Strike 8

2K 61 10
                                    

BASAHIN ANG AKING AN AFTER NG CHAPTER NA ITO. NAKASAAD DON ANG MGA DAHILAN NG SOBRANG TAGAL KONG PAG-UPDATE. SORRY. 

Dedic kay Bebe Jam! :) Labyu Babe! :*

HER POV 

*E kasi naman Kate! Bat mo naman hinahayaan yang bestfriend mo. Lintek na yan.* pamilyar na boses. Galit at mukhang may kasagutan pa. 

*E ayaw naman kasi niyang magpapigil e. Oo na, kasalanan ko na! Sorry na, Christian. Huhu* 

Alam kong nandito ako sa clinic. Nasa tamang katinuan pa rin naman ako noh! Hahaha! At syempre, alam kong si Christian at Kate yung nagsasagutan.

*Nako naman talaga e. Oh, bumili muna kayo ng pagkain. Para pag gising na to, kakaen agad.* di ko muna binuka ang mga mata ko. Kasi ayokong makita nila Kate ang magiging away namin ni Christian.

Oo alam ko. Advance ako e. Hahaha! 

Nung narinig ko na yung pagsara ng pinto. Dahan dahan ko nang binuksan yung mata ko. Si Christian naman nakaupo lang sa may gilid ko. 

*Hmmmmmm.* pakunwareng pag-uunat ko pa. 

Nilingon naman ako ni Christian at syempre.. *Ana!* sabay.. Tekaaa? Yakap? 

Hindi talaga to yung inexpect ko e. Ang nasa utak ko... *Kung ano ano kasi pinaggagawa mo! Chu chu chorva err!*

Pero hindi. Niyakap niya ako. Omg. Yakap niya ako. 

*Uy.. Christian. Teka. Okay lang ako ano ka ba--- Araaaay! Bat ka ba nambabatok?!* brutal talaga neto! Batukan ba naman ako.

*Nakakainis ka alam mo yon! Sabi ng nurse, sobrang pagod ka raw at hindi nagkakakakain. Ikaw pag nagka-ulcer ka pa! Baliw ka talaga kahit kelan. Di mo ba alam na baka mag-alala parents mo? Yung kuya mo. Ako pa mayayari! Di mo ba naisip na nag-alala ako. Ikaw. Ang kulit mo kasi e. Nakakainis!* napayuko nalang ako. Lumalakas na rin kasi yung boses ni Christian e. Nakakatakot.

*So-sor--- Ano? Sorry na naman?* Teka! Bat ba siya galit na galit! Lalo ako naistress sa taong to e. 

*Ano bang problema mo ha?! Ginusto ko rin ba magkasakit ha? Nakakainis ka naman e!* bigla nalang tumulo yung luha ko. Grabe. Pagod na pagod ako tapos ganto pa? Para akong bata na pinapagalitan ng papa niya. 

*Abat!* Di ko na siya pinatapos. Humiga ulit ako at nagtakip ng kumot. Nakakainis talaga! Parang kanina lang may payakap-yakap pa siya! Tapos bigla nalang ako papagalitan. Ang sakit sa loob e. 

Bigla nalang bumukas yung pinto at may lumapit yata sakin. 

*Iha.. Inumin mo muna tong gamot mo.* mukhang yung nurse ata. Umupo naman ako at humarap sa nurse. Iniiwasan yung tingin ng damuho. Nagpunas pa ako ng luha. 

*Nako iha.. Bat ka umiiyak? Bawal ka mastress. Magpahinga ka muna.* payo ni Nurse. Ugh :/ Siya sisihin niyo, sya! Tsss. 

*E kasi ang init at bigat sa pakiramdam, Nurse.* pagdadahilan ko. Pero ang totoo, dahil nababadtrip ako kay Christian. Nakakainis naman kasi e. Pwede wag muna syang magalit? Pwede intindihin muna diba? Nakakaiyak talaga e. 

*Basta iha.. Wag ka na umiyak. Pahinga lang.* tapos umalis na siya. Grabe.. Bat kelangan pa ipaulit-ulit yung pagiyak ko. Tsss.

Humiga na ako ulit at nagkumot. Pero di ko tinakpan yung mukha ko. Pumikit lang ako. Gusto ko lang matulog ng matulog. 

GAME OVER [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon