Strike 6

2.7K 95 21
                                    


Hi po :)

Dedic sa kanya kasi every update ko mukhang inaabangan niya. Pag pinopost ko sa group laging first liker e. Hahaha! :) Hi! Thank you sa pagbabasa at pagaabang! :) Sana mapasaya kita sa update na to. Hihi :* 

HER POV

*K-kuya.. A-ate.. Si Christian po. B-boyfriend ko.*


Nakatingin lang sila sakin. Si Ate Michelle, nakangiting ewan. Si Kuya, di ko malaman kung ano. Parang nadisappoint na ewan. Na parang anytime, kakalbuhin niya ako. 

Si Christian naman, relax na relax lang. Grabe! Di niya ba alam na pwede na kong mamatay ngayon? Huhu. Badtrip naman e!

*Kuya?* di pa rin kasi nagsasalita si Kuya. Kumakain na siya. Si Ate Michelle naman, may malungkot na ngiti sa akin. 

*Upo muna kayo. Kain na muna tayo.* Sabi ni Ate Mich. Syempre pinaupo pa ako ni Christian na ikinangiti pa ni Ate. Tumabi lang naman siya sakin. 

Ang tahi-tahimik. Huhu. Si Kuya, minsan napapatingin sakin tapos napapailing. Napapayuko nalang tuloy ako. Haaay. 

*Ilang taon ka na?* Nagulat kami nung biglang nagsalita si Kuya. Napatingin agad ako kay Christian na pasubo palang ng pagkain. Tinignan niya lang din ako at ngumiti. 

*18 po.* Ang galang ah? Tss. Hahaha!

*Ahh. Kailan mo pa nakilala yung kapatid ko?* Omg. This is it! Anung isasagot nya? 1 week? Dahil lang sa pustahan? Omg. Mayayari talaga ako neto. 

*Captain po kasi ako ng Baseball Team. At dahil nasa Softball Team naman po si Anna. Nagkakilala po kami.* 


Waaaaah! Pagbutihan mo pa Christian! 

*Ahh.* Tinignan ako ni Kuya sabay tingin niya kay Christian. *Di ka naman naikwento sakin ni Anna.* biglang sabi ni Kuya. 

*Ahh haha. Ganun po ba? Baka po natatakot lang siya. Hehe.* Wtf Damuho! Ang kapal mo. 

*Sabagay. Ano ka sa baseball team?* Biglang tanong ni Kuya. Baseball Player din kasi si Kuya nung college pa siya. Nainjured kaya tumigil na. 

*Pitcher po ako.* Proud na proud na sagot ni Christian. 

*Ahh. Ganun ba? Laro tayo minsan. Batter kasi ako noon e.* biglang sabi ni Kuya. Oh my gerd! Okay lang ba kay Kuya? Ano ba?! Hahaha!

*Tumigil na po kayo?* 

*Ahh. Oo. Sinadya ata nung pitcher na tamaan ako e.* cool na sabi ni Kuya. Bakit ganon? *Kaya ikaw. Wag kang sadyang mananakit ah. Makakasakit ka ng sobra dahil sayo nanggagaling ang bola.* Teka.. Double meaning, Kuya? 

GAME OVER [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon