4

7 1 0
                                    

Kasalukuyan akong nagrereview sa isang subject namin nang biglang mag vibrate ang phone ko. Di ko na sana papansinin, baka GM na naman eh. Kaya lang naalala ko hindi ko nga pala na replyan si Vev sa tanong niya.

O, unknown number na naman? Sino na naman kaya ito. Pag ganitong unknown number eh nagka nerbyos na ata ako.

Unknown: Hi!

Di ko nireplyan. Di ko naman kilala e. Maarte ako. Gusto ko pag itetext ako eh may pangalan ko. Or else iisipin kong wrong sent lang o baka nman send to many lang.

Review review ulit. Grabe. Hirap ng may maintaining grade.

Maya maya pa'y nagvibrate na naman ang phone ko. Galing na naman sa unknown sender.


Unknown: Hi Denise !

Ayan. Ganyan. Matuto ka. Hahaha. Teka, curious na ko ngayon. Sino nga kaya ito? Baka nman classmate ko lang din. Di kasi ako mahilig mag save ng number, yung mga close friends ko lang ang naka save sa cp ko.

I decided na magreply na.

Me: Yes? Who are you?

Arte mo! Hahaha. Wala lang, bakit ba. XD



Unknown: Nahihiya ako e.

Shunga lang? Magtetext text ka tapos nahihiya daw. Pssh. Kamusta naman yun!?



Unknown: Pero kilala mo ako :)

Oh, eh ano kung kilala kita. Pake ko.

Hindi ako nagreply. Trip ko lang na sa isip ko sya sagutin. Sayang kaya ang load. ^^

Itutuloy ko na sana ulit ang pagrereview ko nang bigla na namang mavibrate ang phone ko. Na siya namang ikinabigla ko sa text message galing na naman kay unknown.

Unknown: Denise Pillazar, pwede ba kitang ligawan?

What the hell?



Me: Ngek. Sino ka ba? Di nga kita kilala tas manliligaw ka?

3 minutes. . .

5 minutes. .

10 minutes. .

Babalewalain ko na lang sana at itutuloy ang pagrereview pero curiosity kills me. Hindi naman sa interesado akong magpaligaw, kundi curious ako kung sino ba talaga ang talipandas na ito. Tss.


Ive decided to text my friend Vev sa pagbabaka sakaling naka save sa kanya ang number nato.

To: Vev

Girl. Kilala mo ba ang number na ito? 0912***********

After a few seconds, nagreply naman agad siya. Instead na magreply siya, she sended me a business card.

Nagulat ako. Ano ba ito, joke ba ito?




Dereck
Mobile #: 0912**********



Si Dereck? Bakit? Pano? Pwera biro?

Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon