12

11 1 0
                                    

February 14.

"Hoy! Di ba dapat anniversary niyo ni Laica the Luka ngayon?" Pang aasar ko kay Dereck.

Medyo balik na ulit kami sa dati. Medyo lang, kasi minsan tinotopak pa din po ang kamahalan niyo.

"Pano mo nalaman? Are you stalking me?" Sagot naman ng loko.



"Uso ang mahiya ha! Kenaman ito, di ga kinuwento mo sa akin dati. Amnesia boy!"



"Hindi ko na maalala eh. Saka ang mga walang kwentang bagay, binabaon na s limot."



"Wow, hugot there pre. Hahaha."



Naputol na naman yung pagchichikahan namin ni seatmate ng biglang magdatingan ang iba pa naming kaklase.

Mukhang walang klase ah, baka pa valentines ng mga prof samin.

Pero dapat mga single lang walang klase at ang mga in a relationship meron, aba naman! Sila na nga ang pinagpala, kami pa ang lalong kawawa. Hahaha


"Ui, Dereck, wala ka manlng bigay na flowers kay Den?" Tanong nung kaklase namin na si Desz.

Ih naman Desz, inunahan mo ko ih! Itatanong ko din kaya yan! Mwahaha.


"Madami naman yata magbibigay dyan eh." Sagot naman ng lalaksot at pangiti ngiti pa.


Hmp! Kuripot ka lang talaga! Hahaha (pero guys, seryoso, galante siya talaga. Basta may pera, hindi niya ko tinitipid. Trivia lang. Hihi)


"Ay, sabagay tama ka. Ang ganda ko kase eh. " ginatungan ko nalang yung asar nya. Pakapalan lagi ng mukha ang labanan namin nito eh.


"Sabi ko nga. Hahaha. Pero saka na kita bibigyan kapag tayo na."




"Naku, edi hindi mo na pala ako mabibigyan kahit kelan? Hahaha."


"Grabe ka naman Den, para mo na rin sinabi na never mong sasagutin si Dereck." Singit naman ni Gracia na nakikinig na din pala sa bangayan namin.



"Ahm, bahala na siyang mag isip." Pabebe kong sagot. Haha


"Luh, wag ka maniwala dyan Boss, mananawa din yan sa pagpipigil ng feelings niya.Hahaha"

Boss tawag namin kay Gracia. Nakalimutan ko na kung bakit. Tanong niyo na lang kay Dereck. Hehe

Mnsan, hindi ko maisip kung dapat ba talagang maging lubos ang kaligayahan ko at yung dating Dereck e bumalik na kasi grabe din bunganga nito minsan e. Hahaha.




"Ay nako boss, paki gising nga yung isang bata dyan, nangangarap na naman ng gising eh. Hahaha. Pakidamayan na rin, kasi supposedly anniv dapat nila ni Laica the Luka ngayon."



Hindi pa nakaka react si kamahalan nang biglang sumigaw naman itong classmate naming si Jelai.

"Oi, Dereck,maligayang araw nga daw pala ng mga puso sabi ni Laica! Nagtext sakin eh. Di ka daw nag rereply."

Si Jelai kasi, may communication siya doon sa Laica n yun kasi nung time yata na okay n okay pa si Dereck at Laica e humingi ang bruha ng number ng isa sa mga tropa ni Dereck para naman daw in case di niya ito ma contact, may mapapagtanungan siya.

Sows! Dame pang nalalaman, manlalalaki din palers.


"Sinong Laica? Wala akong kilalang Laica. Bigti na kamo sa puno ng sili. Hahaha"

Timo talaga to si Dereck. Nagka amnesia na naman.


"Bitter?" Asar ko.



"Jealous?" Asar naman niya.



"Hmp! Tse!" Tapos tinalikuran ko na siya. Kapal naman talaga.





Biglang may naramdaman akong kumirot.




Ang sakit.







Ang sakit sakit.




Kaya bumaling ako ulit sa kaniya para sabihin ang nararamdaman ko.





At maluha luha kong sinambit.






"Dereck, ang sakit."




?_?


No response. Confused look lang siya.


Inulit ko tuloy.






"Dereck, ang sakit sabi!"








:'O








"Ang sakit ng ngipin ko!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon