HER POV
*Bata palang ako, nag sink-in na sa utak ko na kahit kailan.. Di na talaga maaayos ang pamliya ko. Ate ko nalang ang naniniwala.* Ahhh. So may ate pala siya? Okay. 1 point sa list ko. Hahahaha! *Sa araw araw na ginawa ng Diyos, bago sila pumasok sa trabaho hanggang sa umuwi, lagi silang nagbabangayan. Si Mommy, di mapakali pag maaga papasok si Daddy. Lalo na pag late na kung umuwi. Laging sasalubingin si Daddy, *May babae ka! Ilang taon na, Chris! Ilang taon na.* Di ko makakalimutan yang linya ni Mommy. May babae daw si Daddy. Ayokong maniwala dahil masakit para sakin yun. Lalo na kay Mommy at Ate. Lalo pa silang nagkarambol nung tinuruan ako ni Dad mag baseball at ipinasok sa junior baseball league. Nainjured ako, Anna. Hanggang ngayon may problema sa kanang braso ko kaya kaliwa ang gamit ko pag nagpipitch ako.* Oh my gosh. Napatingin ako sa kanya nun at inalis ang pagkakapatong ng ulo ko sa kanang braso nya. *Ano ka ba? Okay lang.* ginulo nya ang buhok ko at pinapatong ulit ang ulo ko.
*Bat di mo sinabing may injury ka pala?* tanong ko.
*Dahil di ako tatanggapin sa team, Anna. Simula nung nainjury ang kanang braso ko, ayaw na akong pasalihin ni Mommy sa kahit na anong sports. Sinisisi nya si Daddy sa pagkakainjured ko. Kaya lagi silang nag-aaway. Kahit na alam kong walang babae si Daddy, pinapaniwala ako ni Mommy na meron daw. Kahit ganun, sa Daddy pa rin ako malapit. Pag nasa work si Mommy, pinapractice namin ni Dad yung kaliwang braso ko. Magmula sa pitching at pagbabat. Maayos na naman tong kanan pag nagbabat ako.. Kailangan lang talagang mag-ingat.*
*Oh e bakit ngayon? Bakit napayagan ka ng mommy mo?*
*Dahil ginusto ko to. Ginusto namin ni Dad. Sumama ako kay Daddy paluwas dito. Sawang-sawa na raw siya sa kakabintang ni Mommy.*
*Iniwan mo yung mama mo dun? Para sa baseball?*
Nagkamot siya ng ulo bago sumagot. *Selfish ba ko kung oo?* Hmmm.. *Yung totoo? Hindi ko alam. May part na oo. May part ding hindi.* magulo kong sagot.
*Ewan ko. Feeling ko din napakaselfish ko. Iniwan ko si Mommy at Ate ng sila lang. Kaya nung pagtungtong ko ng college, kinausap ko si Dad at pinauwi na. Kapatid ko lang sa ina ang Ate ko. At ang kwento ni Daddy sakin, nagawa ako ng wala sa timing.* napatingin ako sa kanya. *Anung wala sa timing?*
Tinawanan nya ako pero di umabot sa mata nya yung tawa na yon. Awwww. *May girlfriend si Dad nung nabuntis nya si Mommy. Kakahiwalay lang ni Mommy sa tatay ni Ate nun. Nadepressed at eto nabuo ako. Nagtatrabaho kasi sila sa isang kumpanya. Ayaw pumayag ni Mommy na iwan siya ni Dad. At ang sabi ng girlfriend ni Daddy, panagutan daw yung bata. At ako yun. Nagpakasal sila dahil nangyari ako. Mahal na mahal ni Mom si Dad. Pero ang Daddy, yung girlfriend pa rin ang mahal. Pero ngayon, nakamove-on na daw si Dad. Napakatagal na ng panahong yon. Kailangan na raw nyang magfocus sa pamilya namin.*
*Ohh. Edi maayos na pala.* nakingiti ko pang sabi.
*Maaayos? Di na ako aasa, Anna. Kanina nga lang nagbabangayan sila e. Tapos maaayos? Kalokohan.*
Umupo ako at nagtaka siya. Pinaupo ko din sya. *Hey. Don't say that. Kaya pa yan. Kung ipupush naman diba?* Hinawakan ko siya kamay at nginitian. *Sana nga, Bebi. Sana nga.*
*Keri pa yan!* tinignan nya lang ako at natawa. *Matulog ka na nga.* Sabay hila nya sakin. Nakahiga na kaming dalawa at yakap yakap nya ako. Kahit nakakakilig to, kailangan ko muna siyang mainspire na maniwala pa rin. Na di pa game over ang pamilya nya.
*Ayoko pa. Gusto mo kwentuhan din kita? Bedtime story ko para sayo?*
*Talaga lang ha? Magkukwento ka din?* tanong nya na parang di pa makapaniwala. *Oo. At papatunayan ko sayo na may pag-asa pa yang pamilya mo.*
*Kwento sakin ni Papa. Nagkakilala daw sila ni Mama sa mall. Magician kasi si Papa at marunong din magbaseball. Nakita daw nya sa isang store si Mama, nakatulala na umiiyak. Sakto dahil nagtatrabaho si Mama sa isang store na pang-sports. At dahil nga baseball player ang Papa ko, pumasok sya sa store. Napakaganda daw ni Mama kahit umiiyak. Nilapitan nya si Mama at kinausap. Nung una, snob lang daw si Mama at masungit. Parang nachallenge si Papa kaya araw-araw siyang dumadaan dun. Hanggang sa huli, sumuko daw si Mama at sinagot si Papa. Kakahiwalay lang daw kasi ni Mama sa boyfriend nya kaya lungkot na lungkot sya. Pero tignan mo naman ngayon? Mahal na mahal nya si Papa at ako eto, masaya din.* Nginitian ko siya at nag-OK sign pa ako.
*Kaya ikaw Bebi. Itry mo. Mapapasaya mo ulit sila. Mabubuo ulit kayo. Tsaka nandito ako. Tutulungan kita.* kinindatan ko siya at niyakap pa.
*Bebi, may first love ka ba?* nagulat naman ako sa tanong nya at napaisip din.
*Hmmmm. Considered bang first love ang first crush? Kahit bata pa? Hahaha!* He chuckled. *Maybe.* sagot niya.
*Alam mo, tinuruan din ako ni Papa magbaseball, kaya eto marunong ako. Yung crush ko din kasi, marunong. At tulad mo, nainjured din siya.* Napatingin siya sakin at taas ng kilay. Bakit?
*Seryoso. Nainjure siya. Tinamaan kasi siya ng bola sa braso nung magbabat sya e.*
*Kelan nangyari yun?*
*Hindi ko alam e. Nakalimutan ko na. Pero may picture kami. Nagkakilala kasi kami sa training e. Nagkataon pa ngang naging catcher nya ako. Ang gwapo-gwapo niya.* Napayakap pa ko sa sari-sarili ko habang nirereminsce yung time namin ni Ian noon. San na kaya yun?
*A-alam mo ba yung pangalan nya?* nauutal na tanong sakin ni Bebi.
*Ian. Ian lang ang naaalala ko e. Nakalimutan ko yung surname. Basta ewan ko. Bakit mo ba natanong?*
*W-wala na-naman. Anna, may picture ka pa bang naitabi nung bata ka?* srsly. Naguguluhan na ako dito ah.
*Ahmm. Wala e. Nasa province lahat. Pero may picture ako ni Ian nung bata pa siya. Nakakahiya noh? Hahaha!* Natatawa ko pang sabi.
*Talaga? Pwede ko bang makita? Malay mo, kakilala ko. Diba baseball player din naman siya?*
*Ayoko nga. Mamaya ipamigay mo pa ako dun pag nakilala mo. Porket crush ko e. Tsaka wala na akong paki dun dahil nandito ka na.* Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi at pinagdikit ko ang noo naming dalawa. *Bebi ko.* pero nagulat ako nung kiniss nya ko sa lips. *Bebi ko.* sabi niya at kiss ulit. Omg.
*Teka! Nakakarami ka na ah! Tama na, matulog na tayo!* Natatawa kong sabi. Hahaha! Shet, kinikilig akong ewan dito. Tsaka mali talaga, liligawan nya pa ako ulit tapos may pahalik-halik pa kaming dalawa dito.
*Ikaw!* sabay pingot ko sa ilong nya. *Medyo nakakarami ka na. Ang bad mo. Huehue. Kiss ka ng kiss dyan e manliligaw ka palang ulit.* tinalikuran ko sya at kunwareng nagtatampo. Mamaya lang, niyakap nya na ko mula sa likod. *Asus. Gusto mo naman e.* natawa pa siya. Ang kapal ha. Haharap palang ako sa kanya... *Pero dahil ayaw mo, sige. Magpapaalam nalang ako. Hahaha!* natawa din ako at pumikit na.
*Goodnight Bebi. I love you.*
Mga salitang narinig ko bago ako tuluyang makatulog.
***
Bumabawi lang po :)
Uyy. Magcomment naman kayo. HAHAHA! Mga silent readers, di ako nangangain. :) Promise, mapapalabas ko rin kayo. :D
~RMz<3