Dedicated sa kanya kasi naamazed din ako sa comment nya. Hi te! Thank you sa compliment <3 Sana maenjoy mo ang update kong to.
At sa mga readers neto, SORRY po dahil Finals Week nung nakaraan. At dahil sembreak na, baka araw-arawin ko na. Namiss ko kayo! :)
HER POV
Nakatulog pala ako. On the way na kami ni Christian pauwi sa bahay. Nagtaxi na nga kami dahil ayaw nyang mahassle. Kaso parang iba na yung way na dinadaanan namin at hindi papuntang bahay.
*Uy.. Bebi san tayo pupunta?* itinaas ko yung ulo kong nakasandal sa balikat nya na ikinagulat naman nya.
*Daan lang tayo bahay. Kukunin ko kotse. Tulog ka muna malayo pa.* Ayoko na rin namang magtanong pa. Inaantok ako at kumportableng-kumportable ako sa kinahihigaan ng ulo ko. Hahahaha!
Kaso bat parang ayoko na matulog? Nakapikit lang ako. Maya-maya lang naramdaman kong hinawakan ni Christian ang kamay ko. Shet. Kinikilig ako. Huehue.
Binuka ko na mata ko at nakatingin lang sa kamay naming dalawa. Grabe.. Posible kaya na mainlove ang lalaki na to sakin? Aaminin ko na, gwapong-gwapo na ako sa kanya. Kung ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya na inlove na inlove dahil lang sa mukha nya at sa galing nya maglaro, ay maswerte na kapag nginitian ng lalaking to.. Hindi ko siguro alam kung gaano ako kaswerte sa tuwing hinahawakan nya ang kamay ko, nginingitian nya ako, sa tuwing tinatawag nya ako ng Bebi, yung mga I Like You nya sa text, yung pagiging gentleman nya at yung sobrang pag-aalala nya sa akin. Ako nga sobrang nagulat na boyfriend ko sya eh. Sobrang swerte ko nga siguro noh? Boyfriend ko ang pinapangarap ng lahat ng babae sa school.
Kung di pa kami nahuhulog sa isat isa e kinikilig na ako, paano pa kaya kung totohanan na?
*Anung iniisip mo?* biglang tanong nya sakin.
*Iniisip ko lang kung gaano ako kaswerte dahil boyfriend kita.* naguluhan siya saglit pero ngumiti rin.
*Lugi ka siguro noh? Ang gwapo-gwapo mo at ang daming nagkakagusto sayo. Tapos ako eto, simpleng maganda lang.* sabay pacute ko pa.
*Ako? Lugi? Hu. Di mo lang alam na halos lahat sa team ay gusto ka. Baka isang pagkakamali ko lang, may sumalo agad sayo.* Ha? Seryoso sya?
*Bat mo ba tinatanong? Basta maswerte ako.* sabay pisil nya sa ilong ko. *Manong, para sa tabi.*
Nasa tapat kami ng isang malaki at napakagandang condo. Ohmygosh. Dito sya nakatira? Seryoso?
Nagbayad na siya at nauna siyang bumaba, pagbubuksan pa daw nya ako.
*Dito? Grabe. Wagas yang condo unit mo ah.*
Nginitian nya lang ako.. Bwiset ang gwapo! Badtrip. Hahahahaha!