Sunny POV
Nakatitig ako sa lalaking nakahiga sa kama nya na mahimbing na natutulog.
Kung di ko lang ito mahal baka napabayaan ko na sya kagabi. Mabuti nga at naisipan ko na dumaan sa apartment nya, nakita ko kasi sya sa labas na nakasandal sa may pinto nya. Hindi nya na yata kinaya kaya nakatulog sya sa labas habang hawak nya yung susi sa kamay nya.At dahil ako naman na bilang girlfriend nya na nag aalala para sa kanya, ako na ang pumasok sa kanya sa loob kahit na sobrang bigat nya dahil sa tangkad nya narin.
Kaya ngayon ito ako nakaupo sa tabi nya, hindi ko rin naman sya magawang iwan dahil nga sa lasing sya kaya dito na ako natulog. Habang hindi pa sya nagigising nagluto muna ako ng soup dahil para pag gising nya kainin nya na lang at para mainitan yung sikmura nya at alam kung may hang over sya panigurado. Pag nagising talaga sya mababatukan ko sya, hindi nya iniingatan yung sarili nya.
Palibhasa wala ako kahaoon dahil may mga kameeting ako, sinulit nya naman na uminom.
Nakarinig ako ng ilang beses na tunog ng doorbell, kaya agad akong napatayo at bumababa para tingnan kung sino ang nasa labas ng apartment. Nakita ko naman si Yoona na nasa labas kaya binuksan ko yung pinto.
" Anong ginagawa mo dito? "-Sunny
" Kanina pa ako nag dodoorbell sa apartment mo pero wala ka naman. Kaya alam kung nandito ka. "-Yoona
Hinila nya naman ako papunta sa sala at naupo kaming dalawa doon.
" Bakit anong kailangan mo sakin? "-Sunny
" Gising na ba si Soo? Alam ko naman na hindi pa yun gising kaya mas mabuti narin yun" -Yoona
Tanong nya sagot nya rin, ang weird din neto minsan.
" Sabihin muna nga lang kung anong pinunta mo dito? Hindi yung iniinsulto mo pa ang boyfriend ko "-Sunny
" Sorry naman, kilala mo si Yuri diba? Sinabi nya kasi sakin na dito na sya nakatira. Nakakagulat nga kung bakit sya biglang titira mag isa. "-Yoona

BINABASA MO ANG
Roommate (YulSic)
RomanceSabi nga nila pag may mga umaalis may papalit. Paano kung yung papalit na iyon ay hindi mo type. Parang ang layo maging kaclose mo pero dahil sa isang pangyayare magbabago yung tingin mo sa kanya. Bago mo lang malalaman ang totoong pag uugali niya...