A/N:
Hi. Hindi ko nilalagyan ng title yung bawat chapter para wala kayong idea sa mangyayari. HAHAHAHAHAHAHA. Okay baka lang kasi maisip niyo bakit walang title. Sorry damot ko. Hahahahaha.
Tapos ano, ngayon lang ako nkapag-update. :( Kasi naman... :(
Kasi naman..... wala pa akong maisip na i-update. Hahahahaha! Ayon, sorry guys. salamat sa inyong mga nagbabasa nito. I love you :* Vote, fan and comment :D
PS/ Expect the unexpected.
------------------------
Ashley's POV
O___________________O
Gwapo!
Tapos napatingin ako sa bike na sinasakyan niya na may styro sa likod.
Tindero ng pandesal?
Pero ang gwapo!
Pero wait! Bakit ba ang epal nito ha? Epal... Teka, epal? Tama siya nga yung epal! Aba't lagi nalang siyang epal ha? Pero bakit ba to nang-eepal this time?
May tinuro siya.
O__________________O
"Gisingin mo na yun. Kawawa naman. Ang sadista mo siguro. Kinawawa mo yun no?" -Epal
"Hoy anong pinagsasa----"
Hindi ko na naituloy kasi nag-bike na siya at pinindot na niya ang putput. Yung tumutunog sa mga pandesal? Yung *put-put-put-put*.
Nilapitan ko na, yung natutulog sa may basurahan. Jusme, bakit ba to nandito. Napangiti ako. Lahat ng inis ko, naglahong parang bula.
"Kyo. Gising na Kyo."
"Askaldjlkajflalg."
Ano daw?
"Huy *poke poke*"
"Akin ka lang!"
Tapos hinatak niya ako saka niyakap. Niyakap niya ako, hahaha. Mukang tanga. Niyakap niya ako. Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!
NIYAKAP NIYA AKO. NIYAKAP NIYA AKOOOOOOOOOOOO! AT SABI NIYA KANYA LANG AKO! SHIT SHIT SHIT. O__________________O
Unti-unti niyang minulat ang mata niya na parang sanggol. At unti-unti ring nanlaki ang mga mata niyang wala ng ilalaki pero pilit na nagmamalaki nang marealize niya yung pwesto namin.
"Um, good morning? Hehe."
Bati ko. Napatayo agad siya at bumitaw sa akin.
"Nako sorry Ashley! Hinarass ba kita?! Tell me! Pananagutan kita--- este sorry talaga! Nananaginip kasi ako eh. Sorry!"
Sorry siya ng sorry. Nagsmile lang ako.
"Wala yun, tara na?"
Tumango siya. Sabay kaming naglakad.
Sobrang good vibes ako ngayon. Akala ko makakalimutan niya yung kagabi e. Akala ko talaga wala siya. Akala ko. Hay. Atleast maling akala. Dati kasi, nag-aakala ako pero lagi kong isinasantabi, yun pala... Totoo yung mga akala at hinala ko. Kung kailan naman ako natutong wag magpaka-boba, saka naman ako nagkamali sa mga hinala ko. Hay. Pero masaya talaga ako.
Napatitig ako kay Kyo. Nakangiti siya, hindi ba nangangalay ngumiti ang taong ito? Sabagay, parang matik na yung smile niya na nakangiti e. Napatingin ako sa may eyes niya. Kahinta-hintakot na itim at eyebags ang nakikita ko ngayon, ano to puyat? Baka nga hindi lang puyat, baka wala talagang tulog to.
"Anyare?"
"Ha?"
"Anyare sa mata mo. Puyat ka?"
"Hindi ah! Hindi! Ano kasi, ano. Ay oo! Puyat pala ako! Hahahaha! Naggawa kasi ako ng assignment eh. Hahaha! T-tama! Tama tama! Gumawa ako ng assignment!"
Parang sarili niya pa yung kinukumbinse niya na gumawa siya ng assignment. Adik lang? Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sumakay na kami.
Nang makarating kami sa school, ayan na. Ayan na ang mga mata mapanlait, matang mapangmata (HA?), mga matang kung nagiging sandata lang e nagkalasog-lasog na siguro ako ano?
"Sige, mauna na ako sa room."
"Sige, see you later Ash."
Nauna na ako. At tumakbo ako, literally. Baka kasi kapag rumampa pa ako bigla nalang akong masabunutan dito. Paano ba naman isang Kyo Nakamura makakasabay pumasok ng isang Ashley Beatrice Cassa---- Ashley na nga lang.
Nilapag ko na yung gamit ko, at umupo. Hay. <3
"Don't tell me inlove ka na niyan?"
"Ha? Sinong inlove? Uupakan ko! Hindi ako inlove no. Nagaalala lang siya sa akin. Tapos na-aappreciate ko lang siya. Tama, naaappreciate ko lang yung kabaitan niya. Tama. Saka hindi na ako maiinlove. Ayoko na magmahal no. Ayoko na!"
Derederetsang nagsalita ang bibig ko, saka ko lang narealize kung sino ba tong kausap ko. Teka sino nga ba to. Tumingin ako sa likod ko at nanlaki yung mata ko. As in nanlaki.
O____________________O
Nagiging hobby ko na yata ang manlaki ang mata ngayon e! Anong ginagawa niya rito!?
"Hi Cassey. Namiss kita."
Gago.
---------------------
A/N: Hi, sorry sa mga foul words. Pero yun kasi yung character ni Ashley e. Diba dinescribe ko naman siya nung chapter one. Hahahahahahaha. Pero hindi ko naman dadalasan yung mabibigat na foul words so... Ayun! Hehehe.
BINABASA MO ANG
Ayoko na! Joke. (Slow Update)
Teen FictionSi Ashley ay isang normal na babae (normal nga ba?) na may pagkaabnormal minsan, siguro sabihin narin nating lagi. Seventeen, 2nd year college. Hindi siya mayaman, hindi rin naman hikahos sa buhay. Masyado siyang maraming pinagdaanang pasakit sa buh...