Chapter 20

104 1 0
                                    

Hindi ako nakatulog nung gabing yun dahil inaalala ko yung event para bukas sa Blanc. Pero salamat kay Yuri dahil sinamahan nya ako hanggang sa antukin ako.

Nagulat ako nung ginising ako ni Yuri, kaya napatili ako sa gulat nung makita ko sya kaso tumawa lang sya sakin.

" Hinanda ko na yung breakfast mo, sasamahan kita ngayon kaya bumangon kana. "-Yuri

" Salamat. Sorry nga pala kasi medyo nagulat ako nung nakita kita. "-Jessica

" Wala yun, kasalanan ko din dahil hindi man lang ako kumatok kaya sorry. "-Yuri

" Okay lang, sana sa susunod kumatok ka. "-Jessica

" Lalabas nako, baka naabala na kita. "-Yuri

Sinundan ko naman siya hanggang makalabas, para naman akong timang na nakangiti.

Bakit ba pakiramdam ko nagiging sweet na sya sakin, hindi kaya nag kakagusto sya sakin? Pero bakit parang ako yata ang nag kakagusto sa kanya 😑 Ang gulo ko din kausap eh. Basta ang sigurado ako mas gusto ko yung ginagawa nya, para akong prinsesa na palaging pinag sisilbihan nya.

Wala naman siya sa sala nung pag punta, baka nag hahanda narin siya para samahan ako, ngayon na kasi yung araw ng launching namin.

Nagiging buhay prinsesa na nga yata ako dito sa apartment namin, para kaming bagong mag asawa 😍 Palagi niya akong ginagawan ng agahan at sobrang gentleman nya talaga, dagdag pogi points din yun 😂😍

Pero naalala ko parin si Seohyun, nag aalala rin ako sa kanya. Sana nasa maayos sya ngayon.

Sakto namang patapos na ako at palabas narin siya ng kwarto nya, hindi ako masyadong nag ayos dahil pupunta lang ako sa Shop para ayusin at tingnan yung mga ginagawa dun dahil sa gabi pa mag sisimula ang party.

Mas lalo namang lumitaw ang kagwapuhan niya dahil sa suot niyang checkered na blue, dagdag pa yung smirk nya sakin.

" Shall we? "-Jessica

Lumapit naman siya sakin at inilahad yung kamay nya hindi naman ako tumanggi at hinawakan ko yun, para tuloy kaming lalabas ng date.

" Yung kotse ko na lang ang gamitin natin, medyo malayo din kasi ang pupuntahan natin. "-Jessica

" Ikaw ang bahala, ipagmamanehi kang naman kita kung san mo gusto. "-Yuri

" Pwede naman tayong mag palitan sa pag drive baka mangalay ka o kaya antukin ka sa byahe. "-Jessica

" Hindi na, ako yung lalake kaya ako ang mag mamaneho buong byahe. "-Yuri

" Dumaan nga pala tayo sa shop mo, gusto kung bumili ng coffee. "-Jessica

" Osige, kakausapin ko lang din saglit si Vivian. "-Yuri

Pagbaba namin dumiretso na kami sa kotse ko at siya ang nag maneho habang katabi niya ako. Huminto naman kami sa harap ng shop nya para bumili ng coffee dahil baka antukin din tong si Yuri dahil maaga pa nga.

" Ako na lang ang papasok, antayin muna lang ako dito. "-Yuri

Tumango na lang ako saka sinundan siya ng tingin habang papasok sa Shop nya.

Hindi rin ako mag tataka kung bakit maraming nag kakagusto sa kanya at kung bakit hirap siyang kalimutan ng ibang babae. Ngayon ko pa lang siya nakikilala pero parang ang bilis ko mag kagusto sa kanya o baka sanay na syang mag paibig ng mga babae, alam na niya kung paano palambutin ang puso namin. Hindi naman masama kung mag kakagusto ako sa kanya, humahanga lang ako sa kanya kaya wala naman sigurong mali dun. Kaso hindi na ako aasa na mag kagusto sya sakin dahil may girlfriend na sya ayaw kung makigulo sa kanilang dalawa at alam ko din kung gaano nya yun kamahal.

Roommate (YulSic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon