Ashley's POV
"Hoy epal! Kanina pa kita inaantay alam mo yon?! Grabe alam mo magkekwento ulit ako sayo! Hahahaha, kahit na sinasabihan mo ako ng kung anu-anong kaepalan, basta kailangan ko lang magkwento. Ano kasi epal---"
"..."
O________O
"Sabi na nga ba't andito ka Ley eh."
"Keypsi."
Si Keypsi pala yung dumating, akala ko naman si Toshiro-slash-epal. Hayyyy.
Teka nga bakit ba ako nanghihinayang? Andito naman si keypsi my bestfriend eh! Pero my bestfriend pa nga ba?
>///////////<
Naalala ko yung mga sinabi niya kanina. Tapos ako naman yakap queen pa. Tsh. >///////<
"Oh bakit ka namumula diyan Ley? May sakit ka ba? O_O"
"W-wala ah! Hehe. Paano mo ako naisip na andito ako?"
"Eh dito kita nakita noon nung hinahabol kita eh, napuntahan ko na lahat wala ka talaga. Kaya bigla ko tong naalala. Sabagay peaceful dito ano?"
Ah oo ngapala.
Dito ako nagpunta nung nabadtrip ako kay Kyo.
Kyo nanaman. Nanaman, nanaman.
"Ah."
"Gala tayo after class?"
"Talaga? Sige! Saan naman?"
"Kahit saan lang, saan mo ba gusto?"
"Mmm, wala ako maisip eh."
"Sige basta dun sa maaaliw ka."
"Hoy baka naman club yan ha!?"
"Hindi ah, utak mo Ley! Nahawa ka na ba sa ka-hyperan ng Kyo na yun? HAHAHAHA"
Kyo nanaman.
"A-ah, h-hindi ah."
Natahimik kaming dalawa. Siguro napansin niya ring ilang na ako nung narinig ko yung pangalan ni Kyo. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako nababadtrip eh hindi naman niya ako girlfriend. Sabay lang kaming pumapasok, that's all. That's all, pero sa akin hindi. Kasi may nabuo ng damdamin para sa kanya sa ilang buwan naming pagsabay pumasok at magkwentuhan sa daan. Para bang may nabuong fondness.
Hay.
"Tara. Magkaklase na."
Niyaya na ko ni Keypsi bumalik sa klase, tinulungan niya ako tumayo. Wala kaming imikan habang pabalik ng classroom.
Maya-maya uwian na.
Yes! Gagala kami ni Keypsi. <3 Matagal-tagal narin kaming di nakapag-bonding kasi nga diba busy na siya sa club activities niya since lumipat siya rito. Tapos pag di naman siya busy at magsasabay kaming uuwi, bigla namang di matutuloy dahil kay Kyo.
Kyo. Nu ba yan! Kyo parin?!
No Kyo muna for the rest of the day, okay Ashley? Okay?
Okay fine.
"Tara?"
At nag-flash ang ngiti ng Keypsi kong ubod ng pogi na dinaig pa flash ng spotlight sa MOA Concert Grounds. Uh, kasilaw. Kapogi. Ka-hot. Ka-- okay tama na pantasya.
"Saan tayo punta Keypsi?"
"Secret :P"
"At may pasecret-secret ka pa ngayon? Umpugin ko ulo mo e. Hahaha!"
BINABASA MO ANG
Ayoko na! Joke. (Slow Update)
Teen FictionSi Ashley ay isang normal na babae (normal nga ba?) na may pagkaabnormal minsan, siguro sabihin narin nating lagi. Seventeen, 2nd year college. Hindi siya mayaman, hindi rin naman hikahos sa buhay. Masyado siyang maraming pinagdaanang pasakit sa buh...