To love is short, to forget is long.
May panahon na kahit naka-move on ka na, kahit matagal na matagal na yun, bigla parin na parang bumabalik lahat nung sakit na naranasan mo sa kanya.
Na bigla nalang magfa-flashback ulit lahat ng memories niyo na pilit mong ibinaon sa limot dati. Na patuloy siyang magpe-play sa utak mo kahit gusto mo man itong patigilin.
Simula sa paano kayo nagkakilala, nagkagustuhan, nagkaligawan, naging official, yung mga special moments, yung kilig moments, yung surprises, mapapangiti ka pa nga.
Pero hanggang sa mag-flashback na yung nagsimula kang masaktan. Umiyak. Nagsorry. Nagpatawad. Umulit. Umiyak nanaman. At paikot-ikot lang.
Na para bang kahapon mo lang naranasan yun lahat. Na parang ngayon ka pa lang ulit magsisimulang lumimot.
May ganun pala talaga.
Na sa isang iglap lang, parang lahat ng pinaghirapan mo, mawawala ng parang bula.
"Kupal. Stop frowning. Hindi bagay, lalo kang nagmumukhang kupal."
Kasama ko pa ngapala tong epal na to. Kanina ko pa nakakalimutan. Masyado kasi akong preoccupied ng paglitaw bigla ng presence ni Ken.
"Epal ka talaga e no. Hindi ako nakasimangot! Ganito talaga mukha ko! Tse."
"Hindi ah, maganda ka kaya. Iba ka sa lahat. Yung ganda mo, yung tipong ikaw lang yung meron niyan. Ngiti ka na, wag ka na paapekto dun sa siraulong yun."
Whoa. Maganda daw ako. :""'>
Aba aba aba!
"Sabi na nga ba crush mo k--"
"Kapag nakangiti lang. E kaso lagi kang nakasimangot na, so ibig sabihin panget ka. Yung ganda mo e ikaw lang ang may taglay, kasi parang password yang ganda mo. Ikaw lang nakakaalam. Ampanget mo."
At straightfaced niya pang sinabi.yun! Bwisit talaga tong epal na to!!!!
"Gagu. Minsan ka na nga lang magsalita ng mahaba puro panlalait naman! Bwisit ka! Pareho kayo! Nakakabwisit! Magsama nalang kayo ng ex kong magaling!"
Nagmamadali akong umalis. Nakakainis kasi tong epal na to. OK na eh. Ang ganda ko daw e. Sabay bawi pa. Tapos sinabihan pa akong panget, at in my face pa talaga! Leche ha! Pagkagwapo niya ha!
Pero gwapo naman talaga siya. Pero kahit na! Anubayan! Epal talaga kahit kelan. Basta bwisit sya!
"Ashley Beatrice Cassandra Dion Espino, hintayin mo ako."
What.
It was more like an order, than a please. Napatigil ako. Tinawag ba naman ako sa whole name ko? Wtf. Ang alam ko yung ABC lang pakilala ko sa kanya ah?
Hinintay ko sya, pero hindi ako nalingon. Tumigil lang ako. Hinihintay kong lumampas siya ng lakad sa akin para hudyat na maglalakad na uli ako.
But I was dumbfounded when he hugged me from the back and whispered:
"Hinding hindi kami magsasama ng ex mo. Una dahil hindi kami pareho, ibahin mo ako sa kanya. Pangalawa, sinaktan ka niya ng paulit-ulit pero ako, hindi ko man maipapangako na hindi kita sasaktan kailanman, gagawin ko naman ang lahat para hindi ka masaktan. Pangatlo, mas pogi ako. Pangapat, kupal ka, epal ako, bagay tayo. At panglima, hindi kami magsasama dahil tayong dalawa ang magsasama."
Shet.
BINABASA MO ANG
Ayoko na! Joke. (Slow Update)
Teen FictionSi Ashley ay isang normal na babae (normal nga ba?) na may pagkaabnormal minsan, siguro sabihin narin nating lagi. Seventeen, 2nd year college. Hindi siya mayaman, hindi rin naman hikahos sa buhay. Masyado siyang maraming pinagdaanang pasakit sa buh...