HER POV
*Elena, anung ginagawa mo dito?* biglang kunot ng noo ni Christian.
At ang Elena na to, kung makasabit ng kamay sa boyfriend ko, akala mo necktie! Sarap pagbuhulin. Tsss.
*Wow. Di na ba ako welcome dito?*
*Di naman.* Tumingin sa direksyon ko si Christian. Tapos parang binigyan ako na look na Anung-ginagawa-mo-dyan?-Lumapit-ka-dito. Hinila naman nya ako patabi sa kanya at hinawakan nya yung kamay ko.
*May kasama ka pala?* Sabay tingin sa kamay namin ni Christian. At ang masama pa, tinignan ako mula ulo hanggang paa. E sya nga! Simula ulo mukhang paa! Badtrip.
*Oo. Girlfriend ko. Bebi, meet Elena. Good friend of mine.* Tumingin naman ako sa kanya. Nahuli ko naman syang nakatingin sa boyfriend ko. Lintek na linta to!
*Oh. Girlfriend.* parang ang bitch ng pagkakasabi nya. Ano bang problema nya? *Hi there, Bebi? Is that your name? Like srsly?*
*No. My name is Ana. Endearment lang sakin yun ni Christian. Right, bebi?* nakangiti naman akong tumingin kay Christian. Ngiti din ang pinansalubong nya sakin.
*Wow. May endearment ka na pala sa girlfriend mo ngayon.* Bigdeal ba yon? Tsss. *Dati kasi. He used to call me by my name lang e. Hehehe.* So? Ex pala sya. K.
*Bebi. I think we need to go?* Yaya ko kay Christian.
*Ahh. Oo. Uyy. Una na kami ha? Nagmamadali na rin kasi to e. Ingat ka nalang.*
*Ohh. Okay. See you nalang ulit. And Ana, glad to meet you.* sabay ngiti sa akin. Nginitian ko nalang din sya. Hinila ko na si Christian dahil baka kumapit kapit na naman tong linta na to.
OK. May ex pala sya. Tssss. E ano naman? Big deal ba yun? Badtrip.
Binatawan ko yung kamay ni Christian na ikinagulat naman nya. *Oh? Bakit?*
Hindi ako sumagot. Nauna na ko sa paglakad. Grabe. Ano bang meron sakin? Tsss. Ana? Wala pa, okay. Bat ka nagseselos? Teka. Selos ba to. Pero. Ugh.
*Ana?* Nilingon ko naman sya. *Ano?* Ano ba to. Ana? Ano? HAHAHAHA!
*Halika dito.* Tinaas ko naman yung kilay ko. Anong trip nya? Tsss.
*Kung di ka lalapit, akong lalapit sayo.* Bumaba naman sya agad at pumwesto sa harapan ko.
Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko. Waaaaah! Ang inet. *Selos ka noh?* Tapos nginitian ako. Alangya! Ang gwapo. Bwiset!