Part 9: "56"

4.2K 183 5
                                    

After what I see about how close Chase and Amber towards each other ay napaisip ako, siguro talagang mahilig syang makipagkaibigan sa mga babae... and does he always make that face kahit hindi ako ang kausap nya? I thought I was special somehow...

"Anong iniisip mo?" He suddenly ask me habang nakasalampak ako sa sahig sa loob ng library nasa sulok ako at sya naman ay nakatayo at nagtitingin din ng mga libro.

"Hmm? I wonder why the world is round?" Sagot ko kaya natawa sya.

"Ang wierd naman ng naiisip mo.." sagot nya bago umupo sa tabe ko, I wonder why he always find me kahit na nasa pinakasulok na ako ng malaking silid-aklatang ito. Thats why I stared at him.

"Gwapo ko no?" Bigla nyang sabe ng mapansin nya ang paninitig ko, I looked away.

"Why do you always find me anywhere I go?" I asked he looked surprised and tense.

"Hmm.. maybe you had gps on your body or something?" He answered not looking at me. Napansin ko he never really meet my gazes when he talks to me, napipilitan lang ba syang kausapin ako?. Mayamaya his phone rang.

"Amber oh?" He answered quickly. Wow. Napansin ko namam ang pamumula ng pisngi nya dahil doon, while talking to amber. " oo... ha?.. wag na." Hininaan nya ang boses nya at sumenyas saken na lalayo muna sya tumango naman ako bilang sagot.

Nang matapos ang usapan nila ay nagpaalam na din si Chase. "Ah, may praktis pa pala kame, nalimutan ko hehe" pagpapaliwanag nya, tinaasan ko naman sya ng kilay.

"You're the captain bat di mo alam?" Natatawa kong sagot kaya napangiti nya, "nakalimutan ko lang." Sagot nya.

" you should prioritize your team malapit na championship diba?" Tanong ko kaya tumango sya.

"My priorities changed when we became friends...  "

"huh?" sabe ko nagbulong nanaman sya, he just grinned and pat my head. "wala!. tara na malapit na magclose ang library" he said at saka nauna nang maglakad habang ako ay nakatingin lang salikod nya, this person I really can't comprehend why he's being nice and friendly to me. maybe its out of pity I guess? , I felt a sudden pain in my chest.



kinabukasan ay napaaga ang pasok ko. hindi ko alam pero habang tumatagal nagiging ganto na ang routine ko, siguro dahil naabutan ko ang morning practice ng baseball club. they always run around the quadrangle a few times tapos magka-kanya kanyang pitching at batting practice, nasanay na kong manood habang nakadungaw sa bintana ng room, madalas ako lang mag-isa pero minsan may nauuna pa saken. 

pagdating ko sa locker ko ay may nakasiksik na pulang sobre, lumingon ako kaliwa't kanan para tignan kung makikita ko pa kung sino naglagay pero wala na. kinuha ko ito at tinignan kung para kanino, baka nagkamali lang ng lagay pero " to Miss Samantha " ang nakalagay. binuksan ko ang sobre, naisip ko din yung unang beses akong nakatanggap neto. 

[ hi!...uh.. umm.. wala akong maisip na sabihin kaya tatanungin ko nalang kung kamusta ang araw mo? ]

 panimula sa liham, napangiti ako dahil kakasimula palang ng araw ko kaya wala pa masyadong nangyayare.

[ sana ok ka! ^^ pasensya na natagalan ang sunod kong sulat, medyo nahiya kase ako dahil mukhang korni yung una kong gawa , gusto ko lang namang malaman mong may nag-iisip kung ok ka ba o kung may iniisip kang problema, madalas mag-isa ka kaya medyo nag-aalala ako. sana hindi ka palaging nalulungkot at may nakakausap ka din kahit papano..] 

agad na pumasok si Chase sa isip ko, kahit every afterclass lang kame nagkakaroon ng oras para makapag-usap ay nakakagaan naman ng loob yon. I smiled.

[ uhmm.. kung may problema ko o kaya malalim na iniisip pwede mo kong kausapin, makikinig ako. haha isipin mo nalang kung pano. hehe

hanggang dito muna! ang iyong taga-hanga.]

pagkatapos kong basahin ang sulat ay hindi nawala ang ngiti sa labi ko, inilagay ko agad sa bag ko ang liham at binuksan ang locker ko agad kong nakita ang cookies gaya nung nasa classroom noon. galing ba to sa isang tao? saka pano nabuksan to?!. pero binitbit ko nalang din ito papunta sa room.



nang papunta na ko sa klase ay nakasalubong ko nanaman yung mga babaeng kumorner saken, they stopped and glared at me, napayuko nalang ako. " I doubt it." biglang sabe nung babae, tumango pa ang mga kasama nya.

nung pagdating ko sa klase ay nandon na si Chase, he is sitting on the teacher's desk with his group laughing but when I pass by them ay mas lalo syang nangiti, I dont know why, he seems weird sometimes. inayos ko agad ang bag ko at pati ang cookies ay nilagay ko na sa bag. pagkatapos ay dumating na ang prof at nagsimula na ang klase.



"we have to make a group para gagawing report for the finals." anunsyo agad ng prof, lahat ay nagsiangal kaya tumukhim ang guro. " two person per group lang. madali lang naman ang mga topic kaya magagawa nyo agad to after a week." dagdag pa nya, wow, group work is every nobody's enemy. wala kang kaibigan kaya walang magkakainteres na makigrupo sayo, meron man ay napipilitan lang o kaya wla 'ng choice. but then kaya ko namang magsolo kung ayaw nila saken.

"sige na, find your pair. " sabe ng guro kaya nagkagulo na agad sa room, nag-ingay ang lahat, masaya siguro kung pinag-aagawan ka sa isang groupo no? yung dapat kasali ka sa kanila. pero hindi naman nangyayare saken yun eh. "may kapartner na ba ang lahat?" tanong ng guro madaming nagsabeng oo pero may ilang hinde, samantalang ako sasabihin ko nalang na magsosolo ako, kaya ko naman siguro yun.

"Chase may partner ka na?" tanong ng ibang babae sa kanya yung dalawa nyang kaibigan kase ang nagig magkagrupo, umiling sya bilang sagot kaya natuwa yung mga babae, nag-aagawan para maging kagrupo sya, nanlaki ang mata ko ng maglakad sya palapit saken.

"ano?" he asked kaya napataas ang kilay ko, bigla namang natahimik ang klase, biglang center of attention ang pwesto ko na date ay invisible. "h-huh?" kabado kong tanong, the girls at his back were glaring at me and whispering at each other.

" may kapartner na ka na ba?" he asked. umiling agad ako. shit dapat pala hinde. I smirked, saka lumingon sa mga babae sa likod.

"sorry girls. meron na pala akong kapartner." sabe nya kaya sumimangot yung mga babae then smiled bitterly pero bago lumingon uli si Chase sa akin ay malim na tingin ang binigay nila saakin. humila si Chase ng upuan at tumabe saken dahil kailangang idiscuss ang irereport.

"why are you grinning?" mahina kong tanong dahil kanina pa sya ngiting aso. tinakpan nya ang bibig nya pero halata padin naman yung ngisi nya.

"what date is it today?" he asked kaya napataas ako ng kilay tinignan ko agad ang cp ko.

"May 6....why?" I asked . 

" magpapalit ako ng jersey number. bored na ko sa number 1 eh." he smiled. huh? 

"so??... number 6?" I asked he laughed kaya napalingon ang mga malapit samen nagtago ako sa print-outs na hawak ko . " hmmm 5 and 6! so 56? special eh " sagot nya. kaya lalo akong nalito. napansin nya naman ito kaya mahina nya akong pinitik sa noo.



"wag mo na isipin, mababaliw ka lang, magaya ka pa saken."



Stalking Miss Nobody (Completed) FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon