HAIBARA
Agad akong lumayas sa G-Point na pinagdalahan ako ni Conan. Binunot ko ang phone ko at tinatawagan si Ash.
"Hello Ash?" saad ko. Nagkaroon naman ng static sa kabilang linya.
"Oh Hannah? Ayos ka lang?" tanong niya.
"Oo. Um, pwede mo ba akong sunduin 7 blocks from the school? At pwede, pakibilisan?" saad ko. Since mahilig mangarare si Ash, hindi ko pa nga nababa ang linya, andito na siya at ng sasakyan niya. Tumakbo naman agad ako sa passenger's seat at umupo rito.
"So, what happened?" tanong niya. Huminga ako nang malalim at tumingin sa labas habang nakahalumbaba.
"Ginawa niya akong collateral kapag nanalo ang kalaban niya. Pero dahil siguro inis din si Conan sa akin dahil sa pagsagot ko sa kaniya, pinahabol niya ako." pagkwekwento ko. Napatawa naman si Ash.
"And then, what happened?" tanong niya.
"Saad nung Jarvey, tumakbo na raw agad ako. Baka raw may tyansa pa akong tumakas. Kaso ang ginawa ko, pinatumba ko lahat ng mga humahabol sa akin." saad ko ulit. Mas lalong lumakas ang pagtawa niya sabay overtake sa sasakyang nasa harapan namin.
"Instincts, eh?" saad niya. Tumango nalang ako.
Pagkarating namin sa School ay nasalubong agad namin si Nathalie sa pasilyo. Sinamaan niya kami ng tingin.
"We're not done yet, nerds." saad nito at nilagpasan kami. Himala, hindi niya ata kasama 'yung mga alipores niya.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang umabot kami sa Room namin. Sinalubong ako agad nina Miwa at nakangiti sila.
"Are you okay?" tanong ni Gin. I gestured my whole body.
"I'm alive and kicking." saad ko. Tumawa naman sila at sabay-sabay na kaming pumasok sa Room. Since grupo kami ng nerds, pinagtsismisan na naman kami pero panandalian lang 'yon dahil may mga pumasok na nakakuha ng atensyon nila.
At sino pa nga ba? Edi ang Princes Of Hell.
Luminga 'yung Conan at dumako agad ang tingin niya sa akin. Naglakad siya papalapit sa akin habang 'yung mga ka-gangmates niya ay nakasunod lang sa kaniya. Umupo siya sa tapat ko.
"Who are you?" tanong niya. Now what? He seemed interested at me.
"Haibara Ai Fujiwara is the name." saad ko. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Parang sinasaulo niya ang bawat detalye ng mukha ko, and it's creeping me out.
"Err. Why?" tanong ko.
"Paano mo nagawa 'yon?" tanong niya.
"Ang ano?" pagmamaang-maangan ko. May ideya narin naman ako kung anong tinatanong niya.
"Napabag---"
Bago pa siya matapos ay dumating ang Teacher namin sa History class kaya wala na siyang choice kundi umalis sa tapat ko. And that's the cue na dapat ko nang kontrolin ang sarili ko. I should act like a nerd simula ngayon. Nararadaman ko na naghihinala na si Conan.
"Smells trouble~" kanta ni Grae. I clicked my tongue.
"Looks like it." saad ng isang pamilyar na boses. Napatingin agad ako sa gawing kaliwa ko at nakita ko ang isang pamilyar na babae roon. Braids and glasses. Naningkit ang mga mata ko.
"Jane..Suzuki." banggit ko sa pangalan niya.
****
CONAN
Hindi ko maiwasang titigan nang titigan ang papel na binigay sa akin ni Ms. Beatrice. Morse Code. Ibigsabihin ba marunong magdecode ng ganito si Ai-kun? O sadyang pinagawa niya lang ito sa iba para lang maitago sa iba na andito na siya? At inaasahan niya lang na makikita ko 'to para hanapin siya?
Teka.
Hindi kaya patibong lang 'to? I've been finding her ever since we went out of Japan at wala manlang akong balita sa kaniya magmula pa noon. Hindi kaya niloloko lang ako ng mga taong alam ang kahinaan ko?
Napatitig ako kay Haibara. That girl.....I feel something different at her. Her presence is enough para ma-figure out ko na agad na may iba sa kaniya.
Una, binastos niya ako given the fact na intimidating ang aura ko. May mga taong hindi agad ako ina-approach dahil iba raw ang dating ko. Pero sa kaniya, parang wala 'yung talab.
Second, walang makuhang impormasyon sa kanila si Jarvey which I really find suspicious dahil ni minsan, hindi pumalpak ang abilities ni Jarvey sa mga gadgets niya.
At pangatlo, napatumba niya ang mga alagad ni Red Viper.
Hmm. Hindi kaya nag-aral lang siya ng martial arts? Hindi naman lahat ng nerds e mahihina. Sabi nga nila, bookworm sila but that doesn't mean na hindi na sila magaling sa ibang field ng recreational activities.
Napatitig ulit ako sa papel. I'm creating conclusions in my head right now. Ang timing ng papel na 'to ay kaparehas ng pagdating nina Haibara dito sa University. At sabi ni Ms. Beatrice, may salamin daw ang nagbigay sa kaniya nito. That very feature fits Haibara. Pero hindi lang naman siya ang nag-iisang nakasalamin sa University kaya hindi ko muna ito-tolerate ang idea.
At tsaka isa pa, imposible na siya si Ai-kun. Mabait si Ai-kun. Sweet. Fragile. Pero maangas. Kaya nga Ai-kun ang tawag ko sa kaniya dahil akala ko lalaki siya noong bata pa ako. Pero I got it all wrong. Ganon lang talaga siya kumilos.
Hays. Ai-kun. Matagal-tagal narin nang huli tayong magkita. Miss na miss na kita. Sinubukan kong magsyota ng iba pero ikaw palagi ang nasa isip ko. Siguro simula palang ay tinadhana na tayo pero hindi lang ito ang tamang panahon.
Tama, baka hindi pa ito ang tamang panahon kaya hindi pa kami nagkikita.
Alam mo ba, Ai-kun, namatay na 'yung Tito ko. He was killed. Kilala mo pa naman ata si Tito Clyde since palagi ko siyang kinukwento sa'yo. And now that I've become strong, poprotektahan ko na lahat ng mga taong malapit sa akin.
Lalong-lalo ka na, Ai-kun.
****
NATHALIE
"Hello?" sagot ko sa tawag ni Tito.
"Hello? Kamusta na, daughter in law?" tanong niya. Luminga naman ako sa paligid at dumako ang paningin ko sa babaeng nakaupo roon sa dulong upuan.
"She's doing fine. Should I strike now?" tanong ko. Nasa gitna ako ng klase pero hindi ako napapansin ninuman na may kausap. Ito ay dahil ang mga hikaw ko ay ang nagsisilbing earpiece ko at ang kwintas ko naman ay siya ring nagsisilbing mic ko sa kausap ko.
"No. Hayaan mo na muna siya. How's your sister doing? Napalapit na ba siya sa kanila?" tanong ni Tito sa kabilang linya. Huminga ako nang malalim.
"Hindi Tito. Imposible mangyari. Masyadong mailap ang mga bagong salta." saad ko at sumulyap ulit kina Haibara. Nakaramdam naman ata si Haibara na may nagmamasid sa kaniya kaya luminga na siya habang nakakunot ang noo. Mabilis akong umiwas ng tingin.
Mahirap na. Baka malaman niya na nakatitig ako.
"So kailan kayo uuwi rito, Tito?" tanong ko. Narinig ko naman ang pag-inom niya ng tsaa sa kabilang linya.
"Baka mamaya." tugon niya.
"O sige. Mamaya na ulit, Nathalie." saad ni Tito at binaba na ang tawag.
So that's her that he is talking about? Interesting.
*****
Ai-chan's Note: Done! So, anong masasabi niyo sa Chapter na ito? Short update lang hahah. Sino kaya si Jane at Nathalie? Any ideas? At sinong Tito ang tinutukoy ni Natalie? Hmmm.
PLUG:
https://www.facebook.com/animeaddict04 (Chris WP)
https://twitter.com/chrstnmrvc (Chris Oca)
BINABASA MO ANG
Daredevil Gangsters
FantasyHaibara Ai Hyde, a gangster and a prisoner of her past, has a deal with her Father. She needs to study at their own University in order to find her childhood sweetheart. Her gangmates join her to face a new set of adventures and opponents beneath th...