10

12 1 0
                                    

Akala ko noon, mga babae lang ang mahirap ispellingin. Pero, hindi pala. Kahit mga lalaki ang hirap din pala minsan intindihin. Gaya na lang namin nitong ex seatmate ko, ilang araw na ang lumipas pero wala pa ring pagbabago. Daig pa namin ang hindi magkakilala.

Yes, ex seatmate. Pano kasi, daig pa niya ang pusang di binilang. Palipat lipat na siya ng upuan. Nariyang makikisiksik siya dun sa mga kabarkada niya, o di naman kaya dun uupo sa pinaka sulok. Basta ba, yung malayo sakin.

Samantalang, NOON, halos kumandong na siya sakin sa sobrang lapit niya eh.
De, joke lang. Hehehe

Hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Kahit sinabi ko na hindi ko na siya i aapproach dahil siya naman ang unang hindi namansin, hindi ko pa rin natiis ang kumag eh. Hindi ako mapalagay eh. Naisip ko kasi baka naman nga may kasalanan  ako sa kanya at hindi lang ako aware. Itinext ko din nung isang gabi.



Me: May ngawa ba kong masama sayo?

Him: Wala.

Me: e bat ganyan ka?

Him: AnOng gan2 q?

Me: Ampogi mo. Joke.
Basta bsta ka nlang hndi namansin eh.

Him: Wg mO nlng aq pancnin.


Me: Mhirap yun, celebrity kpa nman. Tsk

Him: hayy ewan ko.



Me: Hayy, etwo ko din.

Him: anOng etwo?

Me: sabi mu ewan eh, edi ang akin ay etwo. Wahaha



Him: D nkktawa.


Me: Wehe? Ay di hindi, feeling mo naman pinapasaya kita? Like duh!


Me: hndi na dn naman nkkatawa ang ginagawa mo e.


Him: Geh, bye na.


Me: Yan, dyan ka magaling! Mang iwan sa ere. Nakakasakit ka na ha! Suntukan na laang!


Him: Bakit ikw? hndi nakakasakit? Nyt.


Potek lang talaga. Pagkakahirap intindihin. Alam nyo yun? Yung feeling na wala kang ka ide idea kung anong nagawa mo para basta ka nalang balewalain.

Sunod na araw, ganun pa din ang peg naming dalawa. At sa mga araw na sumunod pa. May ilang nang aasar na hindi pa daw kami ay LQ na agad. Ngingitian ko na lang sila para isipin nilang its not a big deal at all. Sa part ko ah? Ewan ko lang sa kaniya.



Pauwi nako ng hapong yun nang bigla akong tawagin ng classmate kong si Janna. Nagmamadali ako kasi siguradong punuan na naman sa jeep, kaya lang mukhang importante ang pakay ng babaitang ito sa akin.


"Den, birthday ko na next saturday. Kasali ka sa 18 gifts ha, eto nga pala ang invitation." Sabay abot niya sakin ng isang sobreng kulay pink.

Tinanggap ko ito pero ang dami agad tumakbo sa utak ko. Like ano kaya ireregalo ko? Payagan kaya ako? O di naman kaya, anong isusuot ko? First time ko pa namang aatend ng ganito. Kaya medyo napangiwi ako na napansin naman agad ni Janna.


"Ay, ayoko niyang facial expression mo na yan Den. Hindi pdeng hindi ka pupunta ah. Naku, magtatampo talaga ako."

Ayoko naman na magtampo siya syempre kaya umoo na ko sa kanya at para makauwi na din ako agad.


Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon