Shet.
"Tapusin mo na yang kilig mo. Uwi na tayo."
Ay leche talaga tong epal na to eh. Pero, kinikilig talaga ako *____*
"Sus, epal."
Pero nakangiti pa rin ako. Actually parehas kaming nakangiti. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan. Ay ngayon lang yata siya ngumiti? Kadalasan poker-faced sya eh. Ang gwapo pala nya. Ngayon ko lang sya natitigan ng ganito.
Long eyelashes. Light brown eyes. Saktong kilay. Saktong ilong. Masungit na aura pero ang lakas ng dating. Ampogi pala ng siraulong to? Aba.
"Like what you're seeing?"
"Kapal mo talaga epal."
At inihatid na nya ako sa amin.
-----
Nagising ako ng maramdaman ko yung kaunting dampi ng sikat ng araw sa balat ko. Sino bang nag-hawi ng kurtina ko, bwisit naman. Kinusot ko pa yung mata ko habang unti-unting nare-realize na may tao sa pintuan ng kwarto ko.
Syempre nagulat ako. Syempre.
Pero hindi ako nakareact sa sobrang antok ko, bangag na bangag pa ako. Napuyat ako kagabi sa sobrang kilig ko. Napangiti ako ng maalala ko. Hay.
Tinignan ko yung orasan, 6:00AM. Maaga pa. 10:00AM ang first class ko ngayon. Hinawi ko ulit pasara yung kurtina para di ako masikatan. Tumalikod na ako mula sa pinto, at pumikit na ulit para matulog.
Makakatulog na sana ako ng may magsalita.
"At talagang hindi mo ako papansinin at matutulog ka nalang ulit dyan? Ganyan ka na talaga ngayon ha?"
O_____O
------
"Ano bang ginagawa mo dito ha?! Punyetang to!"
"Masama na bumisita? Masama? Masama?! Ganyan ka ha!"
Bwisit to. Gulat na gulat ako, muntik na akong atakihin sa puso sa gulat eh!
Buset to si Keypsi, nagulat ako. Akala ko may kung sino na eh.
Oo si Keypsi yung nasa loob ng kwarto ko. Oo, may susi siya ng tinutuluyan ko. Oo na, oo na. Ganun kami ka-close eh. Saka may isa pang dahilan.
*flashback*
Haaaay, ang sarap matulog. May nagtext kaya sakin?
*unlocks phone*
50 messages
99 missed calls
"What the, sino naman to? Shet! Kay Keypsi lahat galing! Teka, Shet 7:30 na! At shet ulit! Late na ako! Hala shet talaga. Isa pa ulit, shet!"
(Pagdating sa school)
Hinanap ko kaagad si Keypsi, at nakatingin siya sakin ngayon. Shet, galit yata.
"Keypsi! Sorry sorry sorry. :( Sorry talaga. Napasarap kasi ang tulog ko. Huhu, sorry na."
Hinablot niya yung bag ko at nagkakakalkal at biglang tumakbo.
*end of flashback*
At anong ginawa niya? Kinuha niya pala yung susi ko sa bag ko at pinaduplicate. Para daw next time na tulog pa ako ng dumating siya, bubulabugin niya ako. Para siguradong hindi kami late parehas. Hays.
"Eh kasi naman nakatayo ka dyan na parang timang! Saka inaantok pa ako kaya di na kita napansin agad kanina. Ba yan!"
"Eh siyempre pinagmamasdan kita matulog eh! Ang cute mo kase!"
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Ang cute mo kase!
Kinikilig nanaman ako, ang aga-aga. Patay na, ang landi-landi ko.
BINABASA MO ANG
Ayoko na! Joke. (Slow Update)
Teen FictionSi Ashley ay isang normal na babae (normal nga ba?) na may pagkaabnormal minsan, siguro sabihin narin nating lagi. Seventeen, 2nd year college. Hindi siya mayaman, hindi rin naman hikahos sa buhay. Masyado siyang maraming pinagdaanang pasakit sa buh...