5

7 1 0
                                    

Kinabukasan, hindi ako mapakali sa upuan ko. Para akong sinisilihan ang pwet.

Wala pa siya. Madalas talaga late ang taong yun kasi medyo taga malayo siya. Hindi gaya ko isang sakay lang ng jeep at nasa university na agad ako.

Ano kaya gagawin ko? Tatanungin ko ba siya? Kokomprontahin? Nakakahiya naman. Pano kung hindi naman pala talaga siya yun? Pero imposible naman na mali si Vev nang ipinasa, parehas na parehas yung number eh.

"Girl, bakit mo itinanong kahapon yung number na kay dereck? Nagtext ba siya?"

Sa sobrang lalim pala ng iniisip ko, hindi ko namalayan na kanina pang kulbit ng kulbit sakin si Vev.

"Oo." Yun lang nasabi ko. Hindi ko naman maikwento at nahihiya ako.


"Anong sabi?" tanong ulit niya.

"Ah,wala. Nag hi lang naman." kunwaring nagbasa na lang ako ng photocopy para maisip niyang mag aaral na ako. No more questions,please.

"Yun lang? Kala ko pa naman..."

"Kala mo pa naman ay ano?"



"Ah, wala. Never mind. Sige na, magreview kana. Patulad ah. Hehe"

Natawa na lang din ako sa biro niya.
15 minutes na at di pa rin siya dumadating.
Hindi naman sa hinihintay ko siya no, kaya lang baka mauna pa ang prof lagot na naman siya.

Another 5 minutes passed. Naramdaman kong may nagbaba ng bag sa katabing upuan ko.

Sigurado akong siya to. Siya nga ang seatmate ko diba. Saka mahina yung pagbagsak ng bag, lagi naman maliit bag nun, yung tipong ballpen lang ang laman. Hehehe.

Pinagbuti ko ang pagbabasa. Parang bigla akong nailang sa kanya. Dati rati naman eh nagngingitian na kami pero ngayon, wala lang. Ang awkward lang talaga.

"Den, pasensya na. Naubusan nako ng load kagbi kaya hnd aq nkreply." sabi niya matapos niyang umupo.

Shet. So siya nga? Confirmed. Uh-lala.

Hindi muna ko sumagot kasi pinagisipan ko pang mabuti ang sasabihin ko. Ano nga kaya?
Letter :

A. AH. ayos lang. Di naman ako naghintay ng reply mo eh.

No no. Sounds too defensive.

B. Ah, ikaw pala yun?


Ant*nga ng dating. Haha

C. Sorry. Pero hindi ako nako nagpapaligaw. Atsaka, kapal ng mukha mo, may Laica ka pa tapos popormahan mo ko?

Hays. Ang haba. Bitter? Tss.


D. None of the above.

Deadmahin ko nalang?

"Den?"



Anak ng baboy naman na nanganak ng sampung biik! Kelangan ilapit ang mukha niya sa mukha ko!?

"Pwede ba Dereck, wag mo nga akong pinagtitripan."

Sungit mode on. Wala eh. Maganda! Hahaha.

"Sinong may sabing pinagtitripan kita? Totoo yun."


"Ay, sige. Kunwari naniniwala ako."


"Basta, totoo yun. Liligawan kita."




"Bahala ka. Goodluck sayo. Pero sinasabi ko sayo ha, wala kang aasahan sa akin. Alam mong pag aaral na ang priority ko."



Hindi ko na siya hinintay sumagot. Tumayo ako at lumabas na muna ng classroom.

Bakit ganun, parang biglang hindi ako makahinga.

Nakokonsensya ata ako? Meron ba ako nun? Haha. Joke.

Saan naman ako makokonsensya? Harsh ba masyado ang pagkakasabi ko?

Eh pano, sino ba naman hindi magagalit, alam ko naman na may girlfriend siya tapos babanat sya skin na liligawan niya ko. Nakakainis yun di ba?



Tumambay n lang muna ako sa bench sa baba ng building habang yung mga kaklase ko, nasa 3rd floor pa din at hinihintay ang prof. Ang hindi nila alam, walang klase kasi may meeting sina Mam. Nakasalubong ko siya nung pababa ako at pakisabi na lang daw sa mga kaklase ko. Eh tinatamad ako umakyat ulit kaya mmaya na. Hahaha..

Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon