HAPPY 2K READS! MWAH :*
Dedicated sa kanya kaya sabi niya e. :) Hahaha! Hi Anne! Thank You sa pagbabasa. :) Mwah mwah tsup tsup!
HER POV
A week after...
*Uy kasi Christian. Wag ka na magtampo. Ano ba naman yan e.*
Nandito kami sa may mall ngayon.. At etong si damuho, nagtatampo. Ayaw ako pansinin. Sya ang nagyaya dyan tapos, di niya ko bigla papansinin. Niyaya niya kasi ako ngayong Saturday since weekend naman. Next week kasi wala ang Baseball Team e. May laban sila. Di niya daw alam kung gaano sila katagal dun.
*Wala ka na nga next week, di mo pa ko papansinin? Ano? Uuwi na ako.* Pag nalaman niyo lang talaga kung bakit nagtatampo siya, maiinis kayo sa sobrang babaw ng dahilan niya.
At di pa rin niya ako pinansin. Tae naman e. Di lang siya yung pwedeng mainis ha. Ugh. Bahala nga siya.
*Una na nga ako. Sayang lang oras ko sayo e.* tinanggal ko na ang pagkakakawit ng kamay ko sa braso niya. Naiinis na kasi ako. Alam niyo yun? Niyaya ka tapos di ka papansinin dahil lang sa suot mo? Ano bang mali sa short? Nakakainis. Sayang yung oras e.
*Isa. Pag nakalayo ka sakin ng isang metro bibilhan kita ng pantalon dyan.* Napatigil ako sa paglalakad ko. Wala pang isang metro okay? Haha
Nilingon niya ko. Uwaaa. Bat ba? Bat ba ang gwapo ng boyfriend-kuno ko?! Hahaha! Oo alam ko 1 week palang. Di pa ako inlove sa kanya noh! Kumportable lang akong kasama siya. Sa isang linggo naman na yun.. Mukhang ayos naman.
Hinila niya ako pabalik sa tabi niya. *E ano ba kasing problema sa short ko ha? Di naman ganun kaiksi ah.*
*Tsss. Anong di ganun kaiksi. Tss. Parang isang inch nalang, parang nakapanty ka nalang e. Tsa---- Aray ko! Ano ba?! Bat ka ba nananakit dyan?!* Putek talaga to e. Tama ba namang sabihin yon? Nasa mall kami. Public place. Wtf siya.
*Bunganga mo nga! Nakakahiya.* sabi ko at inirapan siya.
*Totoo naman ah? Lalaki ako kaya alam ko yan. Mamaya andami nang tititig sayo na parang hinuhubaran ka na kung makatitig. At tsaka.. Basta. Kahit alam ko namang sexy ka, di ka naman na pwedeng mag ganyan ganyan na suot.* Ano daw? Sexy daw ako? Pasimple pa. Hihi.
*Alam ko naman yun e. Sorry na. Sadyang kumportable lang talaga ako sa ganto. Please?*
*Oo na. Oo na. Lika na nga. Sulitin natin to dahil halos isang linggo akong mawawala.* sabi niya at nagsimula na kaming maglibot.
Nagtataka ba kayo? Parang ang close na agad namin noh? Ewan ko nga rin e. Mabait pala siya kahit mukha siyang arogante. Yun nga lang.. Lagi nyang pinagmamayabang yung kagwapuhan niya na totoo naman. Hahaha! Masyado siyang protective. Lagi niya akong hinahatid sa bahay. Pero syempre hanggang labas lang siya. Di ko pa kasi sinasabi kay Kuya e. Baka malagot lang ako dun.
Yung parents ko wala sa bahay. Nasa province. Ewan ko, mas gusto daw nila dun. Kaya eto, si Kuya ang kasama ko sa bahay.
*Oy ikaw. Behave ka pag wala ako ah. Kutos ka talaga sakin.* bigla nalang nagsalita tong nasa tabi ko.
Nandito kami ngayon sa Department Store. Bibili nga raw kasi siya ng mga gamit para dun sa magiging laro nila.
*Oo na. San nga kayo?* tanong ko.
*Sa Bicol lang naman. Dun daw kasi gaganapin Regionals e.*
*Ahhh. Ingat ka dun ah. Magtext ka lang.* sagot ko. Naglalaro kasi ako ng Candy Crush e. Hahahaha.