Hanggang ngayon iniisip ko padin kung pupunta ako sa match nila Chase o hinde..ano naman kaseng maitutulong ko kung nandon ako?
"Hey do your work" my manager said to me ng matulala ako habang inisip yung nangyare nung isang araw, why do they keep asking me to go there?. Nasa part time job ako bilang isang waiter sa maliit na cafe, malayo sa school pero malapit saamin kaya dito ako namasukan medyo matagal na ako dito.
"Welcome" bati ng isa ko pang kasamahan sa trabaho nang tumunog ang chimes sa pinto, agad akong nagpunta sa counter dahil naka-break ang nakatoka dito.
"Welc-- "
"Sam?" Tanong agad nung babaeng oorder dapat saken nagangat ako ng tingin. Its amber. Oh great. "Omg you work here?" Tanong nya tumango naman ako bilang sagot.
"Ooohh..." she said while nodding, I looked behind her and no sign of chase and his gang. She smiled at me when she noticed. " busy ang mga ugok sa practice. Our captain said they needed refreshments but he asked me for coffee that Bastard." She said while leaning on the counter top.Busy pala sila sa praktris..
Mayamaya ay naka-order nadin si Amber ng inumin at bago sya umalis ay tinanong nya muli ako. "Hey the match is just 2days away. Sana makapunta ka!" She said then she bid her goodbye.
Kinabukasan ay nagkasalubong kame ni Chase sa hallway papunta sa locker room. Nagulat pa sya nang makit ko. " g-goodmorning Sam" bati nya . Binati ko din sya pabalik. "Ah- sige una na ko" pagpapaalam nya sabay mabilis na tumakbo pababa ng hagdan, nagpa-praktis padin ang baseball club. Nang makarating ako sa locker room ay agad kong napansin ang pulang sobre, ilang araw ding hindi nagparamdam tong secret friend ko ah, nagmadali akong kunin ang sulat saka binasa.
[ hello! Eto nanaman ako manggugulo!^^
Gusto lang kitang kamustahin, medyo matagal na din mula ng huli akong nakasulat sayo, medyo naging busy lang kase kaya ganon. Hehe.
Sana ok ka lang at masaya!^^ kase sa twing nakangiti ka napapangiti nadin ako. Medyo korni pero totoo yon!
Hanggang dito na muna! Masarap talaga ang mga gawa ng cafe nyo kaya madalas ako dun eh
From : me XD ]
What the? He knows where I work? And he goes there?? When? And why is he busy?.. sa dame kong tanong ay naisipan ko nalang na sulatan sya pabalik, ngayon ko lang sya susulatan tungkol sa mga nangyare saken ngayong araw, di ko nga din alam kung baket ang sipag nyang magsulat araw-araw para saken eh, kung trip man to eh ang laki ng sira ng taong to sa utak.
Isinulat ko sa yellow paper ang sagot ko at sa dilaw din na sobre ko inilagay, hindi ko alam kung pano nya to makukuha kaya naisipan ko nalang na hintayin ang uwian para ilagay sa gilid ng locker ko ang sulat, tutal napunta naman sya tuwing umaga makikita nya agad to.
Kaya nung mag-uwian ay nagmadali akong nagpunta sa locker room. Wala na masyadong estudyante kaya inilagay ko na ang sulat sa locker ko. "Ano yan?" Napatalon ako ng madinig ko ang boses ni Chase sa likod ko, paglingon ko ay dalawa nalang pala kame dito.
" ha? Ahh.. wala. Sulat" sagot ko habang itinatago ito sa likod ko. Sya naman ay nakataas ang kilay at pilit na sinisilip ang likuran ko.
"Sulat? Para kanino?" Tanong nya, hindi ko naman maiwasang pansinin ang ngisi nya na halatang pinipigilan nya sa pagkagat ng pangibabang labi nya.
"Ah wala nga kase!" Sagot ko saka nagmadaling lumabas ng locker room bitbit ko padin yung sulat ko , nako! Di ko pa nailagay!! Palabas na sana ako ng building ng may humila saakin.
" nainis ka ba? Sori" paghingi ng tawad ni Chase saakin. Bigla ko namang napansin ang kamay nya agad nya naman itong inalis ng makita nya ang paninitig ko sa nakalagay dito.
"Injured ka padin ba?" I asked him. Nakalagay padin kase yung panyo ko sa kamay nya. Tumango sya ng mabagal na parang nag-aalangan.
" medyo. Pero sa game hindi na to syempre." He said while laughing. "Kaya nga sana makanood ka. Support nalang ganon" he added. Mukha syang malungkot dahil ilang beses na akong tumanggi sa panonood sa match nila. " alam ko namang ayaw mo na ko maging kaibigan pero sana kahit manlang bilang kaklase ko nandon ka." He added again. Bigla naman akong nakaramdam ng kirot. Oh he really does think of me as his classmate only?. I smiled at him.
"Pag-iisipan ko. " sagot ko bago tuluyang umalis. Hanggang ngayon kase naalala ko padin yung pinag-usapan nila ni Grace, yung he doesn't like me. Na charity lang ako..and now im just his classmate. Everytime I think that we are not friends anymore ay nakakaramdam ako ng lungkot. Dahil siguro nagexpect ako na totoong gusto nya akong kaibiganin.
Nung araw ng match ay walang pasok. Ang sabe ng prof ay isupport nalang daw namin ang lahat ng teams ng school na magcocompit para sa nationals. Siguro halos lahat ng fangirls ni Chase ay nandon na din at nagchi-cheer. Even Grace and her squad habang ako busy sa part time dahil biglang dame ng tao.
"Sam pa prio nung order sa table 6 !" Sigaw ng katrabaho ko, lahat kame ay ngarag dahil dagsa ang tao, kase naman sa diname dame ng venue ng match yung malapit pa na open field ang naging lugar ng match nila Chase, oo peak kame dahil sa mga students from different schools and even ours.
" mamayang 1pm ang match ng blue sparrows at red blaze diba?" I heard a girl said sa kasama nya blue sparrows ang tawag sa team ng school namen mukha naman silang galing sa kabilang school.
" oo. You know im excited to meet those sparrows eh! Kase yung captain at pitcher nila sobrang gwapo daw!" Halata namang kinikilig yung babae, ako naman ay nagpapanggap na naglilinis ng kabilang table habang pinakikinggan sila.
"Oh gosh! Si Chase Ortega?! Ako din friend!" Sabe pa ng isa, hindi ko namalayang napairap na ako sa pinag-uusapan nila. why are they talking about their school's opponent like that? Bat sila kinikilig? And what? They came to see chase?. Bigla naman akong natauhan sa pinagiisip ko, why am I thinking this way?!.
Nung naglunch break ako ay saktong 2:30pm. Napaisip tuloy ako kung pupunta ako sa venue tutal walking distance lang naman yon o kung dito nalang ako.
"Diba school mo yung maglalaro today?" Tanong ng manager ko, I nodded. "Bat di ka muna manood? Mag offset ka kahit today lang.tutal tapos na ang gera ng mga tao dito knina hahaha" she added. I smiled at her.. maybe this is the chance. Ang sitwasyon na ang nagsabeng pwede ako makapunta.
I grabbed my things at nagmadaling umalis sa cafe, Tumakbo ako para makaabot sa match nila, I know Im late pero kahit sa dulo makaabot manlang ako.
Maraming tao ang nanonood iba ibang teams ang sinosoportahan hati ang crowds sa school namin at ng kalabang school. Tinignan ko agad ang score board, lamang ang kalaban. May dalawang foul ball na ang pitcher na nasa field. Napaupo ako sa bakanteng upuan na nasaharap ko. Muhkang pagod na lahat sila at dahil nadin sa init. Biglang tumakbo ang coach ng blue sparrow palapit sa umpire saka may binulong.
"Pitcher change" sabe ng announcer. Agad akong tumigin sa baba para makita yung ipapalit sa pitcher sa field. " NUMBER 56 ORTEGA CHASE " dagdag ng announcer, nagkagulo ang buong crowd especially the girls dahil sya nga naman ang pinunta nila dito at hindi ang game.
Nagstreaching muna sya bago ibigay ang bola sa kanya, nataw na tanaw ko sya sa pwesto ko nakatitig lang ako sa kanya, he looked so handsome in white and blue, he adjusted his gloves took a deep breath until our eyes met. Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakalagay padin sa kamay ang panyo ko but the most shocking thing that he did was..
Before the throws his fast ball, he kissed my handkerchief.
"STRIIIIKE ONE!!"
My heart suddenly pounded faster than his pitch.
BINABASA MO ANG
Stalking Miss Nobody (Completed) Filipino
Short StoryThe Girl. She is the most normal average girl anyone could see, she is one of the nerdy type that doesn't like to mingle with anyone and likes being alone, somewhat reserved and unnoticed by her classmates and schoolmates that makes her life even mo...