Sooyoung's POVAno naman kaya ang naisip nilang tatlo kagabi at nag inuman sila? Kasama pa nila si Yoona, akala ko ba hindi sila okay ni Sica?
Hindi na ako nakauwi kagabi sa apartment ko dito na lang ako sa sala natulog, habang silang dalawa ni Yena mahimbing na natutulog. Pati tuloy yung kapatid ko nagagalit narin sakin, alam ko naman kakampihan nun si Sun eh. Hays.
Nag luto ako ng soup para kay Sun at breakfast narin ni Yena, maaga kasing nagigising yung kapatid ko kaya mag hahanap yun ng pagkain. Habang hindi pa sila nagigising kumain narin ako, aalis ako ng maaga ngayon dahil aayusin ko yung mga gulo na pinasok ko lalo na sa bestfriend ko. Pakiramdam ko tuloy lahat ng tao sa paligid ko galit sakin, ako lang mag isa.
Nag iwan na lang ako ng note para mabasa ni Yena saka lumabas na ako para makapag ayos na at may aayusin pa ako.
Pansin ko naman si Minho sa harap ng apartment ko. Ano naman kayang balita ang dala nito?
" Bakit nandito ka? "-Sooyoung
" Kakauwi mo lang? Hindi ka natulog dito? "-Minho
" Sa apartment ako ni Sun natulog, anong kailangan mo ang aga aga nandito ka? "-Sooyoung
" Nasaan pala si Yena? May plano kasi kami mamaya, "-Minho
" Wala dito, alam mo naman kung saan yun pumupunta pag nag aaway kami ni Sun. '-Sooyoung
" Sooyoung against the world. Haha! Kaya kung ako sayo maging mabait ka sakin, ako na lang kakampi mo. "-Minho
" Umalis kana nga dito baka ano pa magawa ko sayo, lalo mo lang akong iniinis. "-Sooyoung
" Ang sungit mo talaga pinsan. Haha! "-Minho
Pumasok na ako sa loob at nilock yung pinto, baka sumunod pa yun sakin.
-
Pagkatapos ko mag ayos ng sarili ko, bumaba na ako para puntahan yung shop ni Yuri. Gusto ko lang mag sorry, mukhang pati sya nadamay sa ginawa ko.
Nagulat naman ako ng makita na pabalik yung kotse ni Sica, kaya lumapit ako dun kaso si Yoona ang nandun. Paano naman kaya napunta sa kanya yung susi? Ganun na ba talaga sila kaclose? Baka naman may binabalak sya? Paano nya rin nasabi sakin na tutulungan nya ako at kapalit nun may utang ako sa kanya. Anong kabaitan naman kaya ang sumapi sa kanya? O baka naman ginagawa nya lang yun dahil wala syang magawa? Nililibang lang kaya nya sarili nya para makalimot sa ginawa sa kanya ni Hyo?
Ewan ko din ba kay Hyo, hindi marunong humawak ng relasyon. Kahit ako may galit sa kanya, mali naman yung iwan nya lang yung taong mahal nya para lang sa company nila. Panigurado pag bumalik sya mahihirapan na sya makuha ulit si Yoona, lalo na kapag nakahanap ng bago yun.
Hindi manlang nya kausapin si Yoona at ipaliwanag ang nangyare, iniwan nya lang basta basta. Kung ako yun hindi ko magagawa kay Sun yun kasi baka hindi pa ako nakaalis nauna na sya mawala sakin. At hindi ko naman yata kayang saktan sya, kung sya pa nasasaktan nya ako.Tumawag muna ako sa Secretary ni Sica para sabihing postponed muna ang lahat, hindi ko pa makausap ng matino si Sica.
Nagmaneho na ako papunta sa shop ni Yuri, alam nya narin na papunta ako. Nag usap din kaya sila ni Sica kagabi?
Pagdating ko sa shop, na pansin nya agad ako kaya naupo ako sa may bandang hulihan. Lumapit naman sya sakin,
" You want coffee? "-Yuri

BINABASA MO ANG
Roommate (YulSic)
RomantizmSabi nga nila pag may mga umaalis may papalit. Paano kung yung papalit na iyon ay hindi mo type. Parang ang layo maging kaclose mo pero dahil sa isang pangyayare magbabago yung tingin mo sa kanya. Bago mo lang malalaman ang totoong pag uugali niya...