part 14: the Pitcher and his Cheerleader.

3.9K 169 16
                                    

Did he just do that??..hanggang ngayon di ko padin mapigilang isipin yung nangyare kanina, we made eye contact , he kissed my handkerchief and he winked at me. Saakin sya nakatingin tama???... anong trip nya ?..

"Omg ako lang ba o lalong naging hot si Chase ngayon?!" Dinig kong sabe ng mga babae sa likod ko, they were all cheering for him kahit na kitang kita naman na sa kabilang team sila kabilang. " oo nga eh and did you see before he Throw that ball? He kissed that thing on his wrist!" Sagot naman ng isa, nag-init ang tenga ko dahil doon, hindi nga talaga ako namalikmata lang he did kiss it.

"Oo nga eh, lucky charm nya ba yon?,"

"Don't know date naman wala syang ganyan eh, and look at the design so dull"

di ko alam pero yung buong atensyon ko ay napunta sa mga babae sa likod ko, humingi kase ng timeout yung kabilang team kaya wala pang naglalaro.

"Oh maybe its from his special someone!" Sagot ng isa, muntikan ko nang malaglag ang binili kong tubig dahil sa nadinig ko sinapaan pa tuloy ako ng tingin ng katabe ko. Nag-init nanaman ang tenga ko dahil doon. Special someone?..

"Oh yeah right.. but does he seriously have someone he likes rightnow?.. at mukhang baduy pa friend" di ko alam pero bigla akong napalingon sa kanila, nagulat pa nga sila dahil doon. "What?" They asked dahil naputol ang usapan nila.

I just looked at them at tinuon uli ang atensyon sa field. I heard one of them said that im a wierdo. Bago magstart uli ang game ay nakita kong may lumapit sa pwesto nila Chase, its their cheering squad.. then I saw Grace talking to Chase, nakaramdam nanaman ako ng kirot dahil doon, nagbubulungan pa sila then one of them will laugh.. sabe ko na nga ba dapat di na ko nagpunta pa. Iinom na sana ako ng tubig dahil sa nararamdaman kong bara sa lalamunan nang magtama nanaman ang mata namin, napaubo ako ng wala sa oras kaya nilingon nanaman ako ng mga katabe ko. Omg nakakahiya.

Nakita kong lumapit si Chase kay Amber at may binulong, ngayon naman kay Amber? Totoo pala talagang playboy sya. Pero nagulat ako nung tinuro ako ni Chase at ang pagtakbo ni Amber papunta sa pwesto ko, nasa 4th row ako pero tinakbo nya.

"I knew you'd come!" Masayang bati ni Amber nang makarating sya sa pwesto ko, nagbulungan tuloy ang mga tao dahil isa din sa dahilan kaya madaming lalake na nanonood ay para makita ang babaeng manager ng team namen at sya din ang Muse ng batch. Awkward akong ngumiti.

"Lipat ka ng pwesto ok lang?" Tanong nya saken, tinignan nanaman ako ng mga tao sa paligid. I nodded because it'll feel awkward staying hear while everyone is staring at me.

"Saan?" Tanong ko nung naglakad na kame papunta sa lilipatan ko, laking gulat ko ng ilipat nya ako sa pwestong kitang kita ko ang mukha ng pitcher, nakatalikod na yung batter at umpire.  " bat dito? Di kaya tamaan ako ng bol--"

"As if naman hahayaan nyang mapunta dito yung bola." Mahinang sabe ni Amber kaya napataas ang kilay ko, magtatanong pa sana ako pero nagmadali na syang bumaba dahil magsisimula na uli ang laro.

Again Chase is the Pitcher, habang tinitignan ko kung pano sya magwarm-up ay mas napapatunayan ko na sobrang gwapo pala talaga nya, kahit na puno na ng alikabok yung puting uniform nya at pawis na ang noo ay mas nagiging makisig sya sa paningin ko, at dahil sa pag-iisip nayon di ko na napansin na nakatingin na pala sya habang isinusuot ang baseball cap nya. while Chewing his bubblegum nagawa nya pang ngumisi, di ko alam kung para saken yon pero napangiti ako dahil doon he smiled back bago ihagis ang isa nanamang perfect pitch. The crowd cheers everytime the ampire says "STRIKE!" Napapapalakpak nalang ako.

Pero.. dahil sya lang ang kanina pa nagpipitch ay nakailang foul na din sya, napagod na sya sa kakapitch at nakikita kong iniinda nya na ang kamay nya, sinasabe ko na nga bang hindi pa magaling yung injury nya eh. At dahil don ay nagawa ng kalaban na makahabol sa puntos nila Chase, ayaw nya magpasub dahil may injury din daw ang isa pang pitcher, nakailang timeout dahil doon, hanggang sa pumantay na ang score ng kabilang team sa kanila.

Kitang kita kung gano na kapagod ang lahat dahil sa laro, ilan na ang nainjured at na foul-out dahil dito. Nakikita ko kung pano na kausapin ni Amber si Chase , binibigyan nya ng tubig at nilalagyan ng yelo ang kamay nya pero pagkatapos ng ilang minutong sub ay babalik na uli sya. He's exhausted , I can see that. Alam ko din kaseng last game na to.. ga-graduate na den kase kame. And as being their captain and Ace he have to leave a good example for the next team.

Dahil doon naisipan kong manghingi ng kartonila sa mga katabe ko, goodthing merong isa na nagmagandang loob, hiniram ko nadin yung pentelpen.

"MR POPULAR!!" di ko alam kung sa lahag ba naman ng pwedeng isigaw ay yun pa ang isinigaw ko. Namula agad ang pisngi ko ng natuon ang atensyon saakin, sobrang lakas ba ng sigaw ko?! Pero ng mapansin kong nanlaki ang mata ni Chase ay binuklat ko ang kartolinang sinulatan ko.

[ YOU CAN DO IT!!! ILILIBRE KITA NG STRAWBERRY SHAKE PAGNANALO KA!!]

Di ko alam kung gano ko gustong maglaho ng parang bula, pulang pula na marahil ang pisngi ko dahil dito, ng lingunin ko sya ay nanlaki ang mata ko ng makitang mas mapula pa sa mansanas ang pisngi nya, pinipigilan nyang tumawa pero nang mag-angat uli sya ng tingin at huminga ng malalim ay nakita ko ang pagbabago ng expression sa mukha nya at dahil doon...

Nanalo ang team namen.

Dahil doon sobrang dameng taong nagkumpulan para icongratulate sila Chase, ofcourse most of them are girls samantalang ako nakaupo padin sa pwesto ko , masaya na ako at nanalo sila, sana nakatulong ako. Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Amber wala tuloy akong choice kundi lumapit sa kanila,

Agad na sumalubong ang matatalim na tingin ng cheering squad ng team at ilang mga babae. Natigil ang masayang kwentuhan ng mga lalake nang matahimik si Chase.

"C- congrats.." pagbati ko sa kanya, he smiled awkwardly.

"Thanks, dahil yon sayo." He answered. Nag-init naman ang pisngi ko dahil doon pati nadin sa biglang pangangantyaw ng mga kateam nya kaya tinaboy sila ni Amber maging ang mga babaeng nakapaligid, nung una nga ayaw pa nila pero dahil iba magalit si Amber ay sinunod din nila. Why did they felt us alone here?!

Matagal kameng nakatayo lang , walang nagsasalita. "Ahm .. sige congrats uli!" Pagpapaalam ko ng hablutin nya ang braso ko. Napalingon ko ng wala sa oras dahil doon.

"Wait for me. " he said kaya nagkunot ako ng noo. He flicked my forehead. "Remember what you wrote?.. you'll treat me strawberry shake." He added. Nang mapansin nameng magkahawak pa pala ang kamay namen ay agad nya itong binitawan. " basta .. wait for me here!" Sabe nya bago tumakbo papunta sa kateamates nya. Pero biglang tumakbo pabalik.

"And give me this." He said bago hablutin ang kartolinang hawak ko. " that strawberry shake thing should be a secret" he said bago tumakbo papunta sa locker room pero nagulat ako ng bigla nya akong tawagin. Nilingon ko sya at hindi ko alam kung ano yung pose nya.. parang "m" yung parang sa mcdo? sa mcdo ba nya gusto??.

"Thankyou ulet My Cheerleader!" He was red while saying those bago pumasok pabalik. Habang ako tulala at init na init dahil ba to sa panahon? Why is my face so hot?! And this smile on my face is not fading.

Stalking Miss Nobody (Completed) FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon