HER POV
*Anna. Gising na.* Medyo naalimpungatan ako sa boses na naririnig ko. Hindi pa nakuntento, inalog-alog pa ako. *Uyy. Bebi, gumising ka na. Anung oras na oh. Magsisimba pa tayo.* Oo, Linggo nga pala ngayon. *Hmmmmmmmppppt.* pakunwareng pag-uunat ko.
*Tumayo ka na nga lang pag gusto mo na.* sumuko naman na ata si Christian at umalis na sa kama ko.
Dumilat ako. Nakabukas yung pinto ng kwarto ko. Grabe. Pikon kaagad. Anung oras palang naman. Samantalang anung oras na kami nakatulog kagabi.
*Goodnight Bebi. I love you.*
Dyusme. Naaalala ko na naman. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Omg.
Tumayo na ko sa kama at direcho CR. Syempre may CR sa kwarto ko noh. Hiniling ko talaga yan kay Mama at Papa kahit ayaw ni Kuya. Hahaha! Naghilamos na ako at nagmumog. Ayoko pang magtoothbrush, kakaen pa ko e. Pangit lasa. Hahaha!
*Goooooooooood Morning!* Bati ko sa kanya pagkababa ko. Nasa sofa siya, nakaupo lang. Mukhang kanina pa ata ako inaantay.
*Good Morning ka dyan.* nakabusangot nyang sabi.
*E bakit? Ano ba dapat?* padabog kong pagbaba sa hagdan. Ang sungit nya ha.
Tumayo na ata sya at sinundan ako dahil hawak na nya ang kamay ko ngayon. Ako naman, nagpapalambing pa. Na mukhang di naman mangyayari. Tssssss.
Nagulat ako pagdating namin sa kusina. May breakfast naaaaa! Omg. Napatingin ako sa kanya na nakangiti lang.
*Nagluto ka?* tanong ko habang nakataas ang kilay.
Tinaasan nya rin ako. Abaaaa. *Oo. Anong akala mo sakin? Di marunong? Hu.*
*Bakit? May sinabi ba ako?* pagtataray ko at umupo na sa upuan.
*Sungit.* pabulong nya pang sinabi, narinig ko naman.
Nakakatuwa. May bacon, eggs tsaka hotdog. May friedrice din tsaka syempre di mawawala ang paborito kong kape. May art pa talaga ha? May heart symbol sa ibabaw.
*Ikaw talaga gumawa neto?* tanong ko habang sya nilalagyan na ko ng pagkain sa pinggan.
*Oo nga. Syempre mag-isa lang ako sa condo kaya kailangan matuto ako. Wala akong yaya dun noh. Ang alam nila Mommy, meron. Pero ang totoo, wala talaga.*
*E bakit ayaw mong kumuha?* nagtataka kong tanong at humigop sa kape ko. Napatingin naman siya sakin habang umiinom ako.
*Masarap?* tanong nya.
*Infairness ah. Paborito ko na to. Hahaha!* napakamot lang sya at tinawanan ako.
*Oh sagutin mo na yung tanong ko.* Habang ako naman nilalagyan siya ng pagkain.
*E kung kaya ko naman sarili ko e. Tsaka sayang yung ipapasweldo ni Mommy. Dagdag allowance din yun. Hahaha!*
*Abaaaa. Matalino ah. Hahahaha!* nagtawanan lang kami at nagsimula na kumain.
Nagsheshare na nga lang kami sa kape e. Di naman daw kasi siya mahilig. Nakikihigop nalang sya. At tsaka ang sarap ng fried rice nya. Hihi.
*San ka natuto magluto?* tanong ko.
*Ano. Tinuruan kasi ako ni Elena dati.* napatingin ako sa kanya. Tssss.
*Ohh. Wag ka na magselos. Wala na yun. Ikaw na.* nginitian nya ako at hinawakan sa pisngi. Ngumiti nalang din ako.