3

8 1 0
                                    

"You're the biggest jerk that ever walked in the planet. Tapos na tayo, gago ka!"

Message sent. . .

Iyon na ang huling text ko sa lalaking walang kwentang niloko at pinaglaruan lang ako months ago. Bwiset. Who would have thought na may isang kagaya niyang mangangahas na lokohin ang isang inosenteng kagaya ko. Ilang bwan na rin ang lumipas at hanggang ngayon ay kumukulo pa rin talaga ang dugo ko. Matapos kong magpakabuti, wawalanghiyain lang ako. Anak ng teteng lang talaga.

I had my hair cut short. Ewan ko nga ba, basta nakikita ko sa mga palabas eh kapag niloloko sila ng boyfriend nila, ang unang bagay na ginagawa nila ay magpaiksi ng buhok. For a change, maybe?

"Hiyang ka palang walang boyfriend Den eh, blooming ka." biro ng kaklase kong si Gracia.

I know right. Joke! Hahaha.

Masyado akong nasaktan,oo. Pero inisip ko na lang na hindi ko naman kailangan itigil ang mundo ko dahil lang niloko niya ko. Ang swerte naman ata nya masyado.

Nagpaka busy ako at lalo akong nalulong sa droga. Choss! Nalulong sa pagbabasa pala. Hahaha. I kept myself busy and focused much more on my studies lalo na at scholar ako ni Mayor.

I was about to flip my book to the next page when suddenly may tumikhim sa tabi ko. Nasa may corridor kasi ako at inaantay ang susunod na subject namin. Ayoko naman sa room magbasa, masyadong maingay.

"Ayos ka na ba o ayusin pa din?" sabi niya.

"Duh. Lagi naman akong okay no." I told the guy next to me.

"Okay lang yan Denise. Marami pa naman dyang iba eh."

"Alam ko. Next time alam ko na Dereck. "

Yes. Its Dereck. Since nabalitaan nya yung nangyari, bigla siyang bumait sakin. Mabait naman na siya dati, medyo suplado lang. Hindi pala imik ganun.

Buti pa ang isang to eh, mukhang ayos na ayos ang lablayp.

"Dapat lang. Dahil ang babae, minamahal--

"Hindi sinasaktan. Hahaha. Ganun ba talaga kayong mga lalaki, kapag sawa na kayo hahanap at hahanap na kayo ng bagong flavor of the month?" curious na tanong ko.

"Hindi naman lahat Den, nagkamali ka lang ng pinili. Hindi porke't nasaktan ka ng isang lalaki,sasaktan ka na rin ng iba pang natitira."

"Woah. Ikaw ba talaga yung nagsalita? C'mon, tell me. May sanib ka ata? Hehe. Lalim nun ah." sobrang serious nya kaya naman sinubukan jo magjoke.

" Lol. Wala ah. Grabe ka naman. Nagpapaalala lang seatmate."


"Aba. Tinalo mo pa ang reminder notebook ko eh. Hehehe. Anyways, thank you sa payo mo. Saka, dont ya worry, natuto na ako." matapang ko namang sagot.


"Talaga? Kung ganon baka pwedeng ako naman ang turuan mo?"


Naguluhan ako dun ahh.

"Ha? Turuan kita ng ano?" naguguluhang tanong ko.
















"Makalimot din."

Pebrero BenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon