Ai-chan's NOTE: Sa simula nalang ako ng UD maglalagay ng NOTE para mas maganda. Abangan ang Part 2
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~HAIBARA'S POV
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Isang araw na naman pero pakiramdam ko,sobrang pagod na pagod ako.
Parang ang dami-dami kong ginawa ng mga nakaraang araw at parang maraming nangyari.
Marami na naman akong nalaman na mga impormasyon at napuno na ang utak ko sa kakaisip ng mga gano'ng mga bagay.
Parang gusto kong magpalamig at magpahinga.
Parang ayoko munang pumasok sa paaralan.
Parang ayokong lumabas.
Hindi ko alam ang dahilan pero may masamang kutob ako na may mangyayaring hindi maganda ngayong araw.
[Tok! Tok!]
May isang tunog ng isang pagkatok na nagmumula sa aking pintuan ang nagpagising saakin sa reyalidad.
Lumingon ako sa direksyon ng pintuan.
Nakakarindi dahil sa ingay na nagagawa no'n.
Tumayo ako at tumungo sa banyo.
Hindi ko na pinansin ang kumakatok at kung sino man ang taong 'yon ay wala na akong pakielam.
Lumipas ang mga oras ay natapos ko na ang kailangan kong gawin kaya tumungo ako sa salamin ng Banyo.
Tumingin ako sa repleksyon ko rito.
Nagulantang ako nang makita kong pula ang mga 'to.
Bakit naging pula?
Hindi naman ako nakakaramdam ng galit o lubos na galak para maging pula ang mga 'to.
Pero kung pula ang mga 'to, may isang emosyon akong naikukubli sa loob-loob ko.
Ano naman kaya 'yon?
Napagtanto ko na nakatulala na pala ako sa sarili kong repleksyon pagkalipas ng maraming minuto at nagising lamang ako sa reyalidad ng marinig ko ulit ang ingay dulot ng pagkatok sa pintuan ng aking kwarto.
Bago ako lumabas ng banyo ay sinulyapan ko ang aking repleksyon at bumalik narin sa dati ang kulay ng mga mata ko.
Pero iisa lang ang sigurado ako at yun ay ang nangyari kanina.
Ang pagiging mula ng mata ko ay may malalim na dahilan at marahil ay dulot 'yon ng aking masamang kutob.
Hindi ako natatakot kundi kinakabahan.
Anong pwedeng mangyari sa araw na 'to?
Marahas kong binuksan ang pintuan ko dahil naririndi na ako sa ingay na dinudulot ng pagkatok rito.
Tinapunan ko ng blangkong tingin ang kumakatok sa kwarto ko.
Ang katulong ng isang araw na gumising rin saakin.
Ngumiti siya saakin ng napakatamis at hindi pinansin ang blangko kong tingin sa kaniya.
Hindi,mali.
Wala lang sa kaniya ang blangko kong tingin sa kaniya dahil parang sanay na sanay na siya sa mga ganoong trato sa kaniya.
"Your breakfast was downstairs, and By the way, Your dad is in the Dining Room and it seems that, He wants to talk to you." nakangiti niyang sambit saakin.
BINABASA MO ANG
Daredevil Gangsters
FantasyHaibara Ai Hyde, a gangster and a prisoner of her past, has a deal with her Father. She needs to study at their own University in order to find her childhood sweetheart. Her gangmates join her to face a new set of adventures and opponents beneath th...