamusta ka na?

Kapal din ng panga nitong babaeng to eh. Lakas ng loob mangamusta pagkatapos ng ginawa niya.

Yang wapakels na yan, walang iba lang naman kundi ang aking napaka galing na gf. Ah, mali. Ex pla. Ex, nakipagbreak eh.

Sinayang ng Laica na yan yung 9 months na wala akong ibang ginawa kundi iparamdam kung gaano siya ka espesyal.

Sabagay, special naman talaga siya e. Special child. Wahahaha.

Hindi ako bitter mga pre. Nakakabwisit lang ang mga babaeng ganyan, kala mo kung sinong magaganda laging may reserba, mga mukha din nmang paa. XD

Ilang bwan na rin naman ang lumipas. Masakit nung una pero nung nagtagal tagal eh unti unti na rin namang nawala. Lalo na at nakilala ko si Den.

Kung tutuusin halos parehas lang kami ng sinapit nun eh. Mas nauna nga lang akong lokohin. Siguro nung panahong nakipaghiwalay na sakin si wapakels eh kasalukuyan pa siyang ginagago ng ex niya.

Gago talaga! Si Den pa talaga. Napaka simple ng taong yun. Walang ka arte arte sa katawan. Kahit mukhang highschool tignan eh matured na mag isip. Sa totoo lang, sa 49 na kaklase kong babae at ako nga lang ang lalaki, siya talaga ang nakakuha ng atensyon ko.

Pero may naging crush din ako nung una, nagandahan lang naman ako, kaklase din namin, si Ren. Yun nga lang nung naging seatmate ko si Den, mas nakilala ko siya. At dahil dun nagustuhan ko siya.

Tandang tanda ko pa nung unang group activity namin at kailangan magpakilala ka sa co members mo. Hanep si Den, spokening dollar.Hahaha.

"Hi, good morning classmates. Im Denise Pillazar. My highschool friends used to call me Den so you can also call me that way if you want to. I hope we can all be friends."

Wala. Nga nga lang ako.
Medyo masungit lang lang siyang tignan pero kapag kausap mo na pala eh napaka palabiro din. Yung tipong one of the boys, ganun. Kaya siguro madali kami nagkasundo.

Kinabukasan, late na naman ako. Nak namputs. First subject pa naman, medyo istrikta ang prof.

Napakahirap naman kasi sumakay samin eh.

Pagdating ko sa room, siya agad ang hinanap ng mata ko. Nakita ko naman siya agad sa upuan niya. Nakatungo at nagbabasa na naman. Kaya siguro bata pa eh nakasalamin na, walang araw na hndi ko nakikitang nagbabasa ito eh.

So ayun nga, dahan dahan kong inilapag ang bag ko. Baka kasi magulat siya at mainis siya sakin. Pero nung pakiramdam ko eh naramdaman niya ng andun ako, bumwelo na ko sa sasabihin ko.

" Den, pasensya na. Naubusan nako ng load kagbi kaya hnd aq nkreply." panimula ko.


Kinakabahan ako. Ang bakla man pakinggan pero kinakabahan talaga ako. Lalo na at parang narinig niya naman pero hindi pa rin siya tumutunghay.

Kaya medyo lumapit na ko para naman mas maramdaman nya ang presence ko.


"Den?"
.
.
.
.

.

"Pwede ba Dereck, wag mo nga akong pinagtitripan." walang emosyong sabi niya.



shet. Eto na to.

Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon