1

17 1 0
                                    

"Good morning class. Im sure nakarating na sa inyo yung balita na kokonti na yung nasa kabilang block di ba? So the department decided na pagcombine-in na lang kayo as one."

Ayan. Kitang kita ko ang violent reactions ng ilan sa mga kaklase ko. Syempre nga naman, panibagong pakikisama tapos sa loob ng isang taon, sanay narin kami na kami kami lang ang magkakasama.

Pero para sakin? Ayos lang. Walang kaso. The more the merrier. Saka baka mas maraming matatalino dun sa math, ayos! Haha.

Maya maya pa dumating na yung kabilang block na isasama samin. Umupo na din sila sa mga vacant seats na syempre halos magkakatabi pa rin sila.

Kasalukuyan kong katabi sa right side ko si Janna at si Vev naman sa left. Nasa bandang likuran kami kahit pa sa aming tatlo, si Janna lang ang medjo matangkad. Feeling lang kami ni Vev. Bakit ba.. Malapit kya ito sa aircon. Hahaha

Biglang nagsalita na naman si Ma'am Remi.

"I think,you guys should arrange yourselves alphabetically para na rin sa gagawin kong seat plan. Okay lang ba sa inyo?"

Syempre naman. Tanong pa si Mam eh! Kahit ayaw ng iba sa amin. Wala pa rin kaming magagawa. Teacher sya, estupidyante lang kami. So,gorabels. Kilos kilos na kami at baka uminit ang ulo ni Mam.

Dahil letter P ang simula ng apelyido ko, nag expect na ko na sa likod na ako mapapaupo. Ako lang pala ang letter P ang last name. Anak ng tinapa? Paano ko malalaman ngayon kung sinong susundan ko, hindi ko naman kilala itong mga bagong dating.

Tsk. Tsk. Hintay hintay muna..

Maya maya pa, konti nalang kaming natitirang nakatayo. I guess mga 7 na lang kami including Janna and Vev kasi parehas letter R ang surname nila.

2 seats nalang ang bakante sa 4th row ngayon. Then bakante pa yung last row. Saan kaya ako?

Nagulat ako nung umupo ang isang lalaki dun sa isa sa dalawang bakante pang upuan. Aba, may kaklase pala kaming lalaki? Ayos to. May mga taga buhat na kami at taga ayos ng aircon pag nagloloko. Kaso, straight kaya to? Sa isip isip ko. All girls kami dito eh. At sa tingin ko siya lang ang lalaki sa block nila.

Napapatingin ako dun sa bakante pang upuan. Last na yun sa row na ito. Pakiramdam ko ako na ang uupo dun since yung iba pang nakatayo eh letter R, S at V na ang mga apelyido. Ako yung nauuna so malamang ako?

Para makasigurado, kinapalan ko na ang mukha ko at lumapit ako dun sa guy classmate namin para itanong kung saan nagsisimula ang surname niya.

"Ah, eh kuya. Ano pong apelyido nyo?" Inadjust ko pa ang eye glasses ko kasi bumababa.

Hinintay kong sumagot siya. Pero wala. As in wala! Hawak nya lang yung cellphone niya at parang wlang narinig. Bwiset. Napahiya ako dun ah. Para matakpan yung pagkapahiya ko, umupo na lang ako dun sa last vacant seat na iyon at tumingin na lang sa bintana.

Tapos paglingon ko pa kay Vev na nakaupo na pala sa likod, nginisihan pa ko ng bruha. Hayy nako. Whatta day!

Ngitngit na ngitngit talaga ako. Hayy nako.

Nang makita ni Mam na maayos na kmi lahat sa pwesto namin, pinakuha niya na kami ng index card para isulat yung mga basic infos about us. Kalakaran na yun pag first day of class. Yun na din ang nagsisilbing checklist namin for attendance.

Dahil girlscout ako, syempre halos lahat ng size ng papel, meron ako. 1/2, 1/4 o mapa 1/8 pa man yan meron. Pati yellow paper nga meron din. Hindi ko talaga ugali ang nanghihingi ng papel. Nahihiya ako.

Magsusulat na sana ako nang mapansin ko yung katabi ko na parang hindi mapakali. Parang sinisilihan ang pwet. Hahaha

Wala kang papel koya? Hahaha. Buti nga..

Generous naman ako kahit konti kaya pati sina Janna at Vev na nasa likod ko binigyan ko na din. Wala daw sila eh.

"Make it faster class."

Ay naku. Apurada si Mam. Ang hirap kaya gumawa ng columns tapos i.d lang gamit mo na pang guhit.

Samantala, si guy classmate eh tumatawag pa rin ng mahina dun sa mga kaklase niya talaga. Dun siguro hihingi ng saklolo. Eh medyo malayo pa naman ang upuan ng mga yun at hndi nman siya pwedeng tumwag ng malakas kasi npakatahimik sa loob ng room namin.

Nakonsensya naman ako. Yes, oo. Meron ako nun. Okay? Haha. Kaya kahit dinedma niya ko kanina eh nagkusang loob na kong abutan siya ng index card.

"Oh, kuya. Sayo na to. May labis pa naman ako." Sabi ko.

Nahihiya man siya eh tinanggap na rin niya. Nagpasalamat din naman sya sa awa ng Diyos. Hahahaha..

Mendez, Dereck M.

Yun pala. M pala apelyido niya tapos wala naman kaming classmate na N at O kaya ako na agad.

Mabilis natapos ang first subject namin at yung mga sumunod pa.

At ang kaganapan?

Seatmate ko lang naman si Mendez, Dereck M. sa halos lahat ng subject.

Doon nagsimula ang lahat hanggang sa umabot sa Pebrero Bente.

Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon