Strike 2

2.9K 91 15
                                    

Hiiiiiiiii! :)

Dedicated sa kanya kasi first comment e. Hahahaha! Jk! De kasi fan ko talaga siya eversince :) 

Papadedic kayo? Comment lang! 

HER POV

Ano daw? 

*Ano? Payag ka?* Abat napaka walang hiya naman talaga ng lalaking to.

*Ano nga yung pusta?* 

*Pag nanalo ako, akin ka.* Ano bang sinasabi niya?

*Ano? Ang panget naman ata ng pusta mo.* pagtutol ko. Ang kapal ng mukha niya ha? Di ako babaeng sunud-sunuran lang. 

*Edi pag natalo ako, sayo na ko. Ayaw mo pa?* 

*Ano bang trip mo ha?! Kate! Louie! Tara na nga. Baliw na yan!* 

*Seryoso ako.* Ha?!

*Louie. Wag mong papalabasin yan. Kundi mayayari ka sakin sa practice.* At nanakot pa. Hanep talaga to. 

*Kate. Kausapin mo yang boyfriend mo. Malalagot kayo sakin.* panakot ko rin. 

*Anna..* nakatingin lang si Kate sakin. *Ano?!* nilapitan niya ako at binulungan. 

*Te pumayag ka na? Talunin mo lang yan, mapapasayo na yan e. Pahirapan mo! Alam kong kaya mo yan.* 

E kung sipain ko kaya tong bestfriend ko. Tss. 

*Ano? Payag ka na?* Wtf? Srsly?

Pero dahil gwapo siya, call. Star player ng Baseball Team, call. Wala akong boyfriend, call. Mukhang wala siyang girlfriend, call. At dahil baliw sa kanya lahat ng mga babae dito, call na call. 

*Sige. Call na ko.* pagsang-ayon ko. 

Nagready na ako. Pinasuot pa niya ako ng gear para raw safe. Susssss. Takot lang siya saken e. Hahaha!

*Ano bang rules?* tanong ko. 

*Simple lang. Kung sino sa ating dalawa ang makaka-homerun, yun ang mananalo. Ano? Deal?*  cool na cool niya pang sabi. 

*Deal.* sagot ko habang nakafake smile at inirapan siya. 

 Ang labo. E sino unang magpipitch samin? Tss. Ang daya naman neto e. 

*Baka sabihin mo madaya ako kaya ikaw na ang papaunahin kong magbat. Pag nahomerun mo, sayo na ko.* 

Sayo na ko. 

Sayo na ko.

Sayo na ko.

Wtf. Kilabutan nga siya. Tssss.

Bigla nalang may nagsidatingan na mga players. Mukhang mga kateam niya ata. 

*Captain? Anung meron?* sigaw nung isang matangkad. Familiar siya. Sa first base ata sya e. Ewan ko. 

*Manuod na lang kayo.* Ang cool talaga niya. Buset. 

Pumwesto na siya sa mount. Ako naman sa may plate. Jusme. Pag nahomerun ko to, akin na daw siya. Pag nahomerun niya, sa kanya na ko. Okay na din yun. Parehong may benepisyo. 

Eto na. Eto na talaga. 

Bumwelo na siya at ayun, parang dinaanan lang ko ng bola. Omygosh. Kaya ko ba to? Lord, help meeeee! 

*Strike 1!* Sigaw ni Louie na naging umpire namin. Si Kate naman na sa may tabi lang. 

*Ano Ms. Sunget?* nagtaas baba pa siya ng kilay. Nagfake smile lang ako. Bwiset siya.

Bumwelo ulit siya at nagpakawala na naman ng isang fast ball. Syempre di ko na naman natamaan. Fast ball lang naman ang mga binibitawan niyang pitch. Bakit hirap na hirap ako? Huhu. 

*Strike 2!* 

*Last pitch ko na at maaout ka na.* Panakot sakin ni damuho. 

*Edi maout kung maaout.* pagsusungit ko. 

Last na pitch na niya at bumwelo na siya. Pagkabitaw niya ng bola, nakahanda na ang bat ko at syempre, natamaan ko. 

*Nice. Pero di yun homerun.* Pangaasar niya. Atleast natamaan ko. Arrrrrggghhh!

Nagpalit na kami ng pwesto. Nag *meet me halfway* pa kaming dalawa. Tumigil siya sa harapan ko at tinitigan ako. Mygosh. Ano bang trip niya? Yung titig nya, nakakalunod na ewan! Ang awkward naman e. Nginitian nya kong nakakaloko at ako naman, inirapan lang siya. Nauna na kong gumalaw at pumwesto sa mount. 

Feeling ko, isang pitch ko palang.. Homerun nya na. Di naman kasi ako ganun kagaling diba? 

*Ready ka na bang maging akin ha?* bigla niyang sabi. Nanlaki ang mata bigla. Kapalmuks talaga siya. 

*E ikaw?* Syempre sino pa bang susuporta sakin? Syempre sarili ko. Lord, bigyan niyo pa ko ng self confedence. Hahaha!

*Oo naman. Tagal ko ng inantay to.* Huh? Ano daw? Trip niya. 

*Anong matagal? Tss. Mukha mo.*

*Wala. Excited na kong maging girlfriend ka, Anna.* cool niyang sabi. Omg. Kilala niya na ba talaga ko? O baka naman matagal ko na siyang stalker?

*Shut up.* Sabi ko nalang. Tinaas niya yung dalawang kamay niya. Sumusukong ewan. 

Bumwelo na ako at di na nagsayang ng panahon. Binitawan ko na ang unang pitch ko at natamaan niya. Natamaan niya yung pitch ko. Huhuhuhu

*Lapit ng mahome run oh? Sabi naman sayo, excited na ko e. Hahaha!* Pangangasar niya. Waaaaah! Srsly? Huhu

Pangalawang pitch ko, natamaan niya ulit at..

*Pano ba yan? Akin ka na? Hi Girlfriend!* Omg! This is not happening! Nahomerun niya. Noooo!

Unti unti siyang lumapit sakin at inakbayan ako. Waaaah. Bat parang may kuryente. Grabe. 

Nagsigawan mga kateammates niya. Buti nalang kamo di nila narinig yung about sa pusta. Medyo malayo sila samin e. 

Tinignan niya ko sa mata at.. 

*Hi Girlfriend.* Kindat plus ngiting nakakaloko. 

Ako si Anna Stacey Bernardo. 18. Ang girlfriend-kuno ni Christian Greco. 

Kill me now. 

--

So far so? :) HAHAHAHA!

ComVo po! Thanks! :D

RMz<3

GAME OVER [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon