Jessica's POV
Pag check ko sa phone ko, almost 1am na pala. Sakto namang may kumatok sa office ko, nandito pa nga pala ang secretary ko.
" Come in. "-Jessica
Tumingin naman sya sakin, hindi ko kasi napansin ang oras sobrang busy ko ngayon. Nag hahabol na kasi ako ng oras, itutuloy ko ang business trip namin.
" Hindi ko na napansin ang oras, mauna kana sakin. Aayusin ko na lang ito at uuwi narin ako. "-Jessica
" Sige po, ingat sa pag uwi. "-Andrea
" Ingat ka din, agahan muna lang bukas madami pa tayong gagawin. Iuuwi ko na lang ang iba sa apartment ko, para matapos ko na agad. "-Jessica
Pagkalabas nya nag simula narin akong mag ligpit ng mga papeles at nilagay sa bag ang mga yun. Sumunod narin akong lumabas, may mga naiwan pa din sa office.
Pagkadating ko sa apartment dun ko lang naramdaman ang pagod, hindi ko na napansin ang kwarto ni Yul. Bukas ko na sya kakausapin, tatapusin ko na lang muna ang iba ngayon.
Nag ayos muna ako ng sarili ko bago bumalik sa working table ko, nag ccheck kasi ko ng mga bagong papers this month. Ayaw kung may problema pag umalis kami, one week din akong mawawala kaya mahaba haba ang hahabulin ko.
Hindi ko pa nga nababasa ang text message ni Tiff sakin sa sobrang busy ko, hindi pa ulit kami nag uusap ni Soo. Napaka busy ko talaga ngayon, kaya bukas ko na lahat yun gagawin. Aabutin narin ako ng umaga nito, aagahan ko pa ang pasok ko bukas. Para wala na talagang istorbo ngayon, nag off na muna ako ng phone ko. In just one hour lang, sigurado ako na matatapos ko yung iba ngayon. Kahit ramdam ko na yung pagod at antok, titiisin ko muna. Focus muna ako ngayon, kahit late na nga ang oras.
-
Kahit antok na antok pa ako bumangon parin ako, 3am na ako nakatulog at kailangan ko magising ng 5am.
Para akong zombie kung mag lakad papunta sa banyo, sobrang sakit ng katawan ko ngayon. Pagtapos ko mag shower at makapag bihis na, inayos ko na lahat ng dadalhin ko sa office.
Nung nasa sala na ako, ramdam ko naman ang katahimikan. Maaga din kaya umalis si Yul?
Sarado naman ang kwarto nya, walang bakas ng anino nya dito sa loob.Nasa labas na ako ng apartment ko ng tumunog ang phone ko, hindi ko pa nga pala nababasa ang message ni Tiff. Ang aga nya yata nagising ngayon.
" Bakit hindi ka sumagot sa text? Hindi pa kita matawagan kagabi. "-Tiffany
" Sorry Tiff, ang dami ko lang inayos sa Blanc sobrang busy ko talaga. May problema ba? "-Jessica
" Itatanong ko sana kung nag ka usap na ulit kayo ni Soo? Hindi ko parin kasi matawagan hanggang ngayon, pwede ba daanan mo sya sa apartment nya ngayon. "-Tiffany
" Late na ako nakauwi kagabi kaya hindi ko na sya nakausap, nag off din ako ng phone pero sige pupuntahan ko sya ngayon. "-Jessica
" Okay, balitaan muna lang ako. Love you. "-Tiffany
" I love you too. "-Jessica
Lumiko naman ako para pumunta sa apartment ni Soo, panigurado tulog pa ang Giant na yun.
Nung nasa harap na ako ng apartment nya, nag doorbell naman ako. Kaso walang bumukas, mabuti na lang talaga nabubuksan ko ang apartment nya.
Pagpasok ko sobrang tahimik naman, dumiretso na ako sa kwarto nya. Bukas naman ang pinto nun kaya pumasok na ako binuksan ang ilaw pero wala sya dun. Ang gulo pa ng kama nya, wala talagang alam ang Giant na yun sa kalinisan.

BINABASA MO ANG
Roommate (YulSic)
RomansaSabi nga nila pag may mga umaalis may papalit. Paano kung yung papalit na iyon ay hindi mo type. Parang ang layo maging kaclose mo pero dahil sa isang pangyayare magbabago yung tingin mo sa kanya. Bago mo lang malalaman ang totoong pag uugali niya...