Chapter 17

136 3 0
                                        

Jessica's POV

Pansin ko naman na may kasama si Yuri sa courtyard, hindi ko gaano makita dahil nakatalikod ito. Ewan ko ba bigla na lang akong naasar nung yakapin nya yun kaya umalis na lang ako sa balkon at pumunta sa kitchen para kumuha ng tubig.

Sino naman kaya yung kasama nya dun? Wait. Ano bang pake ko sa kanila. Tsk.

Magaling narin yung kamay ko kaya bukas tatanggalin na yung arm sling at pwede na akong bumalik sa trabaho ko. Nakakabored narin dito dahil ilang araw na akong tambay sa bahay. Pinapadala naman ni Kry yung email sakin para alam ko yung nangyayare sa office.

Simula nung nag launch yung bago naming product naging hit sa mata ng tao yun kaya nag kakaubusan. Kaya nga gusto ko na bumalik sa trabaho para maayos na agad. At yung pinaplano ni Soo na mag papatayo kami ng mini blanc sa ibang lugar dito sa pilipinas baka magawa narin sa susunod na buwan. Nag hahanap lang ako ng magandang lugar na pag tatayuan ng Blanc, nag reresearch din ako. Yun lang naman ang ginagawa ko pag may time ako kasi halos lahat ng oras ko nauubos sa pag iisip ko sa Company.

Yung tungkol naman kay Tyler nasa kulongan na sya. Medyo nagkatrauma ako sa nangyare dahil may iniwan sya saking alaala.

Naupo naman ako sa couch at binuksan yung TV. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon gising parin ako.

Mayamaya pa bumukas yung pinto at napatingin ako ng pumasok si Yuri.

" Gising kapa pala. Nag pahangin lang ako sa labas. "-Yuri

" Ah! "-Jessica

Parang hindi naman halata sa kanya na may kasama sya kanina, ganito ba talaga mag tago yung mga lalake?

Naupo naman sya sa may sahig at nanuod din ng TV.

" About nga pala sa nangyare, ayaw ko sana mag open ng topic tungkol dun pero may balak kaba? Hindi kasi ako kampante na hindi makulong ng tuluyan si Tyler lalo na nung nasaktan ka. "-Yuri

Hindi naman sya nakatingin at patuloy lang sa panunuod. Nakakapagtaka kana, ba't ba ang hinhin mo ngayon. Hindi na sya yung lalakeng unang nakita ko, siguro ito na yung side ng kabaitan nya.

" Pinaubaya ko na kila Soo yung kaso, pupuntahan nya na lang ako pag may kailangan. Salamat sa pag aalala. "-Jessica

" Kung may maitutulong ako sabihin mo lang. Gusto ko kasi matapos na yung kaso. Para kasing hindi ka sanay sa nangyayare, may trauma parin sayo ang lahat. "-Yuri

Habang tinitigan ko yung likod nya parang feeling ko kaharap ko lang sya habang sinasabe nya yung mga salita na yun.

" Hindi rin ako sanay na ganyan ka. "-Jessica

Napatingin naman sya sakin.

" Sorry. Yung mga unang pagkikita kasi natin hindi ako nag pakilala ng totoong ako. Pero masasanay ka rin na ganito ako, masyadong nagiging maingat lang ako sa mga malalapit sakin. "-Yuri

" So, ibig mong sabihin ganun na tayo kaclose para sayo? Naguguluhan lang kasi ako. "-Jessica

" Oo naman. Sa iisang bahay lang tayo nakatira at kailangan nating pangalagaan ang bawat isa. Parang ako na yung mag tatanggol sayo sa lahat at ganun ka din. Mas maganda kasi yung pareho kayong may pake sa isat isa. Hindi mo ba gusto yun? "-Yuri

Hays. Ganito ba talaga sya?
Ewan ko ba tong si Heart kung makatibok naman parang sasabog na. Baka mamaya binobola lang ako neto at asadong asado naman ako. Pero hindi naman masama na kilalanin ko pa sya baka totoo naman lahat ng sinasabe nya.

" Gusto. Pero ginagawa ko kasi yun sa dati kung roommate na babae kaso lalake ka eh. Parang hindi ako sanay. "-Jessica

" Diba nga sabi ko sayo dapat mo ng sanayin na lalake ang kasama mo. Kung gusto mo ituring muna lang akong kuya. "-Yuri

Roommate (YulSic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon