nung nag second year ako ay gaon padin ang setting.. I am still un-noticable like my first year pero ok lang nasanay nadin naman ako na walang kaibigan except sa kababata kong si Anica but now we are on different classes kaya eto ako lonely..but satisfied.
Sa unang araw ng klase ay agad na nagkagrupo-grupo ang mga kaklase ko.. yung iba magkakakilala na yung iba naman ay friendly talaga kaya agad na nakakuha ng mga kaibigan, as for me ay eto sitting with my favorite book with the beautiful view of the sky on the window. Hindi ko na kaylangan ng kausap. Sa libro palang ilang karakter na ang nakakatalinghagaan ko if may word na ganon nga.
Pero may isang bagay na pinagtataka ako e.. yung Chase Ortega na mabait saakin date naging dedma na, nalaman ko na sikat pala sya dito sa school at madaming babae ang humahanga sa kanya..mataas ang grades nya at laging nasa top ng klase kahit pa busy din sya sa club praktis nila, oh well ano pa bang i-eexpect ko ? Na maging kaibigan ko sya?. Pfft mas ok na ko mag-isa ayoko din naman ng madaming atensyon.
Pagkatapos nang klase ay nag-unahan nanaman ang mga klaklase ko sa pinto, natatawa nalang ako pero hindi ako nakisali sa kanila mas minabuti ko muna na magbasa ng isa pang chapter dito sa librong binabasa ko bago ako lumabas. Nang makalipas ang higit sa sampung minutong pagbabasa ay napagpasyahan ko na ding lumabas ng klase, iniligpit ko ang libro at inayos na ang bag ko sa aking balikat, nang makalabas ako ay laking gulat ko nang makakakita ako ng anino sa may pintuan. May tao pa ba dito bukod saken?. Dahan dahan akong naglakad patungo sa may pinto at inihanda na ang makapal kong algebra book para ihampas kung sakaling perv ang nakatayo doon.
Nang makalabas ako ay iniamba ko na agad ang libro ko pero buti nalang nagsalita sya " ahh! Te-teka lang!" Pagpigil nya, nakapikit kase ako kaya hindi ko alam kung kilala ko ang taong to, nang maidilat ko ang kanang mata ay saka ko lang napagtanto na yung Ace player pala ng baseball ang nandito, hawak nya ang libro na tila pinipigilan nya kaya agad ko itong hinila. " so-sorry!" Paghingi ko ng tawad. Baket ba ang hilig nya magtago kung saan?.
" ok lang.. d-did I scare you?" Tanong nya saakin.pano ba naman kung nasaan ako minsan ay bigla nalang sya susulpot.
" baket kase ang hilig mong magtago?" Sabe ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot. Nawiwierduhan na ko dito habang tumatagal. May naiwan nanaman ba sya? . " may naiwan kase ako." Tama ako. Ilang buwan nang yan ang excuse nya e. Sa tuwing uwian may nalilimutan syang dalhin dito. Buti nalang at ako lagi ang huling nalabas kaya walang nakakapasok na taga ibang section dito.
" makalimutin ka pala" sabe ko, ngumiti sya ng bahagya. " oo nga e ewan ko ba kung bakit" sagot naman nya, nginitian ko din sya bago tumingin sa relo ko. Late na ko sa part time job ko.
" ah sige mauuna na ko" sabe ko at tumakbo na patungo sa hagdan pero tinawag nya pa ako. And HE knows my name? " Samantha!" Wow. He knows my name thats new. Kase sa dalawang taon ko sa school na to pati mga prof ko hindi ako masyadong kilala pwera nalang yung couch ko sa mga quiz bee, lalo na ng mga kaklase ko. But he actually know my name. Nilingon ko sya.
" ah.. take care! -- I -I mean. Bye!" Ang gulo naman nya. He looks tense too. Ganyan ba sya makipagusap sa mga babae?. E sa tuwing napapatingin ako sa kanya ay napakacool nyang tignan e. Hmmm.
" ok?. Bye Chase!" Paalam ko din bago tumakbo palayo.
" shit she remembers my name!"
May nadinig pa kong sinabe sya bago ako tuluyang makalayo..did he just cussed?.
Habang naglalakad ako sa corridors ng school ay nadaanan ko ang baseball team na nagkukumpulan sa isang table doon. Ang tatangkad at halatang mga sikat sila dahil madaming tao ang nakapaligid sa kanila. Syempre kayo ba naman ang winner sa regionals e hindi pa ba kayo sisikat non?. habang papalapit ako sa pwesto nila ay napansin ko ang pagtingin ng isa sa mga member ng baseball club. is he looking at me? kase sa direksyon ko sya nakatingin e, naningkit pa ang mga mata nya, umiwas agad ako ng tingin. " Chase! " bigla nyang sigaw kaya agad akong napalingon, naabutan ko naman ang tinatawag nya na nakatayo pala sa likod ko and he's making weird gestures with his teammates hanggang sa maramdaman nyang nakatingin na ako sa kanya, he took a glance on me saka tumakbo sa mga kasama nya. and again his face is red..so red. ano kayang problema ng lalakeng yon?.
kinabukasan nagkaroon kame ng vacant subject dahil may sakit daw ang prof namin ay naisipan ko munang magpunta sa library, sakto naman na palabas din si Chase kaya tinignan ko sya but he just ignored me at naglakad nang magisa. may pagkawirdo talaga ang taong yun. pag kami lang pinapansin nya ko pero pag madaming tao dinededma nya lang ako , ano kayang problema nya saken?. pfft. ano pa nga bang aasahan ko? baka nahihiya syang kausapin ang isang tulad ko na hindi maganda o kaya mayaman at sikat, yep that must be it.. im just a nobody after all. kaya nung papunta ako sa library kahit na nababangga na ako ng ibang students ay parang wala lang sa kanila a if im not there. oo na nakakainis minsan pero ganon talaga e, masyado ata akong plain at simple sa mga mata nila kaya ganun, kaya nung nabangga ako nung isang lalakeng medyo mataba ay natumba pa ako sa sahig at napaupo, nag angat ako ng tingin pero masama nya lang din akong tinignan na para bang ako ang may kasalanan ng nangyare saken. tatayo na sana ako nang bigla nya akong tulungan at kabadong humingi ng tawad, napataas pa nga ang kilay ko dahil don e, nakatingin sya sa likuran ko kay naisipan ko ding lumingon, umalis na agad yung lalake pagkatayo ko medyo naharangan pa nga nya yung taong malamang ay titignan nya kanina at laking gulat ko kung sino ang nakita ko.. akala ko nauna na sya saken? at papunta din ba sya ng library?.
" sa susunod kaylangan mong magpakita sa ibang tao. stop being invisible." seryoso nyang sabe bago ako iwan. wait.. is he angry?.
BINABASA MO ANG
Stalking Miss Nobody (Completed) Filipino
Short StoryThe Girl. She is the most normal average girl anyone could see, she is one of the nerdy type that doesn't like to mingle with anyone and likes being alone, somewhat reserved and unnoticed by her classmates and schoolmates that makes her life even mo...