Dedicated sa kanya kasi siya yung unang nagcomment :) Excited na din ako. Di lang ikaw. HAHAHA! :D
HER POV
Masyadong maingay. Nakakabanas.
Sigaw dyan. Sigaw doon. Sigaw dito.
Natutulog kaya ako! Putek na yan!
*Ano ba naman kasi Kate! Lintek na. Natutulog ako sigaw ka ng sigaw dyan!*
*E baliw ka pala e. Malamang maingay dito, sa bleachers ka ba naman matulog e. Ba--- Uwaaaaaaaaaaaaaah! OMG! Omg Anna! Magpipitch na siya!*
O nga naman. Mali nga naman ako. Pero teka. Sino yung magpipitch? At bakit lalong umingay? Sigawan everywhere? Jusme.
Pagtayo ko. Nakita ko sa mount ang isang lalaking matangkad, may magandang hugis ng katawan at gwa-- Ewan ko. Nakacap e. Di ko makita yung mukha.
*Kate. Sino ba yan?*
*Srsly Anna?! Di mo kilala? Yung pitcher ng Baseball Team di mo kilala?! Oh My God Anna! *boink** Binatukan ko nga.
*Ang arte. E di ko nga kilala e.*
Lalo pang lumakas ang sigaw ng mga tao. Akmang magpipitch na nga siya.
Nung pinakawalan niya yung bola. Ang bilis. Ang lakas. Grabe. Kung ako ang catcher niya, di ko kakayanin yun.
*Strike! Batter out!*
Sigaw ng umpire. Sino ba naman kasi ang hindi maaout sa ganun kabilis na pitch?
*Whooooooooooooooooooooooooooooooooooooooh! Panalo tayo, Anna! Panalo tayo!* Yugyog sakin ni Kate. Di pa rin ako makapaniwala dun sa pitch niya.
*Anna, anung masasabi mo sa pitch na yun? Diba catcher ka? Sa Softball Team? Kahit naman siguro mahina lang sa inyo, alam mo din naman pag sa Baseball diba?*
Tama si Kate. Catcher ako ng SoftBall Team dito sa University namin. Pero syempre di ako nakakasalo ng ganun kaintense na pitch. Iba naman kasi talaga ang Softball sa Baseball. Pero kung ako ang tatanungin.. *Syempre mabilis. Nakita mo naman diba? Naout nga yung batter e.*
*Ang galing talaga ni Christian, Anna. Lagi nalang niyang pinapanalo ang game. Nangunguna na naman tayo. Imposible namang di mo kilala yun. Softball player ka e. Siguro naman magkalapit lang ang mga team niyo.*
*Baliw. Syempre grumaduate na yung dating pitcher ng Baseball Team. Yun yung sobrang kilala ko e. Nabalitaan ko naman na nagpalit na ng pitcher ang baseball team. Di ko nga lang kilala. Nababalitaan ko din na siya yung star player ng team nila. Hahaha!*
*Baka di pa kayo pinagtatagpo.*
*Baka nga.* sagot ko na ikinatawa naming dalawa ni Kate.
Sabay sabay naglabasan ang mga estudyante. Ang sikip sikip tuloy sa gate ng field.
*Te, pahupain muna natin mga estudyante.* sabi ni Kate. *Tsaka inaantay ko rin si Louie. Nagtext nga e. Nasa locker pa daw sila. At nandun yung pitcher! Omg!*
Yung Louie boyfriend nya. Tapos may gusto siya sa pitcher. Hahaha! Labo ng bestfriend ko. Pero loyal naman yan. Hahaha!
*Osige. Baka magkastampede pa e. Tara sa field?* yaya ko at nagnod naman si Kate.
*Te? Marunong ka ba magpitch?* biglang tanong sakin ni Kate nung umapak ako sa may mount.
*Sakto lang. E diba naging pitcher na rin ako nung nainjured si Gia. Kaya marunong naman ako. Sample gusto mo?* ngumiti naman si Kate. Tinuturuan ko naman kasi si Kate minsan. Niyayaya ko syang sumali sa team kaso ayaw. Ang rason kasi busy na nga raw si Louie sa paglalaro ng baseball, siya pa daw? Susuportahan na lang daw niya si Louie kesa mawalan sila ng oras sa isat isa. Sus. Hahaha!
*Wag mo lakasan te ah? Baka lumipad ako bigla. Hahahaha!* Buti nalang kamo e may dalawang gloves dun sa bench. Pinasuot ko lang kay Kate yun at dumerecho na ko sa mount.
*Kate? Ready na? Pang baseball o pang softball? Hahahaha!*
*Surprise me.* sabay ngiti ni Kate.
Nakapwesto na si Kate dun at inaantay na lang ang pitch ko.
1..2..3..
Nagulat ako nung biglang napaatras si Kate at di nasalo yung bola.
*Huy Kate?! Ok ka lang dyan? Bat di mo sinalo?*
*Te kasi. Kagulat naman e. Di ako sanay. Tsaka parang tatama sakin yung bola. Dahan dahan naman.* nakahawak pa siya sa puso nya nyan. Malakas ba yun? E pangbabaeng pitch nga yun e. Binato niya sakin yung bola at sinalo ko naman.
Dumating si Louie. Nagkiss pa nga sa harap ko yung dalawa e. Tss. Lande.
*Oy tama na yan! Magpipitch na ko! Hoy Louie, gusto mo ikaw batuhin ko? Layo dyan!* nakangiti kong sigaw. Tumawa lang naman ang dalawa.
*Aba aba Anna! Ginawa mo pang catcher tong Baby ko. Patingin nga ng sample mo!* nginitian ko lang siya bilang sagot.
Pinakawalan ko na yung bola. Nagpitch ako ng pang baseball na ikinagulat naman ni Louie. Si Kate naman tuwang tuwa na nasalo yung bola.
*Wow.* may nagsalita sa likod na ikinagulat ko naman.
Paglingon ko, si Christian. Yung pitcher ng Baseball Team na crush ni Kate kahit may Louie na siya. Yung star player ng team. Yung matangkad, may magandang shape ng katawan at gwapo. Ngayon natuloy ko na kasi kitang kita ko na yung mukha niya. Gwapo nga.
*Naiwan ko pala yung gloves ko dito.* sabi niya at napatingin naman ako sa suot ko. May letter C dun na nakatahi. Mukhang kanya nga.
*Ay pasensya na.* Nilingon ko naman si Kate na mukhang kinikilig na ewan. *Kate. Hagis mo na.* sinalo ko naman yung gloves at hinubad na rin yung suot ko. Inabot ko na sa kanya. *Oh. Salamat. Pasensya kung nagamit.* Tinalikuran ko siya at pupuntahan na si Kate.
*Ganun lang? Alam mo bang ikaw lang ang gumamit ng gloves ko? Ni hindi ko nga to pinapahawak sa iba tapos ikaw, susuotin mo lang?* Ay. Ang arte naman neto.
*Wow. Pasensya naman. Chill, okay? Parang ginamit lang e. Wala naman akong sakit or what. Kung makapag-inarte ka naman.* naiinis kong sabi.
*Louie. Tara na. Hilain mo na yang si Kate.* sigaw ko.
Pero ang ikinagulat ko, may tumamang bola sa ulo. *Abat.. Ano bang problema mo ha?!* sigaw ko. Hanep tong lalaki na to ah.
*Ikaw. Ikaw ang problema ko.* Anu daw?
*Maglaro tayo. Pustahan. Pag nanalo ako....* Hamon niya..
*Ano?*
*...Akin ka.*
---
Agad agad? :) Nagsisimula ulit ako. Hihi XD
ComVo po. Thanks!
RMz<3