Hi sa mga readers kong so labs so sweet.. Hahaha! Natutuwa lang ako kasi yun nga.. Sinusuportahan niyo pa rin. Hahaha! E kasi dami ko ng story na di tinutuloy. Pero eto, promise.. TATAPUSIN KO TALAGA TO. HAHA! Mahal ko kayo :DDedicated kay ErinMyLoveSoSweet! Hahaha :D Miss kita, Bebs! Hahaha! I love you, solid
Yun lang :) Sana sa Strike 3 na to, umabot na ng 1K Reads :) Hahaha! Naghahabol lang. Ganun talaga. Nagsisimula ako ulit e. Hahaha!
HER POV
*OMG! May girlfriend na si Pitcher!*
*Uwaaaaaaaaaa! Ipapapatay ko yung gurl sa batter ng baseball team!*
*Noooooooo way! Huhu! Di ito pwede!*
OMG! Ako yung girlfriend ng Pitcher!
Uwaaaaaaaaaa! Ipapapatay daw ako sa batter!
Yessss way! Huhu! Nangyari na!
Wtf. Pati konsensya ko naaapektuhan na rin. Grabe. Ganun ba kabig deal ang pagkakaron ng girlfriend ni Christian? Ang OA! Panu kaya kung malaman nilang ako. Baka di na ako makauwi ng buhay sa bahay. Lord, help meeee!
Nakakairita nga yung lalaking yun e. Nung araw na syempre, naging kami kuno. Nagset kami ng rules. Pero mukhang siya lang naman nasunod. Pero ewan ko din at bakit pumayag nalang ako. Tss.
FLASHBACK
*Anong *Hi Girlfriend!*? Kilabutan ka nga!*
*Bakit? Panalo ako diba? Akin ka na. At dahil don, ihahatid na kita sa inyo.. Kate? Louie? Tara na?* Grabe. Walang kasing kapal yung mukha niya!
*Kate.. Louie.. Mauna na kayo. May paguusapan lang kami.* sabi ko na ikinagulat naman ni Christian. Na lalo akong inasar.
*Wow. Ang bilis mo naman yata, Anna? Excited na ko --- Aray! Bat ka ba nambabatok!*
*Wag ka nga mag-isip ng kung ano ano. Bullshit ka e! Umayos ka dyan. Sige na. Dun tayo sa bleachers.* yaya ko. Nagpaiwan na ako. Nauna na sila Kate at Louie. Kami nalang natitira ni Louie.
*Bakit ba tayo nagpaiwan? May gagawin ka sakin noh?!* Lord, please? Kunin niyo na po siya.
*Umayos ka dyan. Tss.*
*Osige. Seryoso na. Ano ba yun?* At sumeryoso nga siya. Ang bilis niya magbago ng mood ah.
*Gusto ko satin lang tong apat nila Louie at Kate.*
*Ano? Hindi pwede. Kailangang buong campus alam. Makakasama kita. Makakasama mo ko. Kahit sa labas ng campus. Hindi to pagpapanggap. Seryoso to.*