Chapter 15.1 - His death.

45.9K 683 31
                                    

CONAN'S POV


Ito na ba ang pinakahihintay kong pag-gising ni Ai-kun? Lumingon ako sa kaniya at nakatingin lang siya sa kisame. Bakit ganun? Ba't nakatulala lang siya roon? Pinindot ko ang pisngi niya ngunit 'di pa nga ito nakakalapat ay hinawakan niya na kaagad ito.

"Don't you ever dare."malamig na saad niya sa akin. A-anong nangyayari sa kaniya? Lumingon siya sa akin at walang emosyon ang nakapinta sa mukha niya. Anong nangyayari sa kaniya? Anong nangyayari sa pinakamamahal kong Ai-kun? Niyakap ko lang siya subalit hindi siya yumakap pabalik. Bakit kaya?

At ang sunod niyang kataga ay ang nagpatigil sa mundo ko.

"Who the hell are you?"malamig na sambit niya sa akin. Napabitaw tuloy ako sa kaniya at kunot noo ko siyang tinitigan ngunit tinulak niya lang ako palayo.

 A-ai-kun? A-anong n-nangyayari sa kaniya? Nalimutan niya na ako kaagad? Malungkot akong tumayo at aakma nang lalabas ng may biglang may yumakap sa likuran ko.

"I miss you too, Cy-kun." malambing na saad ng tao sa likod ko na si Ai-kun. Lumiwanag ang mukha ko at mabilis na humarap sa nakangiting Ai-kun. Napakunot ang noo ko nang ng nagpipigil siya ng tawa. Ano na naman ba 'yun?

Humahalakhak lang siya ng ilang beses. Nakahawak pa siya sa tiyan niya sa lagay na 'yan habang ako, naguguluhang nakatingin sa kaniya.

 "Cy-kun, kung nakita mo lang sana 'yung mukha mo kanina, ang epic! Haha!"natatawang saad niya sa akin. Nainis naman ako ng onti sa tinuran niya subalit mas mabuti na nang ganito siya. Masaya at hindi natutulog sa Hospital Bed.

Napangiti tuloy ako ng wala sa oras at mabilis na niyakap siya kaya siya napatigil sa pagtawa.

"Sana  Ai-kun ganiyan ka nalang palagi."malambing kong saad sa kaniya habang magkayakap kami.  Pagkalipas ng ilang minuto ay bumitaw na kami sa isa't-isa.

"Happy Birthday and Happy New Year." Bati ko sa kaniya at pasimpleng kinuha ang regalo ko sa table malapit sa kaniya.  Tinago ko ito sa likuran ko.

"Cy-kun, ilang araw na ba ako natutulog?" tanong niya sa akin kaya napatigil ako. Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya.

"Hindi araw, kundi buwan. Apat na buwan, Ai-kun."sambit ko. Nagulantang siya sa nalaman niya. Haha! Ang cute! Naglakad na ako patungo sa kaniya at inangat ang box na kulay pula na regalo ko sa kaniya.

"Ai-kun, apat na buwan akong naghintay para magising ka. pumikit ka muna."nakangiting saad ko sa kaniya.

"Tch, kakagising ko nga lang tapos ipapapikit mo ako." saad niya na parang bata.

"Sige na!" pagpupursigi ko sa kaniya. Pamaktol siyang pumikit.  Binuksan ko ang pulang box at kinuha ang golden necklace na may pendant na Yin yang. Marahan ko itong kinabit sa leeg niya.

"Pwede na ba akong dumilat?"tanong niya saakin, pumunta muna ako patungo sa harapan niya at marahan na hinawakan ang balikat niya

"Oo, pwede na" malambing kong saad at kasabay no'n ay ang pagmulat ng mga mata niya. Tinitigan niya ang kwintas na nasa leeg niya ngayon at hinawakan niya ang kwintas na bigay ko.

"Thank You, Cy-kun!" bulalas niya sa akin at dinambahan ako ng yakap. I hugged her back. Maya-maya ay bumitaw na siya sa akin at ngumiti. Nagtitigan kami nang matagal. Unting-unti nang nagkakalapit ang mukha namin, and we kissed passionately. She wrapped her arms at my nape and my hands are on her hips. We cherished this moment. I really miss her a lot.

 "Aishiteru Yamashite, Cy-kun. saad niya at niyakap muli ako. Niyakap ko naman siya pabalik. Napangiti ako.

"Boku mo. (Mee too.) " sambit ko.

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon