11

7 2 0
                                    

First week of February.

Nakaraos naman ng maayos yung debut party ni Janna two weeks ago. Yun nga lang, talagang hindi na rin kami nagpansinan ni kamahalan sa buong duration ng party.

Kainis nga eh, akala ko pa naman isasayaw niya ko. Chos! Hahaha.
Pero di bale na, ang mahalaga e wala din naman siyang isinayaw na iba kaya tabla tabla na. Wehehe..

Nag do drawing ako sa sketch pad na dala ko nang biglang dumating ang prof namin dala ang isang malaking pasabog na balita, este, surpresa daw pala.

"Our department will be having an educational field trip this coming feb. 16. Though, its not compulsory at all, still, we're looking forward na marami ang makakasama. And I'm sure, maeexcite kayo class once you find out where its going to be." Pasuspense na sabi ni Mam.

Nako. Baka dyan lang sa Maynila yan, sayang ang excitement.

Sobrang curious na yung classmates ko and they keep on asking Mam Remi kung saan ba talaga ang magiging field trip namin. Finally, Mam Remi told us where it will be.

"Baguio City, for 3 days." And she smiled widely.


O_O

:O

Wuhooooo! Hindi kami agad nakapag react.
Lalo naman ako, napatigil ako sa pagdo drawing nung marinig ko.


Wow lang talaga, just wow. Masyado siguro akong mababaw pero para sa first timer na kagaya ko, na talagang noon pa man eh gusto  na makarating sa City of Pines, it would be a dream come true for me.

Saka hindi lang ako no, pati mga kaklase ko, obvious na excited para sa trip na yun.


Sa sobra kasing daming ginagawa sa school, hindi na kami nakakapag lagalag eh. Pagkakataon na namin ito para makatakas sa mga lungga namin. Hahahaha.

First time din namin na magkakasama sama overnight kaya lalong nadagdagan ang excitement ng bawat isa.

Habang patuloy na ineexplain ni Mam yung iba pang details, kung saan kami mag iistay which is sa hotel daw, at kung magkano, napasulyap ako sa seatmate ko na wala manlang ka emo emosyon dito.

Hindi man kami naguusap ng madalas gaya ng dati, sumasagot naman siya sakin kahit oo manlang o hindi. O, di ba. Ganyan talaga pag artistahin. Haha

"Hey, sasama ka ba?" Tanong ko.

"Siguro?" Hindi siguradong sagot niya.

Ui, bgo to ha. Hindi oo o hindi ng sagot niya, siguro naman. Improving!

"Bakit naman mukhang di ka sure?" Tanong ko ulit.

Hindi agad sumagot ang inyong kamahalan mga kaibigan. Titig na titig na naman po sa cp niya. Baka may ka skype? Pero di pa naman uso noon yun. Hahaha.

Maya maya pa e sumagot na din siya.

"Bahala na eh. Baka pala hindi na din."

Whatever his reason is, bigla akong nalungkot.
Im silently hoping na sana naman sumama siya.
Sayang kaya yun, chance na namin yun para makapag relax.
Ahm, saka maganda daw dun eh.
Tsaka, exempted daw sa finals eh.
Saka ano. . . .

Tsk. Kayo ha! Pinipiga niyo ko. Eh pabebe nga ako. Hahaha

Sige na nga. Honesty is the best policy naman.

Saka, gusto talaga ng puso ko na sumama siya. Neks nemen! Am i being corny here? Ahaha..


"Ahm, sana naman makasama ka." Tapos nginitian ko siya ng pagkaganda ganda sabay tuck ng hair ko sa gilid ng  ears ko.

Pag sa arte! Haha. Joke lng yan. Nag smile lang ako para naman mahirapan siyang humindi. Hehe

"Bakit naman?" Kita ko napapangiti na din siya unti unti. Yung ngiting mapangasar.




I guess, the old Dereck is back.


Hala! Hindi naman obvious na gusto ko siya sumama no?

Teka, sungit mode ulit. ^^

"Syempre, para may taga buhat kami ng bags no! Feeling to. Tss!"


Itinuloy ko yung pag do drawing sa sketch pad ko pero nawala na yung atensyon ko dun kasi feeling ko umiinit yung mukha ko. Buti na lang morena ako, hindi nahahalata pag nag ba blush. Hahaha


"Sus, hiya ka pa umamin na gusto mo talaga akong makasama eh. Oo na, ipagdadala naman talaga kita ng bag." Tapos ngising aso n po talaga siya.

"Hmp! You wish Dereck. Edi wag ka sumama kung ayaw mo, di kita pipilitin no." sabay irap ko sa kaniya,

"Oo nga naman, hindi mo ko pipilitin. Sobrang pipilitin lang. Wag ka ng malungkot, magkukusa na ako para sayo. Hahaha."

Aba't talaga naman!

Sasagot pa sana ako nang biglang magsalita si Mam Remi.



"Siya, kayong dalawa dyan sa likod, sa Baguio niyo na ituloy yang pagliligawan na yan." Sabi niya samin habang todo ngiti samin.


"Ayiiiieh! Wetwew!" Kanya kanyang kantiyaw naman ng mga lukaret naming kaklase. Hahaha




Hiyang hiya  tuloy ako samantalang itong katabi ko, ngingisi ngisi pa. Siya kasi eh!



Umupo na ko agad ng ayos at nagfocus na sa pagsisimula ni Mam ng discussion. Pero ang lalaking makulit, nag pahabol pa.


"Ituloy daw natin to sa Baguio, Den, Deal? Haha." ngiting nakakaloko  na naman.



Walang kasawa sawa mabasted!? Magsawa ka. Tuloy mo mag isa mo! Hahaha



Tinaasan ko na lang siya ng kilay at  baka hindi ko na naman matantiya itong lalakweng to, biglang maisipan kong sagutin! Hahaha. Just kidding!










Hindi naman namin itinuloy sa Baguio eh,












Kundi Sinimulan namin. :)

Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon