Prologue

327K 3.5K 357
                                    

This novel is the first story that I ever wrote on Wattpad, and I was turning 12 at the time, around July 2013. Therefore, it's prone to errors and a faulty plotline. So if you do not like that, you can check out my other works instead because they have clearer and better-constructed storylines. The screenshots of my stories are indicated after this chapter

Thank you so much for reading.

- Chris Oca (jmaginary)

****

"Weak!" nagkikiskisan ang mga ngipin ko sa mga sinasabi ng Dad ko sa'kin. For pete's sake! I am not a weak kid! Dammit! Pinaikot ko ang arnis ko sa kamay ko at sinalubong ulit ang tindig niya. Naglapat ulit ang mga arnis namin pero sa huli, natutumba na naman ako sa sahig at nabibitawan ang arnis na hawak ko habang ang arnis ni Dad ay nakatutok sa leeg ko.

"If only this battle is true, you're dead right now." Saad niya. Umirap ako.

"I know." Tugon ko gamit ang obvious na tono. Suminghal siya.

"Don't roll your eyes on me, kid." Saad niya at tinulungan akong tumayo. Tsk. Pinagpagan ko nalang ang damit ko at nakipagtitigan sa mga kulay kape niyang mga mata. My normal eyes are looked like him but my another set of eyes are not.

"Let's do it again, kid. You should learn how to defeat me in this battle range." Saad niya at tinaas na naman ang arnis na hawak niya. Bumuntong hininga ako at nagsimula na naman kaming maglaban.

Palagi nalang ganito. Palagi ko nalang binubuhos ang oras ko sa pag-eensayo at pag-aaral humawak ng mga armas kahit na hindi 'to tugma sa idad ko. I'm a nine-year-old girl but then, I'm already expert to wield any weapons.

Malayo. Malayong-malayo sa mga normal na mga bata na makikita mo sa tabi-tabi na naglalaro at ine-enjoy ang mga sarili nila. I find it lame though. Enjoying those shits like Ferris wheel, carousels or what. That's their playground, the amusement park. Mine is different, my playground is the battlefield.

"Yui and Miwa, go in here and fight with this kid." Saad ni Dad habang dinuduro pa ako. Ang dalawang batang nakaupo malapit sa amin ay biglang tumayo at lumapit. So, they're the orphans? Sila 'yung inampon ni Dad at Mom?

Ang isa, medyo shy-type at girly-girly pero 'yung isa parang kabaliktaran. Masyadong boyish 'yung isa at walang ekspresyon ang mukha niya. May hawak na agad silang arnis nung tinawag sila ni Dad. Umalis si Dad sa harapan ko at pumalit 'yung dalawang bata. Tumindig sila at naghanda.

Batay sa nakikita ko, tinuruan na agad sila ni Dad ng tamang paggamit ng arnis dahil sa paraan na hinawakan nila ang arnis, parang eskperto na sila. Hinanda ko narin ang akin at sinugod silang dalawa.

Isa lang ang hawak kong arnis pero nakakasabay ako sa mga galaw nilang dalawa. Pagdating sa arnis, bawal ang maniko, ang manuhod o kung ano man. Kailangan, palo, sipa, suntok. Ganu'n lang. Oo, magaling silang humawak ng arnis pero masyado pa silang mabagal.

Pinaikot ko ang arnis sa kamay ko at pinalo ang braso ni Miwa. Hindi niya 'yun inaasahan at nabitawan niya ang arnis na hawak niya. Defense, mahina sila sa depensa. Napatingin naman ako kay Yui nang bigla siyang tumigil at napatingin kay Miwa. Kinuha ko ang arnis na nabitawan ni Miwa at pinaikot ito sa kaliwa kong kamay na walang hawak.

Tumaas ang kilay ko nang umiling-iling si Miwa kay Yui pero iniwas lang ni Yui ang tingin niya. Bakas sa mga mata niya ang pagbabago ng sistema niya. Kung kanina, walang reaksyon ang mukha niya, ngayon bakas na sa mga mata niya ang galit.

"Kono yarou. (You bastard.) " saad niya at sinugod agad ako. Kapansin-pansin ang pagbabago sa mga galaw niya. Mas naging mabalis at mas naging pulido. Hindi ko alam pero sa una, parang nahirapan akong makipagsabayan sa kaniya pero sa huli, nasa akin parin ang huling halakhak. Tinutok ko ang mga arnis sa leeg ng dalawa.

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon