8

10 2 0
                                    

"Tuloy kayo. Eto oh, plato."

Andito kami ngayon sa mismong bahay nina Dereck sa St. Joseph. We were invited by him kasi fiesta pala dito.

At first, i was hesitant to come over, nahihiya kasi ako eh. Paano kung nagkekwento siya dito sa kanila, sa parents or kapatid niya?

Pero classmates naman kami e, no more, no less. Lakad barkada naman to. Actually, 8 kami na andito ngayon.

Relax Den. Its not like his family will eat you, orayt?

Nasa iisang mesa lang kami at kumakain na at panay pa yung dulot ni Dereck samin ng mga foods na handa nila nang alukin ko siyang kumain.

"Kaen ka na din kaya. Sabay ka na samin." pag aaya ko sa kanya.

"Ah, sige lang. Kain lang kayo. Umay na eh." sabi niya samin.

Humila na rin siya ng upuan at nakitambay samin. Maya maya pa, lumapit sa amin yung nanay at bayaw niya habang busy ako sa pagkain ng dessert na kinuha niya para sakin.


"Sino daw ba dyan ang nililigawan ni Dereck?" tanong nung bayaw niya na nakilala namin na si Kuya Bong. Ngiting ngiti sya sa amin at ako naman, sa di maipaliwanag na dahilan, bigla na lang akong nasamaid. I thought I was about to have a heart attack!

Act normal Den. Dont be nervous. You and him are just friends. Okay?

"Yown. Inubo na ang guilty. Yan hong naka violet. Hahahaha." Vev teased me.


Feeling ko pulang pula na ang mukha ko. To think na morena ako, hindi ko masabi kung halata ba pag nagba blush ako. But i can feel my heart beating so fast. I dont know what exact words to say knowing their eyes, are all on me right now.


Yung nanay niya, yung bayaw niya at maski yung tatay at isang kuya niya na hindi ko na namalayan na malapit na rin pala samin.


Parang biglang gusto ko na lang mag teleport. Si Vev talaga!


Hindi naman sila naghintay pa ng sagot. I did nothing except tumungo na lang sa sobrang kahihiyan. While Dereck was just looking at me. Hindi ko rin alam ang iniisip niya.


Alam ko naman na sinabi ko sa kanya na wala siyang aasahan sakin, na humanap na lang siya ng iba, pero I dont have the heart na sabihin yun sa harap ng parents niya sa mismong bahay pa nila. Ayoko siyang ipahiya ng ganun. Magkaibigan kami eh. That's why I decided to keep silent.


Nagvideoke pa yung mga classmates namin ng konti and then at around 2pm, nagkayagan na kami umuwi.



Halos kasasakay pa lang namin ng jeep nang biglang mag vibrate ang fone ko. Its a text message from him.


***Text Message***

From: Seatmate Dereck
Received: 2:08 p.m.

Thank you sa pagdating :)
Sana hindi ito ang first and last fiesta mo d2. Ingat! :*

***End of Text message***



Woah. What else can I say? :O

Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon