Chapter 11.3 - First Kiss.

48.3K 773 18
                                    

Ai-chan's Note: 

Kumiko Yamaguchi on the side!

Click the external Link for the Official Page of Daredevil Gangsters. Who wants to be an admin?

Enjoy Reading Dardevils! #TeamHaiCo

___________

HAIBARA'S POV

Anong isasagot ko? Pwede kong sabihin na hindi pero paano kung alam niyang kilala ko Tito niya? Paano na ito?

Nagising ako sa reyalidad nang hinalikan niya ako. Tila ba na-estatwa na naman ako sa aking pwesto at 'di manlang magawa siyang itulak. What's happening to me? Napapikit nalang din ako at nakisabay sa kaniya. 

Hindi nagtagal ay tumigil na kami sa paghahalikan at tumingin sa mata ng isa't-isa. Napakurap ako nang bigla siyang ngumiti at duon lang ako natauhan.

"F-first kiss ko 'yun!" bulalas ko.

"Cute." saad niya at pinisil ang dalawa kong pisngi.

"Shakit." daing ko. Inalis naman niya ang kamay niya sa mukha ko. Sinapo ko ang magkabila kong pisngi at tumingin sa kaniya. Seryoso na siya ngayon at parang tumiklop na naman ang dila ko. 

''Now, answer me Ai-kun. Do you know mytTito Clyde Villafuerte?''tanong niya sa'kin. Napalunok ako at hindi ko pinahalata ang pagpa-panick ko.

"Oo." tugon ko. Napakunot ang noo niya.

"Paano mo siya nakilala?" tanong sa akin ni Cy-kun. Pursigido talaga siyang malaman. Huminga ako ng malalim at binuka ang bibig ko.

"Simple. Dahil isa siya sa ka-business partner ng Dad at Mom ko." tugon ko sa kaniya. Tumingin ako direkta sa mga mata niya kahit gusto ko ang umiwas ng tingin. 


Ngumiti siya.

"Sinasabi ko na nga ba at walang kang kinalaman duon.saad niya at inakbayan ako.

Dumaan kami sa pasilyo at malaya kaming nakikita ng madla ngunit wala kaming pakielam. Wala manlang sila magawa. Nakaakbay parin siya sa akin hanggang sa room namin. Nang pumasok kami ay napatingin lang ang klase at bumalik ulit sa dati nilang ginagawa. Napatingin ako kay Ate Kumiko. Napangisi ako. Siya ata ang may gawa nito.

"Yo, Onee-chan!" pagbati ko sa kaniya. Inosente siyang ngumiti sa akin.

"Hello, Haibara-chan." tugon niya at pinapa-upo na ako. Lumingon ako kay Cy-kun at nag-eye contact kami na pumwesto na sa dati naming mga upuan.

Pagka-upo ko sa upuan ko ay inulan ako ng mga tanong ng mga ka-gangmates ko ngunit hindi ko sila pinansin at tumingin lang sa labas.

_____

KUMIKO'S POV (Ate ni Haibara)

Kakatapos ko lang magturo at napapansin ko ang kapatid ko na si Haibara na palagi nalang tulala at parang may iniisip na malalim habang nakahalumbaba. Ano kayang nangyayari sa kaniya? Sinubo ko ang pagkain ko habang nag-iisp ng dahilan. Andito ako sa Faculty Room at kumakai kaming lahat. Kailangan naming pumunta mamaya sa Office ni Mom Ayumi para sa sasabihin niya raw na importante.

Nang matapos na ako ay sumabay sa akin si Fujiyama-sensei papunta sa Office. Pagkapasok namin sa Office ay ramdam dito ang napakaseryoso atmoshepre na bumabalot sa buong paligid.

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon