Chapter 12

103 2 4
                                    

[ A/N ]

Masyado akong bangag these days, kakanuod ng movies and kakabasa ng stories dito sa Watty. *U* You know what? Lahat ng binabasa ko hindi pa tapos, at sabay-sabay ko silang binabasa at parang napapraning na yata ako sa paghahalo-halo ng pangalan ng characters sa bawat story sa utak ko. Haha!

Anyways, sorry ngaoyn lang ang update. I'm tryinng my best. And I'm enjoying this. Alabet. Hahahaha! Salamat sa mga bumabasa netong aking mumunting pianghihirapan. Yey!

*HUUUUUGS!*

Here's the update, vote, comment and enjoy! ;)

----

 Princess' POV

Ang mahal ko.

Ang mahal kong palaging nakatingin sa iba.

Palaging ang atensyon ay nasa iba.

Palaging nakatitig sa iba.

Palaging nakabantay sa iba.

Palaging updated sa iba.

Paano naman ako?

Ako naman yung palaging andito para sa kanya.

Bakit ba ang unfair ng buhay. Nagmahal lang naman ako, pero sa bagay nagmahal lang rin naman siya. At yung taong minamahal niya, nagmahal rin lang naman ng iba.

Parang tanga. Parang food web yung buhay pag-ibig namin. Napakagara.

Pero andito lang naman ako eh.

Kailan mo kaya ako mapapansin?

Kailan mo kaya ako pagtutuunan ng atensiyon mo?

Balang araw, balang araw.

 "So, an obligation is required to ----"

*Heeeeey! Sexy leydeeeeeeeeeh~!*

"Okay, class dismissed."

Nag-alarm na phone ni ma'am, it means time na.

"Ashley, si Kyo daw hina----"

"Alis muna ako! Byeeeeeeeee~" -Ashley

Hay Ashley, bakit?

Ashley's POV

What? Mahal ako ni Kent? All this time? All this time?! All this time na nagpakatanga ako na i-ignore yung feelings ko para sa kanya at kimkimin sa pag-iisip na hanggang 'bestfriends' lang talaga kami na wala naman palang katotohanan na kung sana ay ipinaglaban ko from the start e di sana hindi ko naranasan lahat ng sakit na naranasan ko noon kay Ken. Bakit ganon? Bakit ang unfair?

Bakit siya? Bakit hindi rin siya lumaban?

Ano yun? Nag-iintayan lang pala kami all the time na may isang umamin sa aming dalawa. Meron nga ngayon kaso parang it's too late. Nasaktan na ako, sa maling tao. Nasaktan nanaman ako ngayon sa maling tao. Na hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan dahil wala namang opisyal na meron sa aming dalawa. Pero bakit?!

Hindi na ako makapag-isip ng matino dahil pilit kong pinagdudugtong ang pagkakamali ng bawat senaryo ng mapait kong kahapon maging ang masalimuot kong ngayon.

Tumango lang ako kay Kent. Niyakap ko siya, ng mas mahigpit.

"Kent. Keypsii..."

Yun lang ang nasabi ko at patuloy na humihikbi.

Kailangan ko siya. Kailangan ko siya ngayon. Hindi naman siguro ako mahihirapan diba? Minsan na akong nahulog noon, hindi na imposibleng mahulog pa muli ako ngayon. Lalo't alam ko na sasaluhin niya ako.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakaupo sa upuan ko sa loob ng classroom.

Masyado akong lutang ngayong araw na to, sambulatin ba anman ako ng ganun ke aga-aga. Sinong di matatanga eh? Hay, pagkabreak, pupunta nalang ako sa paborito kong tambayan.

Sa likod ng school.

Tama, at least makakapagrelax ako dun.

Tama relax.

Ay nako, makapagrelax nga ba? Baka mamaya may umepal nanaman sa akin don.

Epal...

Epal.

Epal?

Epal!

Binggo! Tama, baka sakali makita ko si Epal dun! ^__________^

*tik tok tik tok tik tok*

"So, an obligation is required to ----"

*Heeeeey! Sexy leydeeeeeeeeeh~!*

"Okay, class dismissed."

Nag-alarm na yung phone ni ma'am. Yes! Break time! Pupunta na ako dun!

"Ashley, si Kyo daw hina----" -Princess

"Alis muna ako! Byeeeeeeeee~"

Hindi ko naintindihan masiyado yung sinabi ni Princess. Ah basta.

Nagtutumakbo ako papuntang likod ng school. Gusto ko siyang makita, oo na inaamin ko na. Gusto ko siyang makita. Hindi ko nga alam kung bakit eh.

Andito na ako, umupo ulit ako sa likod ng puno. Gaya ng nakagawian ko dati. Dito ko siya huling nakita, kaya malakas ang kutob kong makikita ko siyang ulit dito. Nasan ka na ba Epal? Kailangan kita ngayon. Sana nandito ka talaga ngayon.

Sana makapagpagaan ako ng loob kasama ka, gaya dati.

Ewan ko, iba yung feeling ko eh. Magaan yung loob ko sa kanya. ^_____^ Weird, kahit na thrice ko palang siya nakaka-encounter at panay ka-epalan pa yun, hinahanap-hanap ko ngayon yung presence niya, ngayong lonely ako.

Tagal naman ni Epal. Tsh.

*chhh chhh chhh*

(A/N: Tunog yan ng may naglalakad sa damo! HAHAHAHAHAHA)

May kumaluskos! Papunta dito! Andito na! Yaaaaaay! Nagmamadali akong tumayo.

"Hoy epal! Kanina pa kita inaantay alam mo yon?! Grabe alam mo magkekwento ulit ako sayo! Hahahaha, kahit na sinasabihan mo ako ng kung anu-anong kaepalan, basta kailangan ko lang magkwento. Ano kasi epal---"

"..."

O________O

 ---------

[ A/N ]

Oo alam ko, salamat sa akin. Salamat sa pambibitin ko. Walang anuman guys. HAHAHAHAHAHAHAHAHAH. Missing in action na muna si Kyo babeh <3 Hahahahahahaha.

Ang ikli ng UD. Sorry >________< Hahaba rin to kapag nagkakabonggahan na ang mga characters!

Go, fight! Til next UD :*

-Tam

Ayoko na! Joke. (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon