HER POV
Nandito na kami sa bahay. Iniwan ko lang si Christian sa baba habang ako nagbibihis. Hindi ko maiwasang ngumiti.
E kasi di mawala sa isip ko yung pagtatapat nya sa akin kanina. Like diba? So swerte of me noh! Hahahaha! Pero seryoso, seryoso ba talaga sya? Liligawan nya talaga ako? Sabagay, pangit nga naman talaga yung dahil sa pustahan lang. Di ko nga alam kung bakit pumasok sa kokote ko na pumayag sa relasyon na to. Ni hindi nga ako sigurado. Hahaha!
After ko magbihis, bumaba na ako. Isang natutulog na Christian ang naabutan ko. Siguro pagod sya. Dahil na rin siguro sa byahe at dun sa mga naging practice nila.
Umupo ako sa may space banda sa tapat ng tyan nya. Kawawa naman ang boyfriend ko. Haaaaay. Ewan ko pero napatingin ako sa labi nyang nakapout. Srsly? Nakapout talaga sya matulog? Baliw-baliwan? Pero ang cute nya. Parang gusto ko tuloy bawiin ang first kiss ko kanina.
Ha? Ano Anna? Pinagnanasaan mo na siya ngayon?
Hala! Ano ba to. Mali-mali! Ano ka ba, Anna! May paiyak-iyak ka pa kanina, huh? Tapos ngayon, gusto mong halikan yung tao. Baliw ka na, baliw!
Oo. Baliw na ata talaga ako dahil kinakausap ko ang sarili ko. At oo, baliw na ako dahil gusto ko syang halikan. Ano ba to. Bwiset! Maiwan na nga.
Tatayo na sana ako nung bigla nya akong niyakap. Waaaaaaaah! Ano ba to?! Tulog? Tulog-tulogan? Huehue. Ano ako tanday?! Kaso ang higpit talaga ng hawak nya sa akin. Panu na to? Magluluto pa ako ng hapunan namin. Tsss.
*Uyy. Christian...*
*Hmpppt* Aba, sumasagot ah. *Uyyy! Christian! Bitawan mo nga ako!* napadilat naman agad siya dahil siguro sa sobrang lakas ng boses ko. Ayaaaan!
*Anu ba yun?!* sabay kamot sa ulo.
*E niyayakap mo ko e. Tsssss.* inarapan ko naman sya. Umupo naman sya at nakaharap sakin.
*E bat ka ba nandyan? Akala ko unan e. Tekaaaa! Nagnanasa ka sakin noh?! Hahalikan mo ko noh?!* TEKA! Pano nya nalaman?
*Kapal mo ha! A-ano. Gi-gisingin dapat kita. Oo! Gigisingin kita! Ano bang iniisip mo?!* napayuko naman ako. Grabe! Feeling ko sasabog na yung mukha ko sa init. Swear! Siguro, kulay kamatis na ako ngayon. Huehue. Oh sofa, lamunin mo na ako.
Nilapitan nya ako at hinawakan sa baba, pinapalingon ako. Sumunod naman daw ako at nag eye-to-eye kami. *Talaga?* super cool nyang sabi habang nakatingin sakin. Bumaba yung tingin nya sa labi ko. Ako naman, binabantayan lang yung mata nya kung san aabot.
Palapit ng palapit yung mukha nya sakin. OMG! Eto na ba? Hahalikan na ba nya ako ulit? Waaaaaah! Yung puso ko. Lakas ng kabog. Ewan ko pero napalunok ako at biglang pumikit. Omg. Bat ganto ang katawan ko. Ginalaw nya yung ulo ko at tinilt. Nararamdaman ko na yung hininga nya sa tapat ng labi ko.